Ganun talaga kapag wala pa talaga tyong tiwala sa Bitcoin, lahat ng reason not to buy eh nandyan, pero hindi pa naman huli ang lahat, ngayong nasa bear market ang Bitcoin at medyo bumabagsak ang presyo, magandang pagkakataon para unti-unting magaccumulate. After all parang hindi pa naman nagbibreak loose ang 4 year cycle ni Bitcoin. Malay natin pagdating ng Bitcoin halving, iyong inipon nating Bitcoin sa current value eh mag x4 or x5 after Bitcoin halving sa 2024.
Actually, normal lang na ma-feel mo ito kabayan kasi halos lahat ng tao dito sa forum may kanya-kanyang mga experiences at regrets tungkol sa pag invest ng BTC. Parehas din tayo kabayan, nag simula ako dito sa forum na ang price ng isang BTC ay p250,000-p300,000. Nakasali din ako sa mga campaign signature noong Jr. Member ako na ang bayad ay flat BTC (p250/week dati pero around p5k converted ngayon sa price).
Since meron ka na din kaalaman tungkol sa price ng BTC, abangan mo din ang sabi ni Peanuts na magkakaroon ng halving sa 2024. Expect mo na ang price nanaman ng BTC ay mag skskyrocket kaya maganda na as early as now, mag ipon na tayo para hindi ulit tayo manghinayang.