Pages:
Author

Topic: Kahalagahan ng Trading Psychology - page 4. (Read 803 times)

sr. member
Activity: 1022
Merit: 256
January 15, 2020, 10:53:12 PM
#3
In other words, wag emosyonal pag nagtitrade. Madalas pag nagtitrade ang iniisip yung posibleng panalo o talo, yung pera mismo. Kaya tuloy nawawala sa focus. Nawawala bigla yung mga numbers na dapat syang guide sa mga decisions. Halimbawa, imbis na ang target ay 1,000 sats lang o kaya 10% increase lang, pag nangyari na yung pump biglang erase muna yung mga numbers na yun kasi baka may mas itataas pa. Ayun nadale sa pagiging greedy.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
January 15, 2020, 11:30:57 AM
#2
Isang magandang guidelines ito para mapaglabanan ang anumang pag-aatubili sa pakikipagtrade.  Marahil ay heto ang iyong ginawang reference at isinalin ito sa ating wika.

Narito ang isa pang site kung saan mas higit na tinatalakay ang Trading Psychology : https://tradingsim.com/blog/trading-psychology/
jr. member
Activity: 303
Merit: 1
January 15, 2020, 11:06:53 AM
#1
Sa larangan ng trading, marami tayong mga bagay na nagagawang mali na dahilan ng pagkatalo ng ating pera. Marami din aspeto ang ating dapat isaalang-alang sa pagexecute ng mga trades. Narito ang ilang mga suhistyo na dapat nating bigyan ng pansin at maintindihan.

Pag-una sa Takot

    Kalimitan hindi na bago satin na matakot pag may mga masasamang balita sa crypto o heneral na merkado. Marami satin ang mablis na nagbebenta ng mga crypto o digital assets kapalit ng cash para maiwasan ang pagkatalo pero minsan di rin naiisip ng iba na pede sila kumita ng malaki pag alam nila ang mga dapat gawin.
    Kailangan talagang maintindihan ng mga trader o investor kung ano ba talaga ang TAKOT na likas na reaksyon pag may masamang balita sa merkado. Ang pagsukat sa takot ay maaaring makatulong at dapat isaalang-alang ng mga trader na pag-isipan kung ano ang kanilang kinatakutan at kung bakit sila natatakot dito.
    Siyempre, hindi ito madali at maaaring magsagawa ngunit kinakailangan ito para mapaunlad ang iyong portfolio. Sa pamamagitan ng mabuti at maagang pag-iisip sa isyung ito ay malaman mo ang likas na reaksyon at makikilala ang ilang mga bagay. Bukod dito, dapat mo rin isantabi ang yung emosyon pag kasalukuyang kang nagttrade at i-focus mo ang iyong atensyon sa lohikal na desisyon sa trading.


Iwasan ang pagiging GAHAMAN

    Ang pagiging gahaman ay mahirap iwasan lalo na kung malaki na ang kikitain mo sa trade. Kailangan mo matutunan na kontrolin ang iyong sarili sa ganitong bagay. Dapat maging makatwiran ang mga desisyon mo at hindi base sa iyong mapaminsalang kapritsuhan.


Paglalagay ng Panuntunan

    Dapat gumawa ng mga alituntunin base sa tinatawag na risk-reward ratio kung saan ito ang iyong basehan para pumasok sa isang trade. Kailangan meron kang stop-loss at take profit na sinusunod. Para rin maiwasan ang sobrang exposure ng iyong trading portfolio. Mabuti rin na maging magaling kayo sa limit setting para maisaalang alang nyo mga halaga na kaya nyo ipatalo kung sakali man na hindi pumabor ang trade sa inyo.


Maging mapanuri at mapagsaliksik

    Para maging matagumpay ka sa larangang ito, kailangang maging matyaga ka sa pagaaral at pagsasaliksik. Dapat mo ring maintindihan ang tamang pagbasa ng chart.



Bagama't mahalaga para sa isang trader na mabasa ang isang chart, mayroong sikolohikal na aspeto sa trading na dapat maintindihan. Mag-ingat sa iyong takot at kasakiman dahil ito ay maaaring makaapekto sa iyong trade, maging disiplinado, bumuo ng panuntunan at maglaan ng pagsusuri sa sarili para sa tagumpay.
Pages:
Jump to: