Pages:
Author

Topic: Initial Coin Offering vs. Initial Exchange Offering - page 2. (Read 441 times)

sr. member
Activity: 1008
Merit: 355


Sira na ang pangalan ng ICO sa larangan ng pag-gawa ng crowdfunding dahil sa daming naglabasan na mga scams na naging resulta ng pagkawala ng pera ng maraming mga bumili ng tokens lalo na noong 2017. Dahil dito naghanap ang merkado ng isang mas mabuting paraan para magkaroon naman ng proteksyon ang mga investors at masiguro na ang mga proyekto ay totoo at di gawa-gawa lamang. Kaya naging uso naman ngayon ang IEO kung saan ang crowdfunding ay ginagawa na mismo sa mga exchanges. Ang malaking bentahe nito ay hindi na tayo maghintay pa ng buwan-buwan para makarating ang isang token sa exchange kasi nga andun na sya. Sa ganang akin, ang IEO na ang papalit sa ICO at mas mabuti rin sana kung ang isang IEO ay isa ding STO.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.
Maraming salamat sa iyong komento! Marahil nga na hindi ito ang mismong dahilan kung bakit nagkaroon ng IEO ngunit isa ang pagban ng China sa kanilang mga investors ng pamumuhunan sa ICO kung kaya`t humina ang ICO sa mga nakalipas na panahon.

Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.

Yup si CZ ng Binance ang my idea nito at maganda naman ang kinalabasan dahil hindi lang Binance ang tumangkilik dito pati narin mga top exchange site paraan nadin siguro ito para maiwasan ang scam ng mga new project which is napakaraming nangyaring scam sa ICO dati, saludo ako kay CZ dahil sa naisip nya nito, alam naman natin napakaring scam project sa market.
Agree, Binance talaga ang naginitiate ng IEO. Ngayon ay may isang hawak si Arteezy na campaign na mismong nagIEO sa binance. Maraming users sa binance kung kaya`t isang bentahan lang at hit na ang soft cap.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.

Yup si CZ ng Binance ang my idea nito at maganda naman ang kinalabasan dahil hindi lang Binance ang tumangkilik dito pati narin mga top exchange site paraan nadin siguro ito para maiwasan ang scam ng mga new project which is napakaraming nangyaring scam sa ICO dati, saludo ako kay CZ dahil sa naisip nya nito, alam naman natin napakaring scam project sa market.
Halos lahat ng exchange ngayon sumunod sa ideya ni CZ tungkol sa IEO. Mawawala na talaga mga ICO at susunod na halos lahat sa trend ngayon ng IEO. Sobrang dami talaga ng mga ICO scam ngayon at ito ang naging solusyon ni CZ na karamihan sa mga exchange nagsisunuran na pero hindi parin malabo na ma-abuse yung mga IEO ng mga scammer. Meron at meron parin na mga IEO dyan ang magiging scam sa bandang huli kaya ingat sa pag iinvest.
full member
Activity: 798
Merit: 104
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.

Yup si CZ ng Binance ang my idea nito at maganda naman ang kinalabasan dahil hindi lang Binance ang tumangkilik dito pati narin mga top exchange site paraan nadin siguro ito para maiwasan ang scam ng mga new project which is napakaraming nangyaring scam sa ICO dati, saludo ako kay CZ dahil sa naisip nya nito, alam naman natin napakaring scam project sa market.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Dahil sa mga Scam Projects na pumasok sa industriya ng cryptocurrency, ang ICO o Initial Coin Offering ay unti-unting nasisira sa mata ng investors at maging sa China na ban ang ICO. Marahil, ito nga ang nagsilbing daan para mabuksan ang panibagong yugto para sa pamumuhunan. Ang IEO ay naging alternatibong solusyon upang maiwasan ang Fraud o pangloloko sa kamay ng mga scammers. Subalit, tignan natin kung magiging epektibo ba ito sa pangmatagalang panahon. Mas maganda ba ang mga proyekto sa ilalim ng IEO kumpara sa mga ICO o mamamayagpag pa din ang ICO sakabila ng pagkakaroon ng IEO?

Ginawa ko ito upang makahatid lamang ng impormasyon para sa mga baguhan o nagugulumihanan sa dalawa.

Simulan muna natin sa ICO.

1. Mayroong direktang pagitan ang mga namumuhunan at developer ng proyekto. Dahil sa smart contract, mabilis na nabibilii ng namumuhunan ang token na kailangan sa pagdebelop ng proyekto (fundraising).
2. Dahil dito, masisiguro natin na walang third parties na kung saan hindi malilimitahan ang pagpapalaki ng kapital.
3. Nagkakaroon din ng mga diskwenta sa pagbili ng token dahil nagkakaroon ng dibisyon ang kanilang fund raising. Ang Pre-sale na kung saan mababa pa ang presyo ng token hanggang Public Sale na kadalasan ay nagiging batayan ng presyo sa Exchange. Maganda ito dahil maaaring dumoble o magtriple ang kita mo sa iyong pamumuhunan lalo na`t kung pumatas at lumagpas ito sa ICO price.

Ano naman ang masamang epekto ng isang ICO?

1. Mabilis na nakakapasok ang isang developer, kung madaling makakapagkumbinse sya ng mga tao gamit ang whitepaper at smart contract ay talaga namang kikita sya ng milyones. Maaari rin nilang maitakbo ang fund raising budget kapag pumasok lang sila para mangScam.
2. Kalimitan sa mga ICO ay napupunta lamang sa mga DEX o Decentralized Exchange na kung saan ay libre lang ang pagpapalista ng token. Dahil dito, ilang buwan o taon ang bibilangin bago mo makuha ang tubo o matumbasan man lang ang pagbili mo ng token.

Hindi naman lahat ng ICO ay ganyan ang nangyayari dahil may mga ICO developers na talaga namang gusto maging matagumpay ang proyekto. Subalit sa kasamaang palad, napakaraming ICO ang bumabagsak at iniiwanan ang namumuhunan.

Dumako naman tayo sa IEO

1. Dahil hindi kontrolado ng mga namumuhunan ang developer at mga pangako nito alinsunod sa nakasulat sa whitepaper, mas nakabubuti kung ito ay mailagak sa IEO. Ang mga Exchange na naglilista ng IEO projects ay nagkakaroon ng komprehensibong pag-aaral sa kaukulang proyekto. Kaya bago pa ito mailunsad ay talaga naman 100% legit.
2. Masisigurong maililista ito sa mga Centralized Exchange o Top Exchange dahil kung saan ginanap ang IEO ay dun din malilista ang proyekto.
3. Kung paguusapan ang presyo, mas masisiguro ng mga namumuhunan na hindi babagsak kaagad-agad ang presyo ng mga token dahil maraming mga traders o namumuhunan ang nais bumili ng token.
4. Samakatuwid, bababa ang risk percentage kapag namuhunan ka sa isang IEO at 100% na maaari itong maging matagumpay!

Sa tingin ko kung magkakaproblema sa IEO ay kung magsabwatan din ang Exchange at IEO projects upang dayain ang mga namumuhunan. Maaaari din makontrol ng Exchange developer ang proyekto at hindi ito ganap na maging matagumpay, lalo na kung tatagain nila ito sa mga kumisyon. Maliban na lang kung mayroon silang legal na kasunduan.

So, ayun na nga guys. Parehas naman silang nagbigay daan at magbibigay daan sa pagasenso ng cryptocurrency. Lahat naman ng bagay ay may pro at cons, depende na lang sa mga tumitingin at paniniwala natin. Hindi lahat ng ICO ay scam, may iba na bibigyan ka talaga ng taman tubo sa pera na pinuhunan mo. Hindi naman porket IEO ay successful na. Malay natin magkaroon na naman ng panibagong daan ang mga scammers para masira ang reputasyon ng IEO.

Bilang namumuhunan, ano ba ang mas gusto niyo, IEO o ICO?

Ang mga iyan po ay batay lamang sa aking opinyon! Hindi ko po nais na siraan o ipromote ang alin man sa dalawa. Nais ko lamang mabuksan ang kaisipan ng iba tungkol sa pagkakaiba ng ICO at IEO. Nawa`y nakatulong ako sainyo.

Kung mayroon kayong nais bigyang diin o suhestyon, makilagay na lamang sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!

ito po ay mga karagdagang impormasyon tungkol sa paksa:
https://dailyhodl.com/2019/03/13/initial-exchange-offering-ieo-vs-initial-coin-offering-ico-what-are-the-differences/

https://medium.com/okex-blog/ieo-vs-ico-what-are-the-differences-f0a700bb9a5c
Pages:
Jump to: