Pages:
Author

Topic: Lumang post dati na hindi nagtiwala kay Bitcoin - page 2. (Read 395 times)

copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Pero sa kasalukuyan ang pagtanaw nalang sa naganap nung nakaraan ang kanilang magagawa at for sure yung iba naging matalino na at buo na ang tiwala kay bitcoin kaya maganda talaga na wag tayo mag pa apekto sa mga negatibong tao na nagtataboy satin dito o di kaya sa mga balitanh di maganda para di tayo mag sisi sa hinaharap.

Muntik na sana akong maging ganito yung tatanaw nlng sa nakaraan kung maaga akong nagduda sa Bitcoin.

Dumating ako sa punto dati around 2014-2015 na sobrang down sa Bitcoin dahil sa dami ng scam na naemcounter ko while sobrang hirap pa ng buhay ko noon. Madalas napupunta sa doubler, mlm ponzi, paluwagan at iba pang scam scheme ang pera ko na naipon ko sa mga PTC site at Faucet. May point pa na nainvest ko yung part ng pang review ko sa board exam sa online paluwagan sa facebook na hindi ko nabawi. Buti nlng talaga at considerate ang lola ko kaya nakapag board exam pa dn ako at nakapasa.

Nakahanap ako ng decent na trabaho and at the same time kumikita ako sa forum through bounty na inipon ko ng matagal hanggang tumaas yung crypto. This time hindi na ako sumasali sa kahit anong investment scheme at pure hold lang. Last na benta ko ng old holdings ko during 50K+ si Bitcoin. Ngayon back to ipon at holdings ulit ako gamit ang kita ko sa business na naipundar ko gamit yung kita ko sa Bitcoin. Target take profit ko naman now is above 100k.  Wink
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Hinde naten masisisi yung mga nauna dito sa market at nagbenta agad ng mga holdings nila kase wala naman kasiguraduhan si Bitcoin noon at risky talaga sya.

Yung mga nagtake ng risk at malaki ang cash buffer ang nagtagumpay since they can afford the risk and naniwala talaga sila sa kakayahan ni Bitcoin and nagresulta ito sa magandan success para sa kanila especially yung hanggang ngayon is naghohold pare ng Bitcoin.

Let's learn from this and let's continue to trust the process, panigurado hinde pa ito ang peak ni Bitcoin kaya hold lang.

Marahil isa rin tayo sa mga magsisi kung nagkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa Bitcoin noong 2011. Yung nga, wala tayong bolang crystal na mahuhulaan natin na ganito pala ang kahihinatnan ng bitcoin kaya pagsisi nalang ang magawa nila kung ni sampung bitcoin ay wala silang naipon noon hanggang ngayon.

Kaya kung may extra tayong pera dyan na hindi na talaga ginagamit na naka-impok lang sa banko, maganda i-conver nalang ito sa bitcoin or other cryptos na bet natin, yan ang lesson hehe.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Nakita ko rin yang post na yan, hehehe, technically, hindi naman sya mali, hindi na talagang mag $20.00 ang Bitcoin kasi tumaas ng tumaas na to at hindi na talaga maawat.

At tiyak dyan, yung mga ganyan tao eh talagang malaki ang pagisisi nila at hindi sila nagtiwala at hindi nag HODL dahil malamang kung sila ang early adopter mga self made milionaire na yang mga yan at generational wealth, at hindi na maghihirap pa. Kayal ang wala naman talagang nakaka alam ng mangyayari sa hinaharap kaya marami sa kanila ay talagang umalis sa bitcoin o nagiba ng investments at mangilan ngilan lang ang naiwan at ngayon ay malaki ang pasasalamat sa bitcoin.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Di din maiwasan ma frustrate ng mga tao gaya nya lalo na talaga kung dumanas sa matinding pagsubog ang bitcoin sa panahong yan kay siguro nag voice out lang sya ng frustration nya sa panahong yan para mabawasan ang inis sa nagaganap. At since gumagamit paman sya ng bitcoin until his last post o di kaya hanggang ngayon for sure naman na marami syang lesson na nakuha sa mga nakaraang nangyari at tsaka malamang sa malamang kumita na ang mga taong yan lalo na ilang beses na dumaan ang bull run at yung mga natuto sa nakaraang pagkakamali ay kumita ng malaki sa event na yan. Kaya sa kasalukuyan dapat talaga na matuto tayo sa mga pagkakamali nila at wag hayaan magpadala sa fud dahil malamang magsisi tayo kung hindi tayo nakapag hodl lalo na kung pumutok ulit si bitcoin at dadanas ng panibagong bullrun.
Tama ka kaibigan. Talagang napakahalaga na matuto tayo sa mga pangyayari sa nakaraan sa mundo ng cryptocurrency. Hindi maiiwasan ang mag-doubt at ma-frustrate, lalo na noong mga panahon na bago pa lang ang Bitcoin at hindi pa alam ng marami kung ano ang magiging takbo nito. Pero ngayon, habang lumalaki ang adoption at dumarami na ang mga success stories, mas naging malinaw na ang potensyal nito.

Ang mga taong naging early adopters at nagtiwala sa Bitcoin noong mga panahon na ito ay talagang swerteng napagtagumpayan ang mga pagsubok. Sana'y marami tayong natutunan sa kanilang karanasan at maging handa tayo para sa mga posibleng bull runs sa hinaharap.

Hindi rin maiiwasan ang mga negatibong komento at FUD  sa industriya ng cryptocurrency, ngunit mahalaga na tayo'y mag-ingat at magkaroon ng sapat na kaalaman bago tayo magdesisyon. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang mga pagkakamali ng iba at magkaroon ng pagkakataon na kumita sa pagtitiwala natin sa Bitcoin. Magpatuloy tayong magtangkilik at mag-aral sa mga pagbabago at pag-unlad sa mundo ng cryptocurrency.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”



Kitang kita naman sa Account name nya na hindi sya totoo sa bitcointalk career nya spelling pa lang eh mukhang madalian lang ang pag gawa ng name hehe,

Pero totoong usapan , hanggang ngayon naman meron pa ding mga pumapasok na ganito ang nagiging pananaw kasi depende sa kung sino at paano sila nakapasok or naipasok dito sa crypto investing.
may mga nasilaw (SINILAW) sa malalaking kitaan kaya ang nagiging labas eh aasa sila at pag nabigo sisisihin ang market or kung anong coins ang tinayaan nila.

siguro normal lang to at mananatiling ganito kahit kelan hangang magkaron ng mass adoption .
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Hinde naten masisisi yung mga nauna dito sa market at nagbenta agad ng mga holdings nila kase wala naman kasiguraduhan si Bitcoin noon at risky talaga sya.

Yung mga nagtake ng risk at malaki ang cash buffer ang nagtagumpay since they can afford the risk and naniwala talaga sila sa kakayahan ni Bitcoin and nagresulta ito sa magandan success para sa kanila especially yung hanggang ngayon is naghohold pare ng Bitcoin.

Let's learn from this and let's continue to trust the process, panigurado hinde pa ito ang peak ni Bitcoin kaya hold lang.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Kung 2011 pa lang nandito na sya, for sure nakapagresearch na yan kaya maaga nyang nadiscover BTC and forum. Parang normal lng naman na nagrant sya sa volatility ni BTC pero ang misleading kasi ng intention nya hahah parang into bitcoin sya pero kinoconvince yung ibang tao na magbenta nalang. FUD ba para sa iba. Tingin ko imposibleng hindi sya nakapaghold at kumita. Salute sa kanya, ang galing! Imagine hanggang ngayon, ang relevant pa rin ng post niya from 2011 haha ibang klaseng impact

Di din maiwasan ma frustrate ng mga tao gaya nya lalo na talaga kung dumanas sa matinding pagsubog ang bitcoin sa panahong yan kay siguro nag voice out lang sya ng frustration nya sa panahong yan para mabawasan ang inis sa nagaganap. At since gumagamit paman sya ng bitcoin until his last post o di kaya hanggang ngayon for sure naman na marami syang lesson na nakuha sa mga nakaraang nangyari at tsaka malamang sa malamang kumita na ang mga taong yan lalo na ilang beses na dumaan ang bull run at yung mga natuto sa nakaraang pagkakamali ay kumita ng malaki sa event na yan. Kaya sa kasalukuyan dapat talaga na matuto tayo sa mga pagkakamali nila at wag hayaan magpadala sa fud dahil malamang magsisi tayo kung hindi tayo nakapag hodl lalo na kung pumutok ulit si bitcoin at dadanas ng panibagong bullrun.
hero member
Activity: 2926
Merit: 567
Nasa panahon pa lang kasi na naeestablish ang presence ng Bitcoin, 2011 ang pinaka the best time na ma involve sa Cryptocurrency, kahit na talikuran mo ito as logn as na fofollow mo pa ang price pwede ka bumalik at mag hold kahit balikan mo sya ng 2013 pagkatapos mo syang iwan nung 2011 in profit ka pa rin sa hinaharap bukod doon yung nag post ay nagkaroon naman ng change of mind later based sa kanyang mga posts.

As long as malaki ang paniniwala sa panahon na discover mo ang bitcoin you will always in profit whatever year mo sya mafiscover meron nga na discover ang Bitcoin bago mag pandemic bumagsak ang Bitcoin pero nakakuha sua ng marami klaya nga in profit sya.

sr. member
Activity: 1498
Merit: 374
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Kung 2011 pa lang nandito na sya, for sure nakapagresearch na yan kaya maaga nyang nadiscover BTC and forum. Parang normal lng naman na nagrant sya sa volatility ni BTC pero ang misleading kasi ng intention nya hahah parang into bitcoin sya pero kinoconvince yung ibang tao na magbenta nalang. FUD ba para sa iba. Tingin ko imposibleng hindi sya nakapaghold at kumita. Salute sa kanya, ang galing! Imagine hanggang ngayon, ang relevant pa rin ng post niya from 2011 haha ibang klaseng impact
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Ito ang account nya ngayun matagal na sya di nag lologin dito sa Bitcointalk mag 12 years na at base doon sa nakalagay sa signature nya mukhang may shift sya ng mindset dahil sa nagbebenta sya ng e-book nya na tungkol sa Second Bitcoin bubble, hindi na natin alam kung nasaan na sya pero malamang nag profit sya sa Bitcoin dahil change of mindset.

Ma swerte yung mga unang nakadiscover o nag change ng mindset sa Bitcoin sa mga panahong yun malaki ang potential na income nila kahit ngayun ay hindi pa naman huli pwede pa naman tayo mag hold malaki pa rin ang potential ng Bitcoin.

Siguro napagtanto nya talaga na mali sya ng inaakala kaya nagbalik loob sya at malay natin pinagsisihan nya na ang pag dump ng bitcoin dati lalo na ngayong tumaas pa lalo ang presyo ng bitcoin at tsaka lumawak narin ang adoption nito.


For sure yung mga naniwala dyan at nagbenta agad dahil nag duda sila kay bitcoin dati ay may malaking pag sisisi lalo na nung nakita nila na lumampas pa dyan ang narating ni bitcoin at chance na nila sana maging milyonaryo ng walang kahirap hirap kung patuloy lang silang naniwala.
Sigurado. Pero aminin natin na nung mga panahon na yan hindi talaga maiwasan ang mag doubt dahil nagsisimula pa lang si Bitcoin. Kaya nga karamihan ay hindi bumili at nag-ipon o kung bumili man, nagbenta naman agad nung tumaas ng bahagya ang price.

Nung mag umpisa ako, nasa 15k php lang ang price ng 1 Bitcoin. At 1k php naman ang ETH. Sino ba namang mag-aakala di ba? Na magiging milyon pala ang halaga sa peso after few years. Pero nangyari na yun eh, hindi na maibabalik ang nakaraan so ang magagawa ko na lang ay hindi ulitin yung pagkakamali na yun. Fortunately may naipon na ko, ready na para sa susunod na bull run.

Oo nga eh di din natin talaga sila masisi na mag isip ng ganyan dahil siguro dumanas ng malaking dump ang bitcoin sa panahon na yan at frustrated na sya sa naganap kaya naisipang mag post ng ganyang bagay. Pero since nakita naman ng karamihan na sobrang laki ng potential ng bitcoin ay masasabi talaga natin na napaka swerte talaga ng mga tao noon lalo na kung nakapag imbak sila ng malakihang volume at naibenta ito dati nung pumutok ang presyo nito at narating ang panibagong all time high dahil malamang sa malamang biglang milyonaryo sila sa pangayayring yun.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Well nasa huli naman kasi talaga ang pagsisisi pero di rin naman talaga naten completely masisisi yung mga taong nag benta agad kasi nga bago pa lang at hindi pa nila alam at kabisado ang sistema so hirap din sila mag tiwala lalo na at natatagalan sila.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Dito natin nakikita ang mga naging kwento ng ibang tao kung ano ang pagka unawa nila sa Bitcoin lalo na noong unang yugto nito. Nakatutuwang isipin lang kung paano ito nagsimula bilang isang konsepto at kung gaano kabilis ito lumago at nag-evolve sa loob ng ilang taon. Marami talaga tayong maririnig ng mga ganitong kwento simula noon hanggang ngayon pero hindi dapat ito maging hadlang sa pagutkals ng mga bagong oportunidad.

Ang mga nagtitiwala kahit bumaba o tumaas man ang value nito ay ang patuloy na magkakaroon ng pagkakataon na magtagumpay, nandiyan ang kasabihan na Hindsight is 20/20. Kahit ako nagsisi din sa mga desisyong nagawa ko nung una pero ang mahalaga ay nandito pa rin at naka focus papunta sa future.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
For sure yung mga naniwala dyan at nagbenta agad dahil nag duda sila kay bitcoin dati ay may malaking pag sisisi lalo na nung nakita nila na lumampas pa dyan ang narating ni bitcoin at chance na nila sana maging milyonaryo ng walang kahirap hirap kung patuloy lang silang naniwala.
Sigurado. Pero aminin natin na nung mga panahon na yan hindi talaga maiwasan ang mag doubt dahil nagsisimula pa lang si Bitcoin. Kaya nga karamihan ay hindi bumili at nag-ipon o kung bumili man, nagbenta naman agad nung tumaas ng bahagya ang price.

Nung mag umpisa ako, nasa 15k php lang ang price ng 1 Bitcoin. At 1k php naman ang ETH. Sino ba namang mag-aakala di ba? Na magiging milyon pala ang halaga sa peso after few years. Pero nangyari na yun eh, hindi na maibabalik ang nakaraan so ang magagawa ko na lang ay hindi ulitin yung pagkakamali na yun. Fortunately may naipon na ko, ready na para sa susunod na bull run.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Catalog Websites
Kung titignan talaga naten ay sobrang laki na ng pinagbago ng Bitcoin kumpara dati , ang adaptasyon ng Bitcoin ay kumalat na, na kahit mga banko mga sa panahon naten ay sumusuporta na rin sa Bitcoin. Dati talaga ag sobrang hirap na magtiwala sa Bitcoin investment dahil wala namang proof of income, puro speculation lang ang presyo neto kaya hindi ka sigurado kung saan makakapunta ang pera mo. Kaya sobrang loyal ng mga naghohold dati dahil nagawa nilang maghold.

Yung tanong ko dito is kung buhay pa yung may-ari ng account na yan dito sa Bitcointalk forum? Sa tagal ng inactive baka gumawa na ng panibagong account yan at sa tingin ko ay kumita din ng malaki yung may-ari ng account na yan dahil sa (not sure if) "binebentang" e-books nya malay natin BTC din bayad nun. Parang manipulation ang dating ng post nya pwede rin na pure speculation lang pero sa time na yan if nagdump yung mga hodlers ng BTC napakasayang nun pero syempre di nga alam ang galaw ni Bitcoin dahil duda pa sila sa kakayahan ni BTC na umakyat.

Possible na patay na dahil marami talagang mga members matatanda na rin dito sa forum, kaya di na rin nakapagtataka kung inactive na yung mga account na matatagal na, if buhay pa siguro hindi lang talaga siguro siya naging active dito sa forum, dahil hindi naman na priority, kahit ako hindi na ko active dati buti nalang ay nahanapan ko pa ng oras dahil nagiinvest talaga ako.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Kung nandoon tayo sa panahon na yun possible rin siguro na magdududa tayo sa Bitcoin lalo-lalo na wala pa itong napatunayan o nagsisimula pa lamang. Pwede kasi na yung taong iyon ay nakabili ng Bitcoin near 20$ tapos bumaba ang presyo kaya nakapagpost sya ng ganito. Marami satin ang may ganitong pag-iisip, siguro dahil sa kakulangan sa disiplina at pasensya. Huwag nating hayaan na ang emosyon ang magdesisyon para sa atin. Maging positibo lang at magtiwala na sa anumang mangyari malalagpasan ni Bitcoin ang ATH at aabot ng $100k ang presyo.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Malamang yang tao na yan nung mga kapanahunan na yan ay talagang kritiko siya ni Bitcoin
Baliktad naman naiisip ko na hindi talaga siya kritiko pero parang napagod lang yan sa paghohold. Di ko pa na view profile niya pero puwedeng kritiko na siya talaga o baka ako naman ang tama na dating bitcoin holder at enthusiasts pero feeling niya walang pupuntahan ang effort niya.

at sang-ayon din ako na yung mga naniwala sa kanya din nung time na yan ay todo panghihinayang nila kung bakit sila naniwala sa account na yan. Hanggang ngayon naman ay madami parin ang hindi naniniwala sa bitcoin kahit na alam nilang madami ng mga tao ang nagadopt at namuhunan dito.
Parang yan ang sinaunang isa sa mga FUD na damay damay na kapag merong hindi magandang ideya sa kung ano ang lagay ng market, maghahanap ng madadamay. Kaya sa mga kababayan natin na madaling maapektuhan ng mga FUD dito sa market natin, huwag niyo masyadong intindihin yun at patuloy lang sa paghohold.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
Malamang yang tao na yan nung mga kapanahunan na yan ay talagang kritiko siya ni Bitcoin, at sang-ayon din ako na yung mga naniwala sa kanya din nung time na yan ay todo panghihinayang nila kung bakit sila naniwala sa account na yan. Hanggang ngayon naman ay madami parin ang hindi naniniwala sa bitcoin kahit na alam nilang madami ng mga tao ang nagadopt at namuhunan dito.

Alam mo naman ang mga tao sa mga kapanahunan ding ito, na kung saan ang mga tao dun lang bibili kung kelan mahal na si Bitcoin pero katulad ngayon na alam natin ito ang magandang pagkakataon na bumili ng Bitcoin ay hindi sila maniniwala at pagtatawanan at iignored pa nila pero pag andyan na umaarangkada na ay dun palang gagawa ng hakbang para bumili ng Bitcoin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Siguro kung ako nasa panahon na din yan baka isa din ako sa mga skeptics tungkol sa Bitcoin. Kasi ganun naman talaga na kapag puro negatives lang nakikita mo at parang hindi naman aahon ang value niya, ganyan nalang maiisip mo na tama yung naging desisyon mo na magbenta lahat ng hinohold mo. Pero sa panahon na yun, yun na pala yung pinakahuling beses mo na makakapagbenta ng isang bagsakan kasi hindi mo na maiisip bumili kasi nga medyo tumaas na price niya. Parang normal at madaming mga ganyang tao kahit nga noong nagsimula ako dito, may mga panahon na naiisip ko kung tama ba talaga na maghold ako, o tama ba itong pinasok ko pero sa awa naman ng Diyos, nagbubunga at mukhang tama ang naging desisyon ko.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Yung tanong ko dito is kung buhay pa yung may-ari ng account na yan dito sa Bitcointalk forum? Sa tagal ng inactive baka gumawa na ng panibagong account yan at sa tingin ko ay kumita din ng malaki yung may-ari ng account na yan dahil sa (not sure if) "binebentang" e-books nya malay natin BTC din bayad nun. Parang manipulation ang dating ng post nya pwede rin na pure speculation lang pero sa time na yan if nagdump yung mga hodlers ