Kung hindi ako nagkakamali sila din ang ngcallout sa SEC para ipaban ang binance, mga group yan na may pinapaborang exchange, alam natin kung sino ang mga local exchange din na ito na medyo gahaman hindi man tayo sure pero tama ka sa hinala mo na yan, at yan din ang aking kutob, wala na nga mga iyan naitutulung eh mamemerwesyo pa.
Sila nga din kabayan. Hindi ko alam kung saang lungga nanggaling yang mga yan pero parang nanggugulo lang o kung sinoman ang nagpopondo sa samahan niyan malamang related din sa service na pinoprotesta nila at malaki ang nawawalang kita sa kanila dahil sa mga international exchanges.
Bad news ito sa mga nag paparticipate sa Telegram based airdrop ang alam ko Bitget at OKX ang ilan sa mga popular na exchange na need mo gamitin para ma ka claim ng kanilang token,kung ganito ang intra watch masyado malilimitahan sa mga popular trusted exchange na pwede nating gamitin kasi itong mga local exchange ay hindi kayang pantayan ang level at features ng mga top exchanges.
Sana ay kumilos itong mga exchange na nabanggit na kumuha ng license ito para they are freely to operate.
Tama kabayan pero tatlo madalas ang nagpaparticipate sa withdrawals ng mga telegram airdrops, kasama na din ang bybit kaya hindi na din tayo magtataka kung pati sila ang susunod na iprotesta.
This is a disaster, lol!
After ng Binance shutdown, dun ako nag umpisa gumamit ng OKX tapos ganito ulit? Inisa isaa ta nila.
Jusko, tapos mag popromote sila ng local exchanges at tangkilikin pero ang services na man ay napakanagit, walang problem sa mga local exchanges pero sana ayusin na man sana ang service at ang mga ang lalaking spread sa buy/sells.
Bukod sa spread ng buy/sell, puro maintenance pa karamihan sa kanila parang si coins.ph lang ang matatag na noon hanggang ngayon ay okay pa rin gamitin pero huwag sana nilang limitahan ang choices natin.
Mukhang lahat ng international exchanges balak ipashutdown ang operation sa bansa natin nitong grupo na ito. May backer siguro itong local exchange sa atin. Wala akong against sa mga local exchanges natin dahil avid user nila ako pero sana huwag alisin ang choices ng mga users at imbes na ipasara ay bigyan ng paraan at proseso para maging legal ang kanilang operasyon.
Panigurado ito. Kung susuriin ang company na ito ay makikita na diversify ang company nila tapos may “Digital” na din sila kaya tiyak na may investment ito sa local online exchange na isa sa pinaka apektado ng mga global exchange kagaya ng OKX at Binance.
Yung location pati ng HQ nila ay building ng mga financial company kaya malaki talaga ang chance na madaming investment ito sa mga local exchange sa bansa.
Ang weird ng request na ito dahil yung Binance nga mismo ay hindi pa dn mafully restrict since available pa sa mga app store hanggang ngayon tapos free to access pa dn para sa mga PH users.
Kahit na nakakainis sa mga proposals at protesta nitong mga ito, totoo nga na hindi naman fully shutdown itong Binance na una na nilang prinotesta. At baka ganyan din mangyari sa dalawang yan pero sana naman itong SEC natin ay may konsiderasyon na tulungan nila sa permits at licenses itong mga ito at huwag isara ang pintuan nila sa compliance nila.
Mukhang lahat ng international exchanges balak ipashutdown ang operation sa bansa natin nitong grupo na ito. May backer siguro itong local exchange sa atin. Wala akong against sa mga local exchanges natin dahil avid user nila ako pero sana huwag alisin ang choices ng mga users at imbes na ipasara ay bigyan ng paraan at proseso para maging legal ang kanilang operasyon.
Because of this it hinders our country's adoption, imagine we are one of the top Cryptocurrency country and yet we only have our local exchange to rely on trading and investing, like we have this Telegram Mini application and we have so many of our local very active here and their choice of exchanges are those what Infrawatch wants to ban in our country what will happen to our local who accumulate tokens from these Telegram airdrops.
Having no international exchange to trade and invest on Cryptocurrency is very restrictive, its ok if our local exchange can compete with what the international exchanges are offering, but they are lagging in features and so late to list popular tokens.
Yan ang hindi nila tinitignan. Bukod sa mga airdrops, madami din talagang gumagamit ng mga exchanges na yan simula noong nawala si Binance. Ayaw nila ng masyadong maraming kumpitensya dahil may pinoprotektahan.