Napapa isip ako kung puwede pa ba talaga kumita ng maganda sa Pinas? Halos lahat kasi ng kakilala ko sa Abroad ang Takbo nila at kung puwede pa nga, Anung Negosyo? Kaso, Wala akong Malaking Capital.
Sharing Sharing lang tayo guys... Salamat po.
kung tanging trabaho lamang natin dito sa pilipinas ang ating aasahan talagang wala pong mangyayaring pag unlad sa atin. kaya nga po may bitcoin para kahit papaano ay makatulong ito sa atin kahit manlang sa araw araw na panggastos sa bahay. kasi po ako kahit papaano ay nakakuha ako dito ng pang kain namin sa araw araw.
mahirap magpayaman dito sa pinas totoo lang liban na lng talgang magtatayo ka ng negosyo , pero kung sa trabaho ka lang aasa e maihihrapan talga sa mahal ng bilihin ngayon at walang pagtaas ng sweldo .
tama din naman, sa dami ng problema ngayun sa pilipinas, yung sa drugs at corruption pa lang di na matapos tapos, pero umaasa pa rin ako na balang araw di na talaga kakailanganin pa mag abroad ng mga pilipino para kumita lang ng maganda.
oo sana nga ay mangyare yan kasi ang sarap ng feeling na sarili mong bansa ang iyong pinagsisilbihan hindi ibang tao. katulad ng mga nurse at doktor diba. sa halip na dito sa aten manilbihan ay sa ibang bansa talaga e kailangan na kailangan naten dito sa pinas ang mga katulad nila e wala e no choice.
Lol, maisip mo pa ba yan? Di ko nga mafeel ang sarap ng feeling kahit dito ako sa Pinas nagtatrabaho.
Kung regular employee ka lang mahirap talaga kumita, ang sakit pa nito every 5 or 6 months endo ka. Yung ibang company mauutak, walang endo, renew lang ng contract. Kung hindi ka Top notch sa class mo, mahirap makahanap ng kumpanya na magbibigay syo ng malaking sweldo. Ang way lang talaga is magbusiness or pumasok sa mga direct selling system na negosyo para kumita ng malaki. Pwede rin Buy n Sell kung saan kukuha ka ng isang goods sa isang lugar then ibabagsak mo sa ibang lugar. Di naman need ng malaking halaga dyan, matrabaho lang talaga.
Sikap, talino, Diskarte, dedikasyon, yan ang need para kumita ng malaki sa Pinas.