Ang Bitcoin at cryptocurrency ay nagiging popular na dito sa ating bansa at patuloy ang adopsyon neto dito sa ating bansa kasabay ng mataas na pagtaas ng presyo neto sa market, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagiinvest dito upang magkaroon ng malaking profit. Sa mga nagdaang taon lumalaki ang impluwensiya neto sa aking bansa at pati mga malalaking kompanya at gobyerno ay interesado na sa Cryptocurrenyc at Bitcoin, bilang isang mamamayan at mayroong mga paraan upang tayo ay makatulong sa pagtaguyod o adaptasyon ng Bitcoin dito sa ating Bansa tulad na lamang ng:
Popular na rin sa ating bansa ang paggamit ng Bitcoin bilang isang paraan ng payment method dahil na rin isa rin itong uri ng pagiinvest sa Bitcoin, kahit na hindi ito magandang hakbang sa ating business dahil possible itong maging isang problema sa ating business, dahil sa pagtanggap ng Bitcoin ay pinapasok naten ang ating pera sa market na mayroon volatile na market price, hindi naten ito basta basta mabebenta dahil maaaring mabenta naten ito sa babang presyo lang.
Marami sa atin ang mayroon ng sapat na kaalaman sa Bitcoin at cryptocurrency ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan ang wala pa ring idea pagdating sa Bitcoin o cryptocurrency dahil hindi na rin sila basta basta naaabot ng informasyon, kaya malaking tulong ang ating kaalaman pagdating dito dahil madali naten itong nasasabe sa ating mga kababyan o kapamilya, hindi man naten sila mahikayat ay mabigyan lamang naten sila ng idea kung ano ang Bitcoin kung saan pwede silang maging interesado kung ano nga ba ito, at pagdating ng araw ay sila na rin mismo ang gagawa ng sarili nilang research tungkol dito.
Isa sa mga susi sa adaptasyon ng Bitcoin at cryptocurrency sa ating bansa ay ang pagkakaroon ng community, kung saan nagkakaroon ng tulungan sa ating mga kababayan tulad ng lamang ng ating thread dito sa Bitcointalk kung saan nagkakaroon tayo ng talakayan at tanungan tungkol sa Bitcoin, at nagkakakuha tayo sa kaalaman dito, malaki ang maitutulong neto upang mapalaki ang sakop ng Bitcoin at mabigyan sila ng kaalaman at natutulungan din naten sila sa mga problema at issues, tulad na lang ng mga wallets, exchanges, scams etc.
Isa na siguro ang social media sa isa sa mga paraan upang tayo ay makapagpromote, hindi naman naten kailangan na gumawa ng mga literal na promotion sa Bitcoin, ang simpleng post lamang naten sa tungkol sa Bitcoin ay malaking tulong na o siguro pagpopost naten ng mga news or trades naten ay malaking tulong narin dahil marami sa ating mga friends sa social media ay nagkakaroon ng idea at maaaring maging interesado sa Bitcoin kapag nakita nila ang ating post, at maaaring maging interesado sila kung ano nga ba ito o pano tayo kumikita o nagiinvest dito.
Ang pinakamahalagang hakbang ay paggamit mismo o pagiinvest sa Bitcoin, kung hindi naten susuportahan ang Bitcoin o hindi naten ito gagamitin ay masmababa ang chansa na ito ay maadapt ito dito sa ating Bansa, kasama na rin dito ang pagtatrade, paginvest, P2P transactions at marami pang iba.
Malaki ang maitutulong naten kung tayo ay magtutulungan, upang mapalawak pa ang ating kaalaman, edukasyon, mapalawak ang ating komunidad, pagsuporta naten sa mga lokal na negosyo dito sa bansa, upang tayo ay makagawa ng mayaman na economiya kung saan matutulungan naten ang ating mga kababayan at maitataguyod ang Bitcoin at cryptocurrency technology dito sa ating bansa.