Merit ka sakin dahil dyan kabayan.
Tama ka jan kabayan dapat talaga mapalaki naman ang community naten dito sa Pilipinas, siguro naman ngayon upcoming Bullrun ay marami ulet ang papasok at magiging interesado sa Bitcoin naalala ko dati maraming members din talaga na active noong panahon ng Bullrun dito lang sa ating forum kaya lang hindi na active simula noong bumagsak na ang market.
Malaki ang profit kung malaki din ang amount na holdings ng bitcoin, ngayon ang tanung meron ba dito sa ating lokal na may hawak ng Bitcoin at least manlang 0.5BTC or kahit 0.1BTC nalang kasi kung mababa dyan yung mga hold natin na bitcoin ay hindi sapat yan para sa pangarap na gusto natin sa buhay. Nagsasabi lang ako ng totoo kumbaga pinupunto ko lang yung gusto kung sabihin na totoo oo meron profit na babalik pero sa pangarap na gusto natin hindi siya talaga sapat at hindi ibig sabihin nito ay greed ka, siyempre nangangarap tayo na gusto nating maabot yun.
Ngayon, iba talaga ang naging impak ng mga institution investors sa totoo lang dahil halos lahat sa mga ito talaga sa ngayon ay nag-iipon ng mga bitcoin, at may mga ilan na nagbawas ng porsyento sa stocks at Gold investment nila at pinambili nila ng Bitcoin dahil sa trend na meron tayo ngayon at sa bull run na paparating, then kapag nag-bear market na ulit ay for sure na magsisifull out na ulit sila dito at balik na ulit sila sa stocks at gold.