Ang problema kasi sa utility token ay walang kasiguraduhan sa kita ang investment ng isang tao. Maging successful man ang ICO or project hindi pa rin sigurado kung tataas ba ang value ng token. Maliban lang kung ipapump at dump ang proseso ng presyo nito. Unlike sa security token, at least may share ang bawat investor sa kita ng kumpanya at ang maganda rito pag naging successful ang company sigurado ang pagtaas ng value ng token. Kaya pag-available na lang siguro ang products at may nagustuhan akong item saka na lang ako bibili ng PAC token nila.
Yun nga, tama ka sa comparison na yan. Baka ganyan nalang din gagawin ng iba, instead na maghold ng PAC token ay bibili nalang kung kinakailangan at baka din naman kasi maging overprice yung mga products nila. Antay nalang din ako kung meron na bang mga merch na on sale para makita yung prices niya at maikumpara kung maganda ba bumili o hindi.
Dapat sana noon nag dump ako ng ibang holdings ko na utility tokens, yan tuloy di ako naka sabay sa agos noong taon 2017. May pera ako noon kaya di ko na naisip ang ibang tokens ko, at sa kasamaang palad na benta ko lang ito ng 25% na value nito sa pag bagsak. Siguro ganyan nalang dapat gawin kabayan sasabay nalang tayu sa takbo ng produkto ng pc token, para sigurado at di na magsisi sa huli.
Kapag bibili ka, siguraduhan mo na wag kang magpapahuli kasi baka bigla ring mag dump.