Sino na ang nakapag try na itrade ito? Nag subok ako na tignan ito sa GCOX exchange pero hindi ko mahanap at kahit na nainstall ko ang kanilang application ay wala pa din. Nakita ko lang ako pac token sa kanila announcement page at pinakita lang nila ang mga nanalo sa event na meet and greet siguro kay pacquiao.
di kopa din na try mag download dahil naghihintay pa ako ng magagandang feeds bago subukan dahil baka masayang lang oras kung wala din naman pala kahahanungan
Siguro okay din ang pac token sa mga sobrang tagahanga talaga kay pacquiao dahil parang sa kanya talaga nakapokus ang kanyang token.
parang wala naman future kung dahil lang tagahanga ka ni pacquiao ay bibilhin mo na tong token,eh pano kung biglang mawala si manny?eh di kasama din mawawal investment hahaha.pero wait nalag tayo kabayan para siguradong may kinabukasan pera natin
Base sa pagkakaalam ko ang pactoken naman ay more on utilities. Siguro yung mga fans ni pacman ay bibili lang ng pactoken kung need nila ang token at hindi para sa investment. Eto yung nabasa ko galing sa admin ng pactoken kung sakaling mamatay o magkaroon ng disability.
Kaunting background,
Ano ang Escrow Pool at paano ito gumagana?
Ang Escrow Pool ay ginagamit pangpalit ng Celebrity Tokens ng mga Celebrity na hindi nagampanan ang kanilang obligasyon dulot ng pagkamatay o total disability. Ang Escrow Pool ay naglalaman ng 5% ng Celebrity Tokens na ginawa ng GCOX. Sa loob ng sampung taon mula sa pagbigay ng Celebrity Tokens, sakaling ang Celebrity ay di inaasahang mamatay o magkaaron ng total disability, ang mga naghahawak ng Celebrity Tokens ay hinahayaang ipagpalit ang mga tokens sa kanilang current market value sa iba pang Celebrity Tokens sa Escrow Pool.