Pages:
Author

Topic: KAALAMAN SA CRYPTOCURRENCY - page 2. (Read 453 times)

sr. member
Activity: 952
Merit: 303
June 03, 2022, 01:43:31 AM
#1
Magandang araw sa lahat ng mga miyembro ng Forum na ito, Una sa lahat naniniwala ako na maaring marami ng matagal na
sa forum platform na ito na hanggang ngayon ay hindi parin talaga nauunawaan ang lalim na kahulugan ng "Cryptocurrency"
at yan ang bagay na nais kung ibahagi sa inyo base sa aking pagkaunawa na sanay makapagbigay kahit pano ng ideya o kaalaman
sa mga miyembro dito.

 Sa panahon natin ngayon kung mapapansin ninyo ay padami ng padami parin ang mga naiiscam sa Cryptocurrency dahil
yung karamihan na nagsisilabasan ay puro hype lang ang ginagawa at puro pakita lang na sila ay kumita sa cryptocurrency ng malaki
pero hindi naman pinapakita ang tunay na reason kung pano ba kumita oh kondisyon nito at hindi sinasabi ang lalim na ibig sabihin ng cryptocurrency. Kung kaya ang ang paksang ito ay ginawa ko para ituro o bigayan ng tamang pagpili ng desisyon at sa pananalapi sa inyo bagamat hindi naman ako isang Financial expert pagdating sa industriyang ito.

ANO BA ANG CRYPTOCURRENCY?
 
 - Ito ay isang klase ng online money o digital currency na pede mong exchange sa pamamagitan ng trading, to buy, to transact, and
   to sell.

 - Ito ay my iba't-ibang currency din at brand gaya ng Bitcoin, Ethereum, Litecoin, Binance, Monero at iba pa.

PAANO NAMAN ANG INVESTMENT DITO SA CRYPTOCURRENCY?

 -  Ito naman ay kailangan mong makapalit ng sarili mong pera sa crypto para maka access ka sa cryptocurrency, isa sa halimbawa dito ay mga E-wallets gaya ng Gcash, Paymaya or mga Bank accounts na meron ka na pwede mong i konek sa ibang mga local exchange gaya ng Coinsph, at sa mga centralized exchange naman ay Binance pede kang bumili ng crypto via Gcash or bank accounts through P2P at pag nagawa mo na yun ay pede ka ng bumuli ng crypto sang ayon sa gusto mong bilhin.

PANO NAMAN NATIN MAPAPARAMI O MAPAPALAGO ANG INYONG INVESTMENT SA CRYPTO?

- Ito naman yung may tinatawag tayong Simple Law or sa ibang tawag ay Law of Supply and Demand. Ngayon, Ano ba yung
  SUPPLY and DEMAND? kapag ang supply ay kakaunti at ang demand ay malaki ibig sabihin malaki ang tsansa na tumaas ang presyo o
  value ng token or coins. Pero kung ang supply naman ay madami at kakaunti ang demand ang presyo naman ay maaring bumaba or
  bumagsak sa market. Ganun, pa man kung patuloy na madaming magtatangkilik sa cryptocurrency pedeng magtuloy-tuloy ang presyo nito
  or depende sa sitwasyon ng buy or sell.

PANO BA TAYO KIKITA SA CRYPTOCURRENCY?

1. INVESTING - Ito ay isa sa pinaka epektibo at magandang pamamaraan para kumita sa crypto na kung tawagin ay Investment.
                                 Isa sa halimbawa nito ay Bumili ka sa mababang presyo ng coins at Ihohold mo ito, tapos pag tumaas ito ng 10% or
                                 higit pa at ito'y binenta mo meron kang kita or profit. Kung kaya ang tawag sa holder ay Investor or sa investing ay
                                 long term.

2. TRADING - Ito naman ay kabaligtaran ng Investing, dahil araw-araw nagbabantay ang gumagawa nito sa market kung ang presyo ba
                              ay tataas or baba na kung tawagin ay SHORT TERM at ang gumagawa naman ay TRADER.

3. MINING - Ito naman ay nagsasagawa or nagseset up ka ng mga hardware system para ikaw ay kumita. Magsosolve kayo sa
                            gagawing complex program na matematikal problem at mabibigyan kayo ng rewards o cryptocoins. kung kaya Advantage
                            ito sa mga technical or technology dito sa crypto space na mdaming nalalaman.

POTENTIAL BA TALAGA NA KUMITA SA CRYPTOCURRENCY?

 - Kung ako ang tatanungin or ipahayag ang aking opinyon ang sagot ko ay OO. Pano ko nasabi?  Isa sa halimbawa dito ay before
   Presyo ng Bitcoin naabutan ko ay nasa 100$ hindi lang ako sure kung 2015-2016 ito ngyari at ngayon ang presyo ng Bitcoin ay nasa
   30,468$ at isa pa sa halimbawa dito ay ETH mahal narin ang value nya now kumpara nung 2016, kaya nga kung isa ka sa naginvest nung
   taon na 2016 ng ETH or Bitcoin at naghold ka nito hanggang ngayon ang laki ng profit mo for sure. Yun nga lang very volatile lang ang
   cryptocurrency pedeng bumagsak anytime at pedeng tumaas din bigla. In short, ang cryptocurrency ay masyadong HIGH RISK. Kung kaya
  kung ikaw ay isang concervative type of person hindi ka pede dito pero kung ikaw ay isang high risk taker na investors pede ka dito.

Disclaimer:  

   Ang paksang ito ay hindi naghihikayat ng sinuman sa forum na ito na maginvest sa cryptocurrency, kundi ang nais ko lang po
ay magbahagi ng kaunting nalalaman tungkol sa pagpasok sa cryptocurrency, siguraduhin na bago pumasok sa industriyang ito na ikaw ay nagsaliksik muna bago mag desisyon maginvest. at ito ay para lamang sa mga wala pang gaanong kaalaman sa cryptocurrency.
   At ang lahat ng ito ay based sa aking karanasan at pagkakaintindi sa cryptocurrency.




                  



Pages:
Jump to: