Pages:
Author

Topic: Ginagamit nyo pa ba Ledger wallet nyo? (Read 250 times)

hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
November 17, 2023, 10:10:23 AM
#24
Out of curiosity, bakit ayaw mo ng Trezor devices? Dahil ba ito sa CoinJoin [optional] or iba?
For a change since nadala nako sa Ledger na popular brand tapos biglag naging ganito nangyari. Kaya mas preferred ko yung ibang brand na semi popular lang pero trusted na open source. Pero trezor din talaga first choice ko na alternative, Nagbabaka sakali lang ako kung meron pang ibang good brand.

Never ko pa nakapagtry na gumamit ng mga hardware wallets dahil sa priorities ko. Hot wallets gamit ko gaya ng Mycelium, Coinomi at Electrum wallets so far wala naman nangyaring masama sa funds ko simula 2017 hanggang ngayon. Though yung mga kinikita ko lang din sa signature campaigns yun eh safe naman. Siguro kung darating sa point na magkaroon ako nga chance na makapag-invest ng malakihan siguro bibili na ako ng hardware wallet pero syempre hanap din ako feedback dito sa forum kung ano maganda at safe. So far Ledger at Trezor lang alam ko sa mga ganyang klaseng wallets.

Sa case ko kasi ay naglalagay ako ng pera galing salary ko sa trabaho kaya iniingatan ko talaga funds ko since savings ko ito long term while maliit lang naman na halaga yung value ng HW compared sa nakalagay ko na crypto asset. For peace of mind na din para iwas paranoid sa possibility na mhack hot wallet ko.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
November 17, 2023, 10:01:22 AM
#23
Never ko pa nakapagtry na gumamit ng mga hardware wallets dahil sa priorities ko. Hot wallets gamit ko gaya ng Mycelium, Coinomi at Electrum wallets so far wala naman nangyaring masama sa funds ko simula 2017 hanggang ngayon. Though yung mga kinikita ko lang din sa signature campaigns yun eh safe naman. Siguro kung darating sa point na magkaroon ako nga chance na makapag-invest ng malakihan siguro bibili na ako ng hardware wallet pero syempre hanap din ako feedback dito sa forum kung ano maganda at safe. So far Ledger at Trezor lang alam ko sa mga ganyang klaseng wallets.
full member
Activity: 2548
Merit: 217
October 31, 2023, 06:42:37 PM
#22
May nadaanan na din akong thread about SafePal and yes so far maganda naman ang feeds
Considering na naghahanap ng open-source wallet si OP, isang model lang [NEW SafePal X1 hardware wallet] ng SafePal ang pumapasok sa category na ito, pero it's worth noting na wala pa itong reproducible builds dahil last month lang lumabas ito.
This is why I love following accounts like you bro dahil sa sharing mo ng mga importanteng points sa mga ganitong part.
buti nalang nabasa ko to muntik na ako umorder nitong wallet ..thank you so much sa part na to.

though sa ngayon Online wallet palang ng SafePal ang ginagamit ko kaso napakataas ng fee pag mag coconvert ka and ganon din pag nag sesend ka ng funds.
Nasubukan mo na bang pindutin yung "advanced button" sa sending page nila [I have a feeling na nandoon ang option para piliin ang exact fees (higit pa doon sa tatlong options na slow, recommended at fast)]?

hindi ko pa nasubukan tong feature , hindi ko din nasilip na meron palang advanced button , though nasa stable coin na ang funds ko for now , try ko silipin mamya to para gamitin pag ipapasok kona ulit sa bitcoin ,salamat talaga dito.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
October 31, 2023, 09:07:59 AM
#21
May nadaanan na din akong thread about SafePal and yes so far maganda naman ang feeds
Considering na naghahanap ng open-source wallet si OP, isang model lang [NEW SafePal X1 hardware wallet] ng SafePal ang pumapasok sa category na ito, pero it's worth noting na wala pa itong reproducible builds dahil last month lang lumabas ito.

though sa ngayon Online wallet palang ng SafePal ang ginagamit ko kaso napakataas ng fee pag mag coconvert ka and ganon din pag nag sesend ka ng funds.
Nasubukan mo na bang pindutin yung "advanced button" sa sending page nila [I have a feeling na nandoon ang option para piliin ang exact fees (higit pa doon sa tatlong options na slow, recommended at fast)]?

hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
October 31, 2023, 05:54:55 AM
#20
Solid thanks dito at least nalinawan na tayo sa bagong update ng Ledger Recover.
That's why na need munang basahin ang features and descriptions ng isang product or what at to understand anything bago mag bigay ng opinyon lalo na if a bit negative ang sasabihin at if galing lang din ang info sa kakilala or nakita/nabasa "lang" sa isang post or anything, hindi sa mismong official website.

Solid thanks dito at least nalinawan na tayo sa bagong update ng Ledger Recover. May nabasa din ako na if magkakaroon ng access ang ibang tao gamit itong feature nila may makukuhang $50,000 compensation galing sa coincover.
Yes, based sa website nila, pero it is still "subject for investigation" not sure paano yan at gaano katagal ang process para sa recovery or refund if ever nga na may na hack nangyari.
Update ko lang din Euro ang bayad sa website na lumalabas sakin hindi USD 9,99€ or sa 602.34 Philippine peso. Kayo rin ba?
Ye, that's right, 9,99€ ang naka sulat or €9.99 instead na comma.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
October 30, 2023, 01:53:30 PM
#19
Ledger would only have access to some parts of it, as stated sa FAQs page nila and as mentioned by @PX-Z, parang multi-sig yan, tatlong company ang hahawak sa 'fragments' ng encrypted private keys.
Even if Ledger goes down or gets hacked, your ledger hardware wallet would still be safe.
Quote
When you subscribe to Ledger Recover, a pre-BIP39 version of your private key is encrypted, duplicated and divided into three fragments, with each fragment secured by a separate company—Coincover, Ledger and EscrowTech. Each of these encrypted fragments is useless on its own. When you want to get access to your wallet, 2 of the 3 parties will send fragments back to your Ledger device, reassembling them to build your private key
Source: https://support.ledger.com/hc/en-us/articles/9579368109597-Ledger-Recover-FAQs?docs=true

Again, this is only an OPTIONAL feature. Kung 'di ka magsu-subcribe to it (which is, BTW, $9.99 per month) you wouldn't be affected.
Source: https://www.ledger.com/academy/what-is-ledger-recover

So to answer OP's question; Yes. I still use it.

Solid thanks dito at least nalinawan na tayo sa bagong update ng Ledger Recover. May nabasa din ako na if magkakaroon ng access ang ibang tao gamit itong feature nila may makukuhang $50,000 compensation galing sa coincover. Medyo disadvantage lang kung mas malaki ang hawak mo sa wallet na ilalagay mo dito. Update ko lang din Euro ang bayad sa website na lumalabas sakin hindi USD 9,99€ or sa 602.34 Philippine peso. Kayo rin ba?
legendary
Activity: 2492
Merit: 1164
Telegram: @julerz12
October 30, 2023, 10:09:09 AM
#18
Considering na may access ang ledger team sa seed phrase mo ay maari mo na dn maconsider na custodial wallet ang ledger mo since naka store sa cloud storage ang seed phrase mo na possibly mahack once magleak ang database ng ledger.
Ledger would only have access to some parts of it, as stated sa FAQs page nila and as mentioned by @PX-Z, parang multi-sig yan, tatlong company ang hahawak sa 'fragments' ng encrypted private keys.
Even if Ledger goes down or gets hacked, your ledger hardware wallet would still be safe.

Quote
When you subscribe to Ledger Recover, a pre-BIP39 version of your private key is encrypted, duplicated and divided into three fragments, with each fragment secured by a separate company—Coincover, Ledger and EscrowTech. Each of these encrypted fragments is useless on its own. When you want to get access to your wallet, 2 of the 3 parties will send fragments back to your Ledger device, reassembling them to build your private key
Source: https://support.ledger.com/hc/en-us/articles/9579368109597-Ledger-Recover-FAQs?docs=true

Again, this is only an OPTIONAL feature. Kung 'di ka magsu-subcribe to it (which is, BTW, $9.99 per month) you wouldn't be affected.
Source: https://www.ledger.com/academy/what-is-ledger-recover

So to answer OP's question; Yes. I still use it.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Top Crypto Casino
October 29, 2023, 01:32:09 PM
#17
Oo naman kailangan na kailangan may hardware wallet ngayon. Still mas safe siya compared sa walang hardware wallet. Hindi ako aware na may ganyan palang update. Meron din akong trezor, parehas ko naman silang nagagamit. Nasasayo naman yan kung bibili ka nalang ng bago if masyado kang nag aalala sa kapakanan ng iyong mga crypto-currency.
Considering na may access ang ledger team sa seed phrase mo ay maari mo na dn maconsider na custodial wallet ang ledger mo since naka store sa cloud storage ang seed phrase mo na possibly mahack once magleak ang database ng ledger.

With this knowledge. Mas better pa kung gagamit ka ng non-custodial wallet compared sa ledger. Pero mas better pa din talaga kung hardware wallet na open source ang gamitin since madami naman cheap alternative kagaya ng bitbox.
Luh, anong nangyari sa Ledger? Edi parang hindi na rin sya hardware wallet dahil dito at mas less safer na.
Actually, meron akong ledger way back 2017 pa at dun ko sinasave yung mga coins ko na hindi ko balak gastusin, kung baga crypto savings ko. Pero if ganto na yung case nila, possibly na galawin ko yung ledger ko at ilipat sa ibang hardware wallet. If may recommendation kayo please do. As per checking naman walang nagalaw sa ledger ko.
hero member
Activity: 2744
Merit: 702
Dimon69
October 29, 2023, 10:39:24 AM
#16
Oo naman kailangan na kailangan may hardware wallet ngayon. Still mas safe siya compared sa walang hardware wallet. Hindi ako aware na may ganyan palang update. Meron din akong trezor, parehas ko naman silang nagagamit. Nasasayo naman yan kung bibili ka nalang ng bago if masyado kang nag aalala sa kapakanan ng iyong mga crypto-currency.

Considering na may access ang ledger team sa seed phrase mo ay maari mo na dn maconsider na custodial wallet ang ledger mo since naka store sa cloud storage ang seed phrase mo na possibly mahack once magleak ang database ng ledger.

With this knowledge. Mas better pa kung gagamit ka ng non-custodial wallet compared sa ledger. Pero mas better pa din talaga kung hardware wallet na open source ang gamitin since madami naman cheap alternative kagaya ng bitbox.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 29, 2023, 04:31:29 AM
#15
Recently ay naimplement na nga ng Ledger ang recovery feature nila na sobrang turn off sa hardware wallet na ito. As a Ledger user, Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko pa din ito or bili nlng ng bago. Kaso nasasayangan ako sa hardware wallet ko nato dahil bagong bili ko plang nito nung nag announced ang ledger ng recovery feature plan nila kaya sobrang bad timing para sakin since investment ko na dn sana ito.

Tanong ko lng kung ginagamit nyo pa dn ba Ledger nyo? Currency may 6 digit figure balance ako sa ledger na no choice ako since altcoins karamihan sa holdings ko now. It’s either sa Exchange, Web3 wallet or Ledger pinagpipilian ko kaya naisip ko na dito nlng muna sa Ledger pang samantala.

Ano ang best alternative hardware wallet na open source. Except trezor

Last gamit ko nito noong Axie days pa pero nung di na ako naglalaro ng larong yun ay nakatambak nalang at kasama pa mga lumang axies ko dun. Tsaka for me hassle din kasi sya gamitin kay di ko karin naisipang gamitin since hindi din naman ako nag tatambak ng malaking balance kahit saan saan lang. Siguro kung di mo na talaga feel na safe ang trezor mo mainam nalang na maghanap ka ng ibang wallets na mas safe sayo lalo na kung plano mo talaga mag lagay ng 6 digit figures of alts dahil malaking hassle talaga yun kung nagka labo labo ang ledger o ano man ang manyari dyan.

Sa ngayon ok na muna ako sa wallet apps or di kaya rekta exchange nalang kung me balance ako since mostly short term transaction lang naman ginagawa ko at ang iba direkta na agad sa remmitance at mag cashout na.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
October 29, 2023, 01:57:32 AM
#14
Oo naman kailangan na kailangan may hardware wallet ngayon. Still mas safe siya compared sa walang hardware wallet. Hindi ako aware na may ganyan palang update. Meron din akong trezor, parehas ko naman silang nagagamit. Nasasayo naman yan kung bibili ka nalang ng bago if masyado kang nag aalala sa kapakanan ng iyong mga crypto-currency.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
October 27, 2023, 06:57:46 PM
#13
I have both ledger and trezor, both ko naman ginagamit pang store ng token, nabalitaan ko before yung plan ng ledger regarding that and hindi ko pa inuupdate yung ledger ko matagal na. If you feel unsafe sa feature na yan or flaw, because it really defeat the purpose of a hard wallet na may iba pang makakarecover aside from the security phrase holder, it is really up to you, though I think it is much more safer padin to use it rather than any custodial wallets. Pero if may chance ka na makakuha ng ibang wallet is go for it, asset mo yan ehh, nasasayo if yung decision kung ano ang best way para ma secure sila.
Ako ginagamit ko din hardware wallet ko kahit na merong pangit na features silang dinagdag.  Tama ka diyan kabayan dahil kung safety lang ang usapan, mas safe pa nga rin yan compare sa mga custodial wallets at exchanges.

Ang trezor sa ngayon ang nakikita kung mas safe na gamitin kumpara sa ledger, dahil nga nagkaroon yan ng isyu kamakailan lang diba. Dun palang nagkaroon na ng butas at yung butas na yun kung ako ay isang ledger user ay magdududa na akong manatili pa dyan at ilipat na ito at ilabas mas ligtas na wallet.
Wala pa akong experience sa Trezor pero plano ko na ding bumili niyan anytime. Basta hardware wallet parang isang common knowledge lang naman ang meron tayo diyan at yan ang isa sa pinakasafe na wallet na puwedeng magkaroon tayo at kung saan natin itatago ang assets natin yun nga lang, may pangit na features na nakisali sa isang known brand na yun ay Ledger, nakakasayang lang dahil maganda pa naman din mga mismong HWs nila.
hero member
Activity: 1666
Merit: 453
October 27, 2023, 05:48:33 PM
#12
I have both ledger and trezor, both ko naman ginagamit pang store ng token, nabalitaan ko before yung plan ng ledger regarding that and hindi ko pa inuupdate yung ledger ko matagal na. If you feel unsafe sa feature na yan or flaw, because it really defeat the purpose of a hard wallet na may iba pang makakarecover aside from the security phrase holder, it is really up to you, though I think it is much more safer padin to use it rather than any custodial wallets. Pero if may chance ka na makakuha ng ibang wallet is go for it, asset mo yan ehh, nasasayo if yung decision kung ano ang best way para ma secure sila.

Tama ka dyan dude, at the end of the day desisyon parin naman natin ang masusunod sa huli. Ganun naman talaga ang dapat na gawin natin, at kahit naman sino sa atin ay kapag nakaramdam ng konting pagdududa o kahit kutob palang ay dapat huwag ng ituloy ang isang bagay na involve ang pera natin dahil pinaghirapan natin yan at hindi tayo papayag na mapunta lang sa wala pinaghirapan natin.

Ang trezor sa ngayon ang nakikita kung mas safe na gamitin kumpara sa ledger, dahil nga nagkaroon yan ng isyu kamakailan lang diba. Dun palang nagkaroon na ng butas at yung butas na yun kung ako ay isang ledger user ay magdududa na akong manatili pa dyan at ilipat na ito at ilabas mas ligtas na wallet.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
October 27, 2023, 12:57:29 PM
#11
Ledger recover is optional, despite sa mga nangyari dun sa hacked user data ng ledger, ay maayos at wala namang dapat ikabahala sa hardware wallet mismo.
Tsaka parang multi signature ang dating ng Ledger recover, pero since online sila lahat ay malaki chance na ma hack pa rin. At dini-discourage talaga na mag save ng private keys/seed backup online.

Out of curiosity, bakit ayaw mo ng Trezor devices? Dahil ba ito sa CoinJoin [optional] or iba?
Probably, gusto lang ni OP marinig ang ibang recommendations maliban sa trezor since proved and tested na talaga ang trezor.
legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
October 27, 2023, 11:05:59 AM
#10
Hindi ako bumili ng Ledger pero dahil nga uso ang axie era that time at Trezor ang supported nila currently ayun ginagamit ko para sakin mas safe ako sa cold wallet than the use of the hot wallet kasi still theres a potential padin na ma hack ang device na gamit ko kaya ayun nga nag secure nako ng mga funds dito kesa sa exchange. Pero at the end kung saan naman tayo mas convenient, kahit sabihin man nilang hindi ito ang ideal gawin pero syempre pinoy tayo dun tayo sa mas mapapadali buhay natin.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
October 27, 2023, 10:43:44 AM
#9
I have both ledger and trezor, both ko naman ginagamit pang store ng token, nabalitaan ko before yung plan ng ledger regarding that and hindi ko pa inuupdate yung ledger ko matagal na. If you feel unsafe sa feature na yan or flaw, because it really defeat the purpose of a hard wallet na may iba pang makakarecover aside from the security phrase holder, it is really up to you, though I think it is much more safer padin to use it rather than any custodial wallets. Pero if may chance ka na makakuha ng ibang wallet is go for it, asset mo yan ehh, nasasayo if yung decision kung ano ang best way para ma secure sila.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
October 27, 2023, 08:49:56 AM
#8
Buti pa kayo may mga ledger ng ginagamit parin hanggang ngayon, ako kasi hindi ko na naisip na makabili nyan dahil sa dami ng gastusin sa buhay, hirap din ng breadwinner sa pamilya. Though so far okay naman yung mga cold wallet na ginagamit ko. At wala naman din akong naencounter na problema sa ginagawa ko.

