<...>
Kung meron lang akong 1000$ di ko naman sure kung kikita ako ng malaking profit kapag bumili ako ng minig rig dahil ang kuryente talaga ang pinakaproblema ko. Pero magandang investment din ito hanggang sa dumami ang mining rigs mo at doon ka talaga kikita ng mas solid na income.
Yung consumption talaga ng kuryente ang pinakabigdeal so kahit sabihin nating may pera ka at afford mong bumili ng mining rig pero lack of knowledge about building it, wala din. Matatalo ka sa investment mo sa mining rig, kaya if ever na papasukin mo ang pag mimina, maghanap ng mga pro or technicians na pwedeng magturo sayo ng mga makakabuti sa rig mo. Thanks for appreciating my contents! Goodluck din.
<...>
Pero maraming salamat dito sir, napakainformative ng post mo. Kahit na alam kong mahirap makapagsimula magmine ng bitcoin, interesado pa rin talaga akong malaman kung paano nga ba nagma-mine--syempre, dahil pinasok ko ang mundo ng crypto eh. Ang tanong ko, paano ito kumikita at saan kumukuha? Buti na lang napaliwanag mo naman dito na meron palang mga mining pools.
Kasi diba ang bitcoin, may sariling blockchain yan. Kaya din nagkakaroon ng mining pools, galing din BC yan kaya madalas nagkakaron ng network ang miner para mas mapabilis ang pagmina nila ng blocks. Hindi lang bitcoin ang mga blockchain, pati na rin ang Ethereum at iba pang coins.
Doon na rin nag-originate yung blockchain, dahil sa word na chain of blocks. Sa mining talaga nagumpisa ang lahat hanggang sa nagkaroon na ng investments and more dahil sa laws of economics at kung ano ano pa, mas deeper na ang topics.
Malaking tulong to for future reference lalo na newbie lang ako and wala pang masyadong knowledge about sa ganitong issues. Baka pwede madagdag about sa topic is yung di lang magandang set up or investment for mining rigs dapat may maayos din na internet connection para smooth ang pagmmining
<..>
Para saken, sa labanan ngayon, dapat muna ma-survey mo ng maige yung location ng paglalagyan mo ng rigs mo.
Thanks for adding it up! Internet connection and the location ng mining rigs. Originally, ang topic ko lang talaga is about hardware and softwares ng mining rigs pero dahil nag add kayo ng factors na maaring makaapekto sa ating mining rig, good job!
Syempre hindi din basta basta ang pagmimina dahil need natin ng mabilis ng internet connection. The more na mabilis ang bits per second mo, mabilis din ang connection mo sa mining, it'll end up smooth like what fries01 said. Location naman is to provide a good ventilation or air path para hindi nagiinit ang mga mining rigs natin. Tama nga na dagdag kuryente din ito kapag nag add tayo ng aircon sa ating location to provide cool air, so it's a big factor din sa pagbuo ng mining rigs dahil 24/7 na gagana yang rigs mo if ever gusto niyong pasukin ang ganitong sistema.
isa pang dahilan kung bakit mahirap bumili ng gpu ngayon sa atin ay biglang nagtaasan ang presyo ng gpu due to train law at sa demand ng mga gustong bumili, kumbaga kakaunti ang gpu at madami ang gustong bumili.
<...>
Nabalitaan ko din ito sa iba't ibang groups, pero sa ngayon nagkakaroon na din ng sale sa iba't ibang store. Karamihan lang naman sa mga umuubos ng mga Ti is mga minero din, sila ang pumapapak ng mga GPU kaya nagkakaubusan na.
<...>
Tips:
1. Wag manghuhula pagdating sa field nato
2. Masmabuting maghanap ng mentor na willing kang tulungan hindi scammin magkaiba yun.
3. Mas maganda kung kakilala mo lang yung magiging mentor mo
Better to ask some pros before doing some risky things dahil totoo ngang hindi biro ang pagbuild ng isang mining rigs dahil bukod doon need mo din ng compatibility sa mga rigs mo. Kaya wag talaga tayong manghuhuli sa build, tama hindi purket nilagay ko ang mga best GPU and CPU sa aking content, yun agad ang ating bibilhin. Bigdeal ang compatibility pagdating sa pagbuild kaya mas magandang mag-search muna.