Sharing Sharing lang tayo guys... Salamat po.
Kaya naman kung magiging madiskarte at matiyaga, kaso mababa kasi ang level ng economy dito sa pinas kaya yung iba mas pinipiling lumipad pa ibang bansa. Kung iisipin mo kasing magnegosyo dito, marami ang maaaring mangopya sa product mo lalo na yung malalaki na ang kapital kaya nilang pasikatin ang product mo sa kanilang pangalan. Mababa din ang sweldo dito, kung madami ka ngang alam dito sa bitcoin at mataas na ang rank mo eh kaya mong lampasan ang mga kita ng mayayamang tao o yung mga nagtapos, masyado kasing mababa ang labor sa pinas eh.
Yung kopyahan ng mga produkto ay talamak din naman yan sa ibang bansa hindi lang dito sa Pinas yan, Lalo na sa China ang bibilis pa kaya nga lang mas maganda pa rin ang kalidad nung orihinal ang panglaban lang naman ng mga copycats e yung presyo nila na mas mababa . Minsan kasi nalalaos ang mga negosyo kasi hindi nila ito nai-improve, Dapat kasi habang tumatagal e may innovation ang mga products, yung bang naka-sunod sa uso . Kung gusto mo kumita ng malaki sa trabaho mo kailangan mo ng degree nyan kaya lang hindi natin maitatanggi na mas malaki pa din swe-swelduhin mo sa ibang bansa pero kung ako sayo dito ka na lang kung sapat naman yung kinikita mo para sa pamilya mo . Kase kulang na kulang na ang Pinas ng mga magagaling dahil nag-ibang bansa na . Oo malaki nga ang pinapasok ng mga OFW na pera dito pero babagsak pa din tayo kasi hindi naman Pilipinas ang nakinabang sa mga gawa nila kundi ang ibang bansa pa din .