Yung sa pagiging greedy, doon na ako natuto. Ayaw ko ng maulit pa yung pagkakamali na nagawa ko kasi maraming beses ako nag isip na dapat malaki ang kikitain bago magbenta. Pero sa bandang huli imbis na kumita ay mas natalo pa. Kaya kapag nakita mo na medyo maayos at katanggap tanggap naman yung kita mo, ok na un at kunin mo na agad yung pagkakataon. Maliit o malaking kita dapat wag panghinayangan.
Greed ang sanhi kaya tayo nanghihinayang, alam kong regretful yung mga past decisions natin kaya dapat keep moving forward tayo pero gamitin natin yung mga lessons na natutunan natin sa mga opportunities na ating na let go. Dapat natin tatandaan na ang mga results ng trades natin ay dapat puro win at breakeven kung may losses naman dapat hinde umabot ng -5% para ma protektahan natin ang ating capital.
Yun na nga, ginagamit ko ng lessons yung mga pangit na desisyon na nagawa ko nung mga nakaraang taon ang dami kong lessons na natutunan. Kaya hindi talaga applicable yung masyado kang mataas mag expect kapag day trader o di kaya short term holder. Nung lumagpas na ako ng -5% na loss parang wala na din, hindi ko na nahahabol kaya tinatanggap ko nalang na loss at sa ibang coin nalang ako babawi.
naging aral din sa akin yan noon mate nung nag trade pa ako,dahil sa patuloy na pag angat ng presyo eh lalo ako nagiging gahaman sa pag expect ng malaking kita,hanggang sa malilingat na lang ako na pabagsak na presyo pero umaasa pa din akong aangat kaya sa dulo eh halos talo pa ako kumpara sa sanay may kinita na ako kung marunong lang makontento sa tamang profit at hindi sobra sobra.
Yung pakiramdam kasi natin dati ang akala natin walang tigil yung pagtaas pero ngayon natuto na, na hindi na magiging gahaman kapag may nakitang profit.