Ginawa ko ito upang makahatid lamang ng impormasyon para sa mga baguhan o nagugulumihanan sa dalawa.
Simulan muna natin sa ICO.
1. Mayroong direktang pagitan ang mga namumuhunan at developer ng proyekto. Dahil sa smart contract, mabilis na nabibilii ng namumuhunan ang token na kailangan sa pagdebelop ng proyekto (fundraising).
2. Dahil dito, masisiguro natin na walang third parties na kung saan hindi malilimitahan ang pagpapalaki ng kapital.
3. Nagkakaroon din ng mga diskwenta sa pagbili ng token dahil nagkakaroon ng dibisyon ang kanilang fund raising. Ang Pre-sale na kung saan mababa pa ang presyo ng token hanggang Public Sale na kadalasan ay nagiging batayan ng presyo sa Exchange. Maganda ito dahil maaaring dumoble o magtriple ang kita mo sa iyong pamumuhunan lalo na`t kung pumatas at lumagpas ito sa ICO price.
Ano naman ang masamang epekto ng isang ICO?
1. Mabilis na nakakapasok ang isang developer, kung madaling makakapagkumbinse sya ng mga tao gamit ang whitepaper at smart contract ay talaga namang kikita sya ng milyones. Maaari rin nilang maitakbo ang fund raising budget kapag pumasok lang sila para mangScam.
2. Kalimitan sa mga ICO ay napupunta lamang sa mga DEX o Decentralized Exchange na kung saan ay libre lang ang pagpapalista ng token. Dahil dito, ilang buwan o taon ang bibilangin bago mo makuha ang tubo o matumbasan man lang ang pagbili mo ng token.
Hindi naman lahat ng ICO ay ganyan ang nangyayari dahil may mga ICO developers na talaga namang gusto maging matagumpay ang proyekto. Subalit sa kasamaang palad, napakaraming ICO ang bumabagsak at iniiwanan ang namumuhunan.
Dumako naman tayo sa IEO
1. Dahil hindi kontrolado ng mga namumuhunan ang developer at mga pangako nito alinsunod sa nakasulat sa whitepaper, mas nakabubuti kung ito ay mailagak sa IEO. Ang mga Exchange na naglilista ng IEO projects ay nagkakaroon ng komprehensibong pag-aaral sa kaukulang proyekto. Kaya bago pa ito mailunsad ay talaga naman 100% legit.
2. Masisigurong maililista ito sa mga Centralized Exchange o Top Exchange dahil kung saan ginanap ang IEO ay dun din malilista ang proyekto.
3. Kung paguusapan ang presyo, mas masisiguro ng mga namumuhunan na hindi babagsak kaagad-agad ang presyo ng mga token dahil maraming mga traders o namumuhunan ang nais bumili ng token.
4. Samakatuwid, bababa ang risk percentage kapag namuhunan ka sa isang IEO at 100% na maaari itong maging matagumpay!
Sa tingin ko kung magkakaproblema sa IEO ay kung magsabwatan din ang Exchange at IEO projects upang dayain ang mga namumuhunan. Maaaari din makontrol ng Exchange developer ang proyekto at hindi ito ganap na maging matagumpay, lalo na kung tatagain nila ito sa mga kumisyon. Maliban na lang kung mayroon silang legal na kasunduan.
So, ayun na nga guys. Parehas naman silang nagbigay daan at magbibigay daan sa pagasenso ng cryptocurrency. Lahat naman ng bagay ay may pro at cons, depende na lang sa mga tumitingin at paniniwala natin. Hindi lahat ng ICO ay scam, may iba na bibigyan ka talaga ng taman tubo sa pera na pinuhunan mo. Hindi naman porket IEO ay successful na. Malay natin magkaroon na naman ng panibagong daan ang mga scammers para masira ang reputasyon ng IEO.
Bilang namumuhunan, ano ba ang mas gusto niyo, IEO o ICO?
Ang mga iyan po ay batay lamang sa aking opinyon! Hindi ko po nais na siraan o ipromote ang alin man sa dalawa. Nais ko lamang mabuksan ang kaisipan ng iba tungkol sa pagkakaiba ng ICO at IEO. Nawa`y nakatulong ako sainyo.
Kung mayroon kayong nais bigyang diin o suhestyon, makilagay na lamang sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!
ito po ay mga karagdagang impormasyon tungkol sa paksa:
https://dailyhodl.com/2019/03/13/initial-exchange-offering-ieo-vs-initial-coin-offering-ico-what-are-the-differences/
https://medium.com/okex-blog/ieo-vs-ico-what-are-the-differences-f0a700bb9a5c