Pero dream ko rin na magkaroon nyan kapag nagkaroon siguro ako ng pagkakataon na kumita dito sa crypto ng malaki-laking halaga, lalo na siguro sa paparating bull run o kaya sa paparating halving.
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
October 27, 2023, 05:15:53 AM
#7
Recently ay naimplement na nga ng Ledger ang recovery feature nila na sobrang turn off sa hardware wallet na ito. As a Ledger user, Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko pa din ito or bili nlng ng bago. Kaso nasasayangan ako sa hardware wallet ko nato dahil bagong bili ko plang nito nung nag announced ang ledger ng recovery feature plan nila kaya sobrang bad timing para sakin since investment ko na dn sana ito.

Tanong ko lng kung ginagamit nyo pa dn ba Ledger nyo? Currency may 6 digit figure balance ako sa ledger na no choice ako since altcoins karamihan sa holdings ko now. It’s either sa Exchange, Web3 wallet or Ledger pinagpipilian ko kaya naisip ko na dito nlng muna sa Ledger pang samantala.

Ano ang best alternative hardware wallet na open source. Except trezor

Sa ngayon oo Ledger pa rin gamit ko kaya lang old version siya so not compatible sa sinabing Recovery feature. Yung feature nyan kasi is for Ledger X and above pero sa akin Nano S lang na genuine. So mas mabuti na lang ito at saka fully functionable hanggang ngayon.

Other hardware wallets siguro na nalaman ko aside sa Ledger at Trezor ay yung SafePal, SecuX, Tangem at UKISS.

Wala ako plans bumili ng Ledger X unless if it left me no choice kung mawala yung current Ledger ko (but not the seed phrases) dahil sa optional recovery feature. Even na yung explanation naman about Ledger Recovery Feature enlightening naman, pero sa akin kasi it destroys the purpose of being a pure non-custodial cold wallet.
full member
Activity: 2548
Merit: 217
October 27, 2023, 05:00:37 AM
#6
Ledger and trezor lang ang nakikita kong ok, pero sa ngayon nasa Ledger paren ako since hinde naman ganoon kalakihan ang holdings ko and silang dalawa talaga ang nangunguna when it comes to hard wallet. Marami talaga ang nadisappoint sa current update ni Ledger as if they still have the control over your crypto.

Safepal nababasa ko mukhang ok den ito, though di ko pa ito gamit pero I’m also looking for good alternatives for ledger.
May nadaanan na din akong thread about SafePal and yes so far maganda naman ang feeds , though sa ngayon Online wallet palang ng SafePal ang ginagamit ko kaso napakataas ng fee pag mag coconvert ka and ganon din pag nag sesend ka ng funds.

Regarding sa topic , eh Ledger kasi ang nabili ko mula pa nung nakaraang taon , and yes parang nakakatakot na gamitin dahil sa recovery feature na to.

actually nagbabalak na nga akong Ilabas ang amount ko eh and nagbabalak na din akong bumili ng Trezor eh para mas safe na ang funds ko .
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
October 27, 2023, 02:10:01 AM
#5
Ano ang best alternative hardware wallet na open source.
Kung binabalak mong i-convert lahat ng mga altcoin mo sa Bitcoin, go with Passport Batch 2 [for holding your altcoins, I'd go with BitBox02 (multi-edition)].

Except trezor
Out of curiosity, bakit ayaw mo ng Trezor devices? Dahil ba ito sa CoinJoin [optional] or iba?
Pages:
Jump to: