At tiyak dyan, yung mga ganyan tao eh talagang malaki ang pagisisi nila at hindi sila nagtiwala at hindi nag HODL dahil malamang kung sila ang early adopter mga self made milionaire na yang mga yan at generational wealth, at hindi na maghihirap pa. Kayal ang wala naman talagang nakaka alam ng mangyayari sa hinaharap kaya marami sa kanila ay talagang umalis sa bitcoin o nagiba ng investments at mangilan ngilan lang ang naiwan at ngayon ay malaki ang pasasalamat sa bitcoin.
Sang-ayon ako sa sinabi mo, lahat marahil sa kanila ay nagsisisi kapag naalala nila ang mga panahon na yan, sino ba naman ang mag-aakalang tataas ng todo ang price ni Bitcoin sa merkado na hindi nila inaasahan, baka iniisip pa ng iba na sana kung hindi nila binenta ay mayaman na sila ngayon.
lalo kung wala tayong kaalaman masyado tungkol sa Bitcoin at makikita mo na mabilis bumaba o umangat ang price. Mauunahan ka talaga ng pagduduga, kaya mas maigi na natuto tayo.
Kaya hindi man ako mapalad na makapag hold ng matagal at kumita ng malaki noon sa pagiging matiyagang maghintay, kahit papano may napatunguhan naman yung pag iinvest ko at ang importante hindi lugi.