meron na 10k isang set na pc brad kung kukuha ka ng bulk sa mga supplier ganyan lalabas ang presyo. saka hindi naman kailangan na high-end ang mga unit, basta OK na for gaming purposes ay pasok na yun. siguro kung bibili ka ng isang set lang kaya na yung 12k kaya posibleng kayanin ng 10k each kapag madamihan ang binili lalo na kung 100pcs
Dami naman ng 100 pcs bro! XD
Siguro ok na ang 20 pcs sa panimula. Yun nga lang yang 10k na pc medyo mahina pa yan and baka di kayanin mga matitinding mga games. pero kung mga pang Dota2, LOL, CS:GO, mga ganyan kaya na yan. Marami ka pang gagastusin diyan bukod sa PC. Nag tayo kasi ako nyan, DOTA1 pa lang meron. Gagastos ka pa ng mga router, cables, tables, chairs, e-fan or aircon, etc. Mga 20k or mahigit pa magastos sa mga ganyan. Tapos internet pa.