Pages:
Author

Topic: Isang sikat, willing tumanggap ng bitcoin! - page 2. (Read 826 times)

sr. member
Activity: 658
Merit: 268
bullsvsbears.io
January 13, 2020, 09:43:30 AM
#44
Malamang sa malamang, meeting artists din dito sa pilipinas ang nakakaalam tungkol sa cryptocurrency pero takot i-voice out Ito sa maraming tao. Sa pilipinas, madaming mapanghusga kahit hindi naman talaga alam ang nga bagay bagay. Pero good yang balitang yan para sa crypto, kulang pa sya sa game para labis na mailaganap ang Bitcoin, pero dahil madami siyang ginagawa, hindi lang bilang isang rapper, malaking tulong na din to. Kasi for sure madami na din syang connection na pwede nyang sabihan ng tungkol dito.
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
January 13, 2020, 09:27:34 AM
#43

Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?

Maganda ngang balita iyon kabayan.
Bigla akong nagbasa ng tungkol sa kanya ng malaman ko ito.

Anyway, about naman sa mga artista sa Pinas na magpapakilala na suportado nila ang bitcoin, mukhang diyan tayo mahihirapan.
Unang una ay baka silipin ang tax nila. Sino ba naman ang may gusto na siyasatin ka bigla sa pagsasabi lang ng totoo.
Pangalawa ay discrimination. Malakas pa din yan dito sa Pinas kahit na pagkadami dami ng batas na ipinasa tungkol sa anti discrimination.
Maaring siya ay layuan ng iba sa kawalan ng kaalaman na kadahilanan.  Grin
para sakin malabo yan mangyari dahil na din sa sinabi mo na tax, baka may mag accuse sa kanila na money launderer, at lack of regulations even though regulated ang bitcoin dito ewan lang sa mga artist. Pwede mo po ba linawin kung anong type na discrimination ang sinasabi mo?
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 13, 2020, 08:23:04 AM
#42

Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?

Maganda ngang balita iyon kabayan.
Bigla akong nagbasa ng tungkol sa kanya ng malaman ko ito.

Anyway, about naman sa mga artista sa Pinas na magpapakilala na suportado nila ang bitcoin, mukhang diyan tayo mahihirapan.
Unang una ay baka silipin ang tax nila. Sino ba naman ang may gusto na siyasatin ka bigla sa pagsasabi lang ng totoo.
Pangalawa ay discrimination. Malakas pa din yan dito sa Pinas kahit na pagkadami dami ng batas na ipinasa tungkol sa anti discrimination.
Maaring siya ay layuan ng iba sa kawalan ng kaalaman na kadahilanan.  Grin
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
January 13, 2020, 05:10:12 AM
#41
Ang alam kong tumatanggap ng cryptocurrencies as payments na celebrity ay si Paolo Bediones palang sa kadahilanang minsanang naging parte din sya ng LoyalCoin. Siguro mayroon pang mga celebrity na nasa business o finance industry ang tumatangap at interesado din sa cryptocurrencies as part of hedging their fortune, bawal lang isapubliko sa kadahilanang hindi regulated and crypto at kalabisan para sa kanila ang pag popromote nito.

Tsaka marami naring tumatanggap ng crypto ngayon, kagaya nalang ng bitcointalk conmunity, tayo mismo ay parte nito and to think portal ito para sa mas maraming oportunidad
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
January 12, 2020, 09:55:57 PM
#40
Sa palagay ko madami na ring celebrity o mga influential na tao ang tumatanggap ng bitcoin as payment pero hindi lang sila maingay a social media. Madami na rin kasing mga celebrity ang aware sa potential ng cryptocurrency kaya palagay ko ang iba ay nag sisimula ng mag onvest para dito.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
January 12, 2020, 05:00:23 PM
#39
Hindi ko kilala  Grin Mababa pa siguro yung 178K followers niya (hindi pa alam kung ilaw ang real followers kapag susuriin gamit ang twitter audit). Pero kung maka-influence man siya ng ilang daan na no-coiners, maganda na din yun.

Agree, baka isang paraan nya to baka dumami pa followers nya, parang marketing kasi may mga rappers/singers na din naman talaga na nasa mundo ng crypto.

Meron na din siguro mga Pinoy celebs ang involve sa bitcoin/crypto pero lowkey muna kasi strikto pa Bangko Sentral. Hindi pa talaga nila sinasabing opisyal ng legal ang Bitcoin bilang currency na pwedeng gamitin pambayad peer-to-peer.

Wala pa ako masyadong narinig, baka meron nga kaya lang ayaw lang lumutang pa dahil alam mo na, sisilipin sya ng BSP o baka maging kwentuhan/tsismis sa mundo ng showbiz,  Grin
sr. member
Activity: 1120
Merit: 272
First 100% Liquid Stablecoin Backed by Gold
January 12, 2020, 11:48:20 AM
#38
Sorry pero hindi ko kilala yang tao na yan pero kung sakali ngang sikat siya at kilala sa ibang lugar kung siya ay tumatanggap ng bitcoin o crypto ay magandang simula at sana yung mga katulad niya ring sikat ay gumaya sa kanya para naman mas makilala pa ang bitcoin sa mga iba't ibang mga lugar at marami ang makakita nang makapag-invest sila ng pera.


Mas magandang sumikat ang mga taong ganito na ang estado sa kanilang sarili, dahil kapag pera ang pinag-uusapan at may magandang karanasan sya sa pag lago ng kanyang buhay sa bitcoin; hindi malabo ma maging tanyag ang taong ito. Siguro sa ngayun di pa ganyan kasikat ito, at kung artista sya na may alam sa crypto malaki ang posibilidad na maakit din ang ibang sikat na personalidad kagaya nya investor ng cryptocurrency gaya ng bitcoin.
Magandang balita ito kasi sa tingin ko mas malaki ang chances na mas makilala ang bitcoin sa ibat ibang parte ng mundo kung ang magiintroduce nito sa mga tao ay mga sikat na artista, singer, pulitiko o mga manlalaro. Kasi kung ordinaryong tao lang ang magpapakilala nito sa mga tao baka kakaunti lang ang kumilala dahil syempre ang tinitignan pa rin ng mga tao ay ang credibility nung tao na magiintroduce sa kanila ng isang bagay.

Totoong makatutulong ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa bitcoin dahil isang sikat na influencer ang makapagbabahagi sa kanila ng mga magagandang maidudulot ng bitcoin sa kanilang ekonomiya. Kahit ano mang uri ng platform basta ang isang taong gumagamit ng bitcoin ay sikat, maaaring ring ang mga taong sumusubaybay sa kanya ay maadopt rin ang paggamit ng bitcoin at sunod sunod na ito sa ibang mga kaibigan, kapatid, kapamilya o iba pang tao na may kaugnayan don sa gumagamit ng bitcoin na iyon.
sr. member
Activity: 812
Merit: 260
January 12, 2020, 09:34:05 AM
#37
Mukhang marami nang na hyhype sa paparating na bitcoin halving kaya siguro madami nang naghahanap nito. Maganda to napapakita lang nito kung gaano nang sumikat ang bitcoin maging sa artist at musicians may mga crypto enthusiast na, sana makatulong to at ma impluwensyahan din ang mga ordinaryong tao na mag invest din sa bitcoin. Halatang may nalalaman sya sa BTC at investing kasi mas pinili nya ang P2P transaction kaysa iconvert ito sa fiat.
Since tumataas ang prize ng bitcoin, chance ito para lalong manghype ang mga kilala g tao lalo Nat ang halving ay pa rating. Madami ng mga kilalang tao ang magbigay ng pahayag noong 2017 hype pero nawala nung halos pa tuloy ang pagbaba ng bitcoin, ngayong pa tuloy ang pataas OK lang ulit sa mga artist dahil safe at may halving na karaniwan tumataas presyo ng bitcoin.

Ganyan naman na normal ang mga tao kapag umaangat ang price nghhype sila, lalong todo invest, at masaya sa social media at sinasabi pa lalo na worth it maghold pero pag pababa ang Bitcoin todo tweet naman na super risky, time to sell and kung ano ano pa, naka depende ang emotion ng mga to base sa price, ngayon lahat happy ulit.
hero member
Activity: 2786
Merit: 705
Dimon69
January 12, 2020, 08:31:09 AM
#36
Mukhang marami nang na hyhype sa paparating na bitcoin halving kaya siguro madami nang naghahanap nito. Maganda to napapakita lang nito kung gaano nang sumikat ang bitcoin maging sa artist at musicians may mga crypto enthusiast na, sana makatulong to at ma impluwensyahan din ang mga ordinaryong tao na mag invest din sa bitcoin. Halatang may nalalaman sya sa BTC at investing kasi mas pinili nya ang P2P transaction kaysa iconvert ito sa fiat.
Since tumataas ang prize ng bitcoin, chance ito para lalong manghype ang mga kilala g tao lalo Nat ang halving ay pa rating. Madami ng mga kilalang tao ang magbigay ng pahayag noong 2017 hype pero nawala nung halos pa tuloy ang pagbaba ng bitcoin, ngayong pa tuloy ang pataas OK lang ulit sa mga artist dahil safe at may halving na karaniwan tumataas presyo ng bitcoin.
sr. member
Activity: 574
Merit: 267
" Coindragon.com 30% Cash Back "
January 12, 2020, 08:30:29 AM
#35
I may not know that person, pero siguro sikat siya sa bansa niya and that's actually a good way to low-key promote bitcoin sa mga fans nya. Kung ang mga influential na tao lang dito sa tin sa Pilipinas ay mas open sa ganitong opportunity like crypto at mas open din sila ipublic ang kanilang support dito, mas madaling makikilala ang crypto at bitcoin sa bansa. Pero kasi siguro dahil may image silang iniingatan, natatakot sila na baka masabihan na scam o kung ano... Pero sana talaga mas dumami pa ang open sa ganito dito sa bansa.
Ayun nga siguro ang dahilan kasi napaka halaga ng image ng mga sikat dito sa bansa natin. Ang mga sikat kasi madali lang makaimpluwensya dahil marami ang humahanga sa kanila at iniidolo sila.  Malaki talaga magiging ambag ng mga sikat once na iendorse din nila kung ano ang bitcoin.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
January 12, 2020, 06:28:59 AM
#34
Sana mas dumami pa yung mga taong sikat na tumatanggap ng bitcoin o kahit bang mga crypto coins basta nakasuporta sila dito. Dahil marami din ang mga sikat na para bag sinisiraan si bitcoin kaya naman kailangan ng counter attack para hind mabrainwash ang mga tao Kapag magpatuloy ang sikat na ganito na tatanggap pa ng bitcoin ito ay magandang pangitain na dadami bitcoin user.
Feeling ko sir madami ng tumatangap ng bitcoin na mga big and small personalities and business owners siguro hindi lang sila masyadong mapost sa ganon dahil alam nilang may konti lang ang interes sa ganon sa panahon ngayon. At dahil nadin nga dun sa mga sikat na against sa bitcoin parang natatakot nadin yung mga small person na mag salita dahil baka makontra lang sila.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
January 12, 2020, 06:22:55 AM
#33
Mukhang marami nang na hyhype sa paparating na bitcoin halving kaya siguro madami nang naghahanap nito. Maganda to napapakita lang nito kung gaano nang sumikat ang bitcoin maging sa artist at musicians may mga crypto enthusiast na, sana makatulong to at ma impluwensyahan din ang mga ordinaryong tao na mag invest din sa bitcoin. Halatang may nalalaman sya sa BTC at investing kasi mas pinili nya ang P2P transaction kaysa iconvert ito sa fiat.
Magandang senyales ito sapagkat ibig sabihin nito ay patuloy na lumalago ang populasyon ng mga bitcoin user. At isa pa nakakatulong din ang mga sikat at malalaking tao na nasa loob ng industriya upang ipakilala pa sa mas nakararami ang bitcoin at cryptocurrencies. At para sa akin yun ang best way para maachieve natin ang mass promotion sa pamamagitan ng mga sikat.
Sana mas dumami pa yung mga taong sikat na tumatanggap ng bitcoin o kahit bang mga crypto coins basta nakasuporta sila dito. Dahil marami din ang mga sikat na para bag sinisiraan si bitcoin kaya naman kailangan ng counter attack para hind mabrainwash ang mga tao Kapag magpatuloy ang sikat na ganito na tatanggap pa ng bitcoin ito ay magandang pangitain na dadami bitcoin user.
sr. member
Activity: 868
Merit: 256
January 12, 2020, 04:47:28 AM
#32
Mukhang marami nang na hyhype sa paparating na bitcoin halving kaya siguro madami nang naghahanap nito. Maganda to napapakita lang nito kung gaano nang sumikat ang bitcoin maging sa artist at musicians may mga crypto enthusiast na, sana makatulong to at ma impluwensyahan din ang mga ordinaryong tao na mag invest din sa bitcoin. Halatang may nalalaman sya sa BTC at investing kasi mas pinili nya ang P2P transaction kaysa iconvert ito sa fiat.
Magandang senyales ito sapagkat ibig sabihin nito ay patuloy na lumalago ang populasyon ng mga bitcoin user. At isa pa nakakatulong din ang mga sikat at malalaking tao na nasa loob ng industriya upang ipakilala pa sa mas nakararami ang bitcoin at cryptocurrencies. At para sa akin yun ang best way para maachieve natin ang mass promotion sa pamamagitan ng mga sikat.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
January 12, 2020, 03:57:00 AM
#31
Mukhang marami nang na hyhype sa paparating na bitcoin halving kaya siguro madami nang naghahanap nito. Maganda to napapakita lang nito kung gaano nang sumikat ang bitcoin maging sa artist at musicians may mga crypto enthusiast na, sana makatulong to at ma impluwensyahan din ang mga ordinaryong tao na mag invest din sa bitcoin. Halatang may nalalaman sya sa BTC at investing kasi mas pinili nya ang P2P transaction kaysa iconvert ito sa fiat.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
January 12, 2020, 03:25:48 AM
#30

Isang kilalang tao na naman ang nagpahayag ng kanyang interest pagdating sa Bitcoin. Ayon sa isang tweet ng isang British rapper na si Zuby, tumatanggap siya ng bitcoin for payments at ayon pa sa kanyang thread, wala siyang intensyon na iconvert agad ang kanyang bitcoin sa fiat. Dagdag pa nito, mas gusto niyang mag hodl kesa ibenta ang mga ito. Ang nasabing rapper ay hindi lang isang rapper, isa rin siyang speaker at mayroon din syang mga libro na pinupublish na kung saan ipinahiwatig nya sa kanyang tweet na tumatanggap din sya ng bitcoin sa pagbili ng kanyang libro at sa mga service na pinroprovide niya.

Magandang balita para sa atin ito dahil nakikita nating mas dumadami ang nagkakainterest sa crypto pati na rin ang mga kilalang tao. Hindi ba't mas madaling makikilala ang crypto kapag ipinromote ito ng isang sikat na tao dahil madami silang followers sa mga social media. Ang rapper na ito ay may 178k followers kaya kung titignan, madami ang pwedeng makabasa ng tweet niya about bitcoin

Atsaka alam naman natin na nag iimprove na ang adoption ng crypto sa Pilipinas, mas nakikilala na ito ng mga tao at may mga stores na din sa ating bansa ang tumatanggap ng bitcoin kapalit ng kanilang produkto. Hindi malabong mangyari na dumami pa ang makakilala at maging interesado dito lalo na kung alam nila ang advantages at benefits na maaari nilang makuha mula dito.

Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?
Mukang bago palang siya since hindi pa naman siya masyadong sikat pero ang maganda is nareregnized niya ang bitcoin at willing siya tumanggap ng bitcoin as a payment maraming tayo ang maiinfluence nito dahil nga isa siyang sikat. At for sure nakakatulong ito sa pagngat ng presyo ng bitcoin dahil maghohold siya ng malaking malaga ng bitcoin. Magandang balita ito dahil nadadagdagan ang mga investors ng bitcoin. Kahit sa Pilipinas ay maraming mga mayayaman ang nagiinvest sa bitcoin for long term dahil umaasa silang ang bitcoin ay isa sa magagandang investment for the future since futuristic ang technology neto at obvious na magiging trend isa sa mga big assets in the future. Marami na ding sikat ang nagiivest dito tulad ni:



Ang NBA player na si Spencer Dinwiddie last year ay inannouce din na itotokinize niya payment sa kanya ng 3 years , nagkakahala ng 34.5 million $ na kontrata in ethereum blockchain at inaasahan niya ang profit sa kanyang invesstment yearly. Magandang balita ang mga ito dahil ang mga sikat na tao ay malakas makainpluwensiya ay siguradong makakatulogn sa bitcoin.

Source:
https://www.coindesk.com/nba-players-contract-tokenization-plan-can-move-forward-reports
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
January 11, 2020, 11:49:09 PM
#29
Hindi ko kilala  Grin Mababa pa siguro yung 178K followers niya (hindi pa alam kung ilaw ang real followers kapag susuriin gamit ang twitter audit). Pero kung maka-influence man siya ng ilang daan na no-coiners, maganda na din yun.
same thoughts here mate,sinilip ko din profile nya medyo nag sisimula pa lang ang career nya sumikat but malaking bagay pa din sa crypto dahil fREE advertising na to na pinagkakatiwalaan tayo ng celebrity,para maka attract ng bagong players.
Meron na din siguro mga Pinoy celebs ang involve sa bitcoin/crypto pero lowkey muna kasi strikto pa Bangko Sentral. Hindi pa talaga nila sinasabing opisyal ng legal ang Bitcoin bilang currency na pwedeng gamitin pambayad peer-to-peer.
at malamang marami na din sila,kung meron ngang mga celebrity tayo na nabibiktima ng pyramiding at iba pang klase ng scam investment syempre mas marmaing maniniwala sa crypto dahil ito ay currency mismo and being here for mnore than 10 years now and still counting.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
January 11, 2020, 10:16:29 PM
#28
Although hindi ko siya kilala, basta't willing siyang i-promote ang Bitcoin or cryptocurrency sa ibang tao, sobrang laking tulong na ito. Lalo na sa mga westerns na hindi ganon kalaki ang capital barrier compared sa mga ibang bansa katulad ng Pilipinas na sobrang laki ng halaga ng dolyar. Isa palang ang nakikilala kong nahuhumaling sa cryptocurrency at iyon ay si Manny Pacquiao which is ang PAC.

Sana magkaroon ng programa dito sa pilipinas na mag-promote ng mga stock investing (nako lalo na yung fractional shares) and Bitcoin investing para maging aware ang mga tao.
 
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
January 11, 2020, 06:25:57 PM
#27
Very wise decision, sa tingin ko magandang option ang BTC for retirement at maraming artists at sports icons narin ang nakaka recognise ng potential ng Bitcoin. So dapat kahit ordinaryong tao dapat willing din mag risk for their future basta huwag lang all-in.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
January 11, 2020, 02:24:01 PM
#26
Parami ng parami na talagang sikat na gumagamit ng bitcoin, kasi sa busy nilang yan may time sila to know crypto at may time focus lang sila sa pag post sa kanilang socialmedia about their fans and self, but now we see few of them na want to know more about cryptocurrencies. they attract non crypto people and that is their many fans. kaya isa sila sa magpapa-laganap talaga sa iba pa na hindi talaga alam ano ang bitcoin or cryptocurrency.
May impact talaga pag well known personalities ang nagpapahayag ng intensyon nila sa pagccrypto gaya ng nasabi mo nakakapag attract sila ng non crypto audience at maaring maiconvert to sa panibagong waves ng supporters ng bitcoin. Sa mga ganitong paraan talaga nakakakuha ang crypto ng
magandang attention sa market.
sr. member
Activity: 700
Merit: 257
January 11, 2020, 10:51:58 AM
#25


If ang mga high profile celebrity ng bansa natin ang sumuporta sa crypto?  Sigurado ako maraming taong magbibilihan.  Parang brand lang yan na inaadvertise.  Maraming customer ang bumubili ng item dahil sa ang nagindorso ay hinahangaan nilang artista hindi yung kalidad ng produkto.  HIndi na nag-iisip ang mga fans dahil pinormote ng idol nila siguradong maganda ito.  Ganoon din ang mangyayari kapag pinromote ng mga artista ang Bitcoin.  Malamang maraming tao ang bibili nito at magtatangkilik.  Mas mabilis sana ang pag-usad ng adoption ng Bitcoin.

That's very true lalo na kung sila Daniel Padilla and Kathryn Bernado, kapag sinabi nila magbuy po kayo ng Bitcoin kahit worth 1k pesos and hold nyo po sa milyon milyon nilang followers kayang kaya talaga nilang pasunurin yon, lalo na at marami silang fans na mayayaman din and gagawin lahat makapag impress sa kanilang idol.
Pages:
Jump to: