Pages:
Author

Topic: [GUIDE] PAANO MAGMINA NG BITCOIN???? - Building Mining Rigs - page 3. (Read 1014 times)

member
Activity: 98
Merit: 16
Aaminin ko, personally, alam kong sobrang malabong makapasok ako sa mundo ng mining. Pagkatapos kong basahin ito, lalo akong nanghina-- sadyang napakamahal pala talaga hahahaha  Grin

Pero maraming salamat dito sir, napakainformative ng post mo. Kahit na alam kong mahirap makapagsimula magmine ng bitcoin, interesado pa rin talaga akong malaman kung paano nga ba nagma-mine--syempre, dahil pinasok ko ang mundo ng crypto eh. Ang tanong ko, paano ito kumikita at saan kumukuha? Buti na lang napaliwanag mo naman dito na meron palang mga mining pools.

Bukod pa doon, hindi ko rin inexpect na sobrang heavy pala ang pagbuo ng mining pc, at halatang high maintenance. Base rin sa mga rigs na kailangan, sadyang dapat pala sobrang malaki na ang puhunan mo para sure na may profit.

Dagdag pa, akala ko sa pagma-mine, solo ka lang na kikita dahil syempre, rig mo eh. Yun pala sa mining pool, may kailangan kang ma-achieve na "block" may kasamang iba (although ang dami ng ambag mo ay yun din ang kita mo, kaya fair pa rin).

Thank you very much for this informative post sir. Kudos! For those who have the means to build a miner but do not have the knowledge, read this! Kung may pera lang ako, kaya ko na siguro magsimula dahil sa info dito hahahaha next time!! (mga 30 years from now  Grin Grin)
jr. member
Activity: 33
Merit: 8
"Throwing daggers to your ugly post"
After logging in, sayong topic agad ang nakita at kakagawa lang. Ang galing mo talaga mr finaleshot2016 sa paggawa ng mga contents na may deep knowledge about bitcoins. Alam ko naman na existing na itong mga ganitong topic lalo na tungkol ito sa bitcoin mining pero iba pa din kasi dahil translated and explained ito ng mabuti sa mga viewers mo, kumbaga yung content ay exlusive para sa mga Filipino. (As the title said na "Pinoy Guide")

Kung meron lang akong 1000$ di ko naman sure kung kikita ako ng malaking profit kapag bumili ako ng minig rig dahil ang kuryente talaga ang pinakaproblema ko. Pero magandang investment din ito hanggang sa dumami ang mining rigs mo at doon ka talaga kikita ng mas solid na income. Medyo may background naman ako sa pag-build ng gaming rigs so pwede na din siguro akong makabuild ng mining rigs kaso need ko muna alamin ang estimated income ko dito bago ko simulan. Salamat sa iyong topic, may nalaman na naman akong kakaiba na hindi ko pa nababasa dito sa local. Simula nung matuto ako tungkol sa signature making at sa mga bagay na dapat iwasan sa forum. Goodluck mr. finaleshot sa iyong susunod na mga contents!
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!



Itong guide na gagawin ko is about rigs na pwedeng gawing pang mining ng bitcoin. Kakabili ko lang din kasi ng High-end PC so i learn something special about it kaya naisipan kong mag-share ng idea about mining. All the informations na gusto niyong malaman about mining na andito ay basics.

Ang unang mong kailangan para magkaroon ka ng mining rig ay ang;


Hindi biro ang magkaroon ng isang mining rig kasi kung walang wala ka talaga, hindi ka makakabili ng mining rig dahil ito ay nagrerequire ng magagandang specs para maganda at klaro ang iyong pag-mining.

Paano tayo magkakaroon ng pera?

Do the simple way here in cryptocurrency. Kung kulang ang pera mo, maghanap ka ng token na pwede kang maginvest at sure kang tataas ang iyong pera. Common investment sa bitcoin dahil alam namin na maaring tumaas ulit ito pagdating ng panahon at kadalasan ito ay tumataas sa Q4 ng taon.

Another way para kumita ka ng pera is bounty hunting. Halos lahat naman ata dito ginagawa na ang bounty hunting para magkaroon ng profit. Kung iipunin mo lahat ng tokens na naipon during your bounty hunting, makakaipon ka na ng isang mining rigs.

Magkano ang budget for mining rigs?

Around 800$ - 1500$ ang aabutin mo. 45000.00 Php - 80000.00 Php, budget friendly na ang ganyang mining rig. Yung ibang mining rigs na sobrang lupet talaga is umaabot ng 2000$.




Kung mapapansin niyo, dati ang gamit talaga sa pag-mine ay CPU pero ngayon ang gamit na talaga ay dapat may GPU.

Ano ba ang CPU?

Central Processing Unit -  is the electronic circuitry within a computer that carries out the instructions of a computer program by performing the basic arithmetic, logical, control and input/output (I/O) operations specified by the instructions.

For short, ang CPU ang dahilan kung bakit tayo nakakapag-run ng programs.  Roll Eyes

Ano ba ang GPU?

A graphics processing unit (GPU) is a specialized electronic circuit designed to rapidly manipulate and alter memory to accelerate the creation of images in a frame buffer intended for output to a display device.

So ang GPU ay mas mabilis at mas magandang gamitin for mining dahil mas mabilis ito magperform ng algorithms para makapag generate ka ng bitcoins.


Mga dapat mong tandaan sa pagbuo ng mining rig;

a) Graphics card

Halimbawa ng GPU;

Nvidia GeForce GTX 1070
Low power draw, high hash rate

Core Clock: 1,506MHz | Memory: 8GB GDDR5 | Memory Clock: 8Gbps

source; techradar

Ito yung mga dapat mo talagang paggagastusan, ito yung importanteng factor ng iyong mining rig na dapat isagad mo na kung may budget ka. Kung titipiran mo ito at bibili ka lang ng mura or low specs of GPU, baka mag-fail pa iyong pagmiminia or mabagal.

b) Processor

Halimbawa ng Processor;

AMD Ryzen Threadripper 1950X
The absolute best mining CPU

Cores: 16 | Threads: 32 | Base clock: 3.4GHz | Boost clock: 4.0GHz

source; techradar

It slightly affects the way you run mining pero ang pinakapurpose daw talaga nito is for OS lang. Pero there are informations na nakakaapekto talga 'to, i don't have any information about proci.

c) Power Supply

Halimbawa ng PS;
Corsair RM750x
The best all-around power supply for your needs

Form factor: ATX | Capacity: 750W

source; techradar

550 W is enough na to run 1 GPU pero kung gusto mo pang magdagdag ng GPU atleast 2 or more. I recommend na gumamit ka na ng 750W or 1000W + na.

d) Motherboard

Halimbawa ng MoBo;

Asus B250 Mining Expert
The world's first 19 GPU mining motherboard

Form factor: ATX | GPU Support: 19 | Processors supported: 7th and 6th Generation Intel Core i7/i5/i3/Pentium/Celeron (Socket 1151) | Slots: 1 x PCI Express 3.0 x16, 18 x PCI Express 2.0 x1

source; techradar

Sa pagpili ng motherboard, dapat ang bibilhin ay yung maraming PCI-E slots.

Ano ba ang PCI-E slots?

Ito yung mga pinaglalagyan ng GPU mo, kaya mas recommendable gumamit ng MoBo na madaming PCI-E slots dahil pwede kang maglagay ng maraming GPU para mas maging smooth at tumaas ang Hash rate sa pagmimina.

Ano ba ang Hash rate?

It is the output of a hash function and, as it relates to Bitcoin, the Hash Rate is the speed at which a compute is completing an operation in the Bitcoin code. A higher hash rate is better when mining as it increases your opportunity of finding the next block and receiving the reward.

So ayon, the more na mas mataas ang hash rate mas mataas ang makukuwa mong profit sa pagmimina ng bitcoin. Alam naman natin na kapag sinabing rate, it refers about speed kung gaano magcocompute ang iyong GPU ng mga algorithms and computation para magtuloy tuloy ang process mo sa pagmimina.





Syempre after building the mining rig at nakapaglagay ka na ng OS (Operating System), Windows 10 is more recommendable kaysa sa iba.

Ito naman ang mga kailangan mo for your mining rig

a) Updated na drivers and softwares

Makikita niyo naman yang drivers and softwares niyo sa official website ng parts na binili niyo.
For example; AMD Ryzen ang iyong proci and MSI GTX 1050 Ti naman ang iyong GPU. Pwede niyong i-search ang drivers nila sa google and magproceed sa drivers and utility.

Example links;
MSI and AMD

b) Mining softwares
After mong matapos i-install ang mga kailangang drivers and other stuffs para mag work ang different devices na iinput mo sa iyong mining rig, proceed ka na sa Mining softwares.

Examples ng mga Mining softwares.

• CGMiner

CGMiner is probably the most popular and extensive bitcoin mining software. It works for mainly FPGA’s and ASICs but downloading an older version (below 3.7.2) of it will allow you to use it for GPU mining as well.

Installing CGMiner is simple. Simply extract the files to your chosen directory and you’re done. We recommend something simple like C:\Cgminer\


No. 1 ranked miner at pinakilala na ginagamit ng mga taong nagmimina ng bitcoin. Ito yung madalasa gamitin dahil nga pwede kang mag solo mine dito. If you're using personal PC, pasok ka dito sa CGMiner.
Works on Windows, Linux, and Mac.

• Multi Miner

MultiMiner is a desktop application for crypto-coin mining and monitoring on Windows, Mac OS X and Linux. MultiMiner simplifies switching individual devices (GPUs, ASICs, FPGAs) between crypto-currencies such as Bitcoin and Litecoin.


c) Coin Wallet

Diba sobrang common sa atin ang coins.ph na ginagamit nating wallet for Bitcoin, syempre meron ding Ether Wallet for Ethereum and other alternative coins. Ito naman ay iba;

Ang coin wallet, Ito ang magsisilbing local mining client mo sa iyong mining rig para makapagmine ka ng bitcoin. Pero itong wallet na ito ay para sa mga nagsosolo lang. Kaya mas recommendable kong sumali nalang kayo ng mining pool dahil doon paghahatian niyo kapag nakabuo na kayo ng isang block ng bitcoin.

Sa solo mining kasi, gamit ang iyong mining rig na nagkakahalaga ng 50k, aabutin ka ng ilang taon para makabuo ka ng isang block. So mabagal ang profit, yung tipong ilang beses ka na nagbayad ng kuryente pero wala ka pa ding profit na nakukuwa. Mas steady ang income mo sa mining pool dahil monthly or semi-annually kumikita ka ng pera.

Pero kung madami ka namang mining rig, it's better na magsolo ka nalang and gumamit ka ng coin wallet. Solo at sobrang laki ng income in months lang, bawing bawi ang pangbayad ng kuryente at maintenance ng mga mining rigs mo.

Ano ba ang mining pool?

Ito yung networks ng mga nagmimina din katulad mo at maghahati hati kayo sa income after niyong makabuo ng isang block at nakadepende ito sa hash power ng mining rig mo.

For short, mas malaki ambag mo, mas malaki ang parte mo.

_______________________________________________________________________________ _____________________________________

After mong mabuo lahat ito, you will proceed to Configuration and Optimization ng iyong mining rig. Syempre coding na ang kailangan mo doon. If ever na may interesado about sa bitcoin mining, kindly PM me at telegram for more basic informations. Although, di naman ako kagalingan about bitcoin mining, I tried my best to make a basic tutorial and knowledge about Bitcoin mining. If may background ka naman sa pagbuild ng mga gaming PC, hindi ka na mahihirapan sa pabubuo ng mining rigs.

There are many tutorials naman about coding and configs in youtube, mas better kung manood nalang kayo para ma-set niyo yung mining rig niyo into solo mining or miner sa mining pool. Thank you sa mga nagbasa 'til the end of the content, If ever maraming feedback i would like to continue and study about the configuration para mas madami akong matulungan na gusto din mag mining bukod sa bounty hunting.

Note: This is just a basic knowledge about bitcoin mining, I'm not a professional but i have ideas na pwedeng pwede ko I-share sa inyo so ginawa ko 'tong topic. If ever na may alam din kayo about bitcoin mining, Please develop and spread the knowledge on this thread para ma-avoid ang mga shitposting sa ating local. Thanks!

Source:
1. blockonomi.com - Mining Softwares
2. techradar.com - CPU for Mining
3. techradar.com - GPU for Mining
4. techradar.com - Motherboard for Mining



-finaleshot2016
Pages:
Jump to: