Akala ko ba gusto niyo maging mostly used ang bitcoin at most of the stores ay magkaroon ng bitcoin payment? Akala ko ba gusto niyo na sana tanggapin na ng government ang bitcoin at gamitin. Tapos may mga magrereklamo bakit daw papakialaman ng gobyerno ang bitcoin lol.
Minsan kasi may mga tao na sa sobrang desire na magamit ang bitcoin di nila naiisip na magiging fiat na ang pagtrato ng bitcoin kapag nangyari ang mga gusto nila. Kaya ako ok na ako sa status ng bitcoin na ganito at kaunti lang ang gumagamit. Mass adoption = stable price.
Tingin ko ang ireregulate nila ay yung mga kagaya nila coins.ph at rebit.ph pero tayong mga gumagamit nito hindi tayo ireregulate. Ang magigiung epekto lang nito sa atin ay maaring lalong higpitan at damihan ang requirements para maging verified ang account natin sa mga exchanger gaya ni coins.ph. Ang mahihirapan dito yung mga hindi kumpleto ang requirement or hindi maka comply sa requirements, mahihirapan sila mag cash out.
Ito rin ang di maintindihan ng iba. Gusto nila ng legit exchanges tapos gusto ng kalayaan haha. Malamang para maging legit ang mga bitcoin exchanges na nagooperate dito sa bansa natin dapat sila maging registered company. Pera ang usapan dito at involved diyan ang legal at illegal activities. Paano na lang na incase manakawan ka ng bitcoin? Saan ka tatakbo e irreversible ang bitcoin transaction?
Naku pa ano na yan? Dapat huwag nila papakielaman ang bitcoin dahil legit naman ito. Ito ang nagbibigay ng opportunity sa ating mga kababayan natin na kumita ng pera kahit NASA Bahay kalang. Ano na kaya ang mangyayari kung makekeelam ang banko sentral ng pilipinas? Mawawala na kaya ng tuluyan ang bitcoin sa pilipinas o magkakaroon na ng tax? Kung magkakaroon naman ng tax eh sana huwag masyadong malaki.
Di puwedeng di nila pakialaman ang bitcoin kasi nandito tayo sa Pinas. Malala pa nga sa ibang bansa banned ang bitcoin e. Saka imposibleng magkaroon tayo ng tax per individual dahil kumikita tayo ng bitcoin. Ever wondered bakit medyo mataas ang fees ng ilang exchange dito? Sila kasi ang nagbabayad ng tax.
Isa pa puwede kasi magamit sa money fraud ang bitcoin at dun padaanin sa bitcoin exchange kaya dapat maregulate. Shady naman kasi talaga kung araw araw million pesos in value ang pinapaikot na pera sa account mo sa mga exchange.