Pages:
Author

Topic: Isang sikat, willing tumanggap ng bitcoin! - page 4. (Read 740 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1147
https://bitcoincleanup.com/
January 10, 2020, 07:36:18 AM
#4
Hindi ko kilala  Grin Mababa pa siguro yung 178K followers niya (hindi pa alam kung ilaw ang real followers kapag susuriin gamit ang twitter audit). Pero kung maka-influence man siya ng ilang daan na no-coiners, maganda na din yun.

Meron na din siguro mga Pinoy celebs ang involve sa bitcoin/crypto pero lowkey muna kasi strikto pa Bangko Sentral. Hindi pa talaga nila sinasabing opisyal ng legal ang Bitcoin bilang currency na pwedeng gamitin pambayad peer-to-peer.
hero member
Activity: 1273
Merit: 507
January 10, 2020, 07:36:04 AM
#3
Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?
Dito sa Pinas ang mga sikat na alam kung may kaalaman sa bitcoin at crypto currency at sila Sen. Many Pacquiao meron siyang (PACToken)  at parte din sya ng GCOX exchange sa aking pagkakaalam. Meron din siyang charity kung saan tumatanggap siya ng iba't ibang klase ng altcoins upang donasyon.  At syempre si Paolo Bediones , Bilang bahagi ng Loyal coin. 
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
January 10, 2020, 07:24:44 AM
#2
Magandang meron mga kilalang tao na tumanggap ng bitcoin malaking promotion kasi ito sa cryptocurrency at pagkakaroon ng magandang image at gusto ko yung plano nya na ihold lang ito masyadong siyang optimistic about sa bitcoin purpose.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
January 10, 2020, 06:31:27 AM
#1
 


Isang kilalang tao na naman ang nagpahayag ng kanyang interest pagdating sa Bitcoin. Ayon sa isang tweet ng isang British rapper na si Zuby, tumatanggap siya ng bitcoin for payments at ayon pa sa kanyang thread, wala siyang intensyon na iconvert agad ang kanyang bitcoin sa fiat. Dagdag pa nito, mas gusto niyang mag hodl kesa ibenta ang mga ito. Ang nasabing rapper ay hindi lang isang rapper, isa rin siyang speaker at mayroon din syang mga libro na pinupublish na kung saan ipinahiwatig nya sa kanyang tweet na tumatanggap din sya ng bitcoin sa pagbili ng kanyang libro at sa mga service na pinroprovide niya.

Magandang balita para sa atin ito dahil nakikita nating mas dumadami ang nagkakainterest sa crypto pati na rin ang mga kilalang tao. Hindi ba't mas madaling makikilala ang crypto kapag ipinromote ito ng isang sikat na tao dahil madami silang followers sa mga social media. Ang rapper na ito ay may 178k followers kaya kung titignan, madami ang pwedeng makabasa ng tweet niya about bitcoin

Atsaka alam naman natin na nag iimprove na ang adoption ng crypto sa Pilipinas, mas nakikilala na ito ng mga tao at may mga stores na din sa ating bansa ang tumatanggap ng bitcoin kapalit ng kanilang produkto. Hindi malabong mangyari na dumami pa ang makakilala at maging interesado dito lalo na kung alam nila ang advantages at benefits na maaari nilang makuha mula dito.

Dito sa Pilipinas kaya, sino-sino ang mga kilala niyong sikat o artista na interesado rin pag dating sa crypto at willing tumanggap ng bitcoin as a payment sa kanilang services o product?
Pages:
Jump to: