Mukhang lahat ng international exchanges balak ipashutdown ang operation sa bansa natin nitong grupo na ito. May backer siguro itong local exchange sa atin.
yeah, may posibilidad na may backer yang mga yan pero legal wise, tama naman yung ginagawa nila since yung mga exchange sites na
minention nila ay walang mga proper permit para mag bigay ng service sa mga filipino users. just to be clear I would rather have na may ka kompitensya ang mga local exchagnes para naman e improve nila service nila.
Mas maganda talaga may kakumpitensya sila para mas gumanda ang services nila at may choices tayo. Pero tama rin naman na tinitigil sila pero ang mali ay parang walang solusyon na ginagawa at parang hindi sila binibigyan ng chance.
Wala akong against sa mga local exchanges natin dahil avid user nila ako pero sana huwag alisin ang choices ng mga users at imbes na ipasara ay bigyan ng paraan at proseso para maging legal ang kanilang operasyon.
may sinabi si SFR10 regarding sa temporary suspension sa pag bigay ng license sa mga exchanges at next year pa matatapos ang temporary suspension, hopefully pag natapos na ang suspension may mga bagong exchange site na papasok sa bansa para makipag compete sa mga existing exchanges na meron tayo dito.
Mukhang magandang balita yan at tignan natin kung paano reaction dito ng SEC at ng mga exchanges na nagkaroon ng suspension lalong lalo na si Binance.
Same sentiments. Nagiging paboran ang mga lokal exchanges na hindi naman kayang tumbasan ang kalidad ng mga global exchanges. Hindi sa against tayo sa local exchanges, pero dapat talaga mas bigyang halaga ang pagbibigay ng mas maraming options sa mga users.
Ang action ng Infrawatch ay parang may ibang agenda mukhang may malalaking interes ang mga nasa likod nila na protektahan ang mga local companies, imbes na tulungan ang mga global exchanges na makafollow sa mga legal processes dito sa bansa. Imbes na magpatupad ng total ban, mas magandang solution na magbigay ng tamang regualtion at process para makapag-operate sila ng legal.
Halos lahat ng mga influencers na may bilang sa community ng crypto sa bansa pare parehas ang sinasabi. Pero yung mga owners ng local exchanges, kung hindi sila ininterview tungkol dito ay tikom lang ang bibig nila dahil pabor ito sa kanila.
Guys, ang hirap e contact ng OKX Exchange, sinubokan ko sila e contact sa website nila, yung bot lang nakakausap ko, gusto ko sana makausap isa sa mga agent nila or anyone na tao from their side para ma confirm talaga tong issue about Infrawatch.
Gumagamit ako ngayon ng OKX Exchange kaya big deal ito. Balitaan ko kayo or balitaan niyo ako dito guys just in case matutuloy ba talaga tong action ng Infrawatch kontra sa OKX Exchange, kagaya nangyari sa SEC and Binance dati.
Proposal palang ito kabayan, hindi pa naman sila total ban kaya hangga't walang issue ang SEC ng utos tungkol sa total ban sa OKX, goods siya gamitin.