Kung may isang milyon, di na ako mg bi-business. Ibibili ko na lahat ng bitcoin. Kung nagawa ko lang sana last year ng early february (lalo na kung nung 2012 pa), hay laki na ng tubo... tapos nasa bahay lang pa relax-relax, hindi pagod pero lumalago pera.
Lalo na yang sobrang gasgas na computer shop na yan.. kung lahat kayo nakatira lang sa isang baranggay at puro computer shop ang nasa isip nyong itayo, sa tingin nyo may tutubuin pa? Parang kabuting panay sulputan, makita lang ng isa na tinatao, computer shop na din ang itatayo. hay hinding hindi na ulit... wasted 3 years of my life running a shop para sa napakaliit na profit.. kulang pa pambayad sa bills, tax etc. sayang kung nalaman ko lang ng maaga ang bitcoin..
Malaki naman ang kita sa computer shop kaya lang hassle sa pagbabantay dapat kumuha ka ng bantay ng computer shop at ipwesto mo ito sa maraming taong lugar tulad ng school sure malaki ang kita mo dito.
May bantay naman ako nun... Maganda yung pwesto ko dati, tabi ng school, bandang Pasig area. well malakas nung una... puro estudyante costumers. So since maganda yung pwesto, medyo mataas ang rent ko sa place. Mga three months malakas pwera pag bakasyon. Yun nga lang after 3 months may nagtayong isa sa malapit, so medyo nahati costumers, at wala pang 1 year may tatlo pa na nagtayo, pababaan pa sila ng rates. So ayun walang choice kundi magbaba rin hanggang sa P10 na lang per hour. Malaki kuryente ko nasa 15K/month (20 computers). Dumagdag pa yung BIR, na pag hindi nag file ipa-paclose ang shop. Sa BIR pa lang ubos na kita. Kaya sinara ko na...
Gamer ako mga yr 2005-2007, nung nauso yung MU online at Ragnarok MMORPG, before ako nagtayo ng shop, madalas ako mag rent para mag games. Naisipan ko magtayo ng computer shop kasi tulad ng iba dito, yun din akala ko - kasi nakikita ko na malakas tska madaming tao palagi. Marami ako na meet in-game, mga guildmates na owner din ng computer shops.. nung nagkamustahan kami recently, puro nagsarado na rin sila, (employed na lang ngayun) found out, same reasons din kung bat sila nagsara.
Hmm..depende din naman kung pano kikita yung shop, kung hindi nagrerent, (sa bahay lang pwesto), o sa lugar na mura kuryente (provinces) o yung mga nka baligtad ang kuryente, tsaka hindi nagbabayad sa BIR... yun ang mga tumatabo ng pera hehehe
at yung walang kakumpetensya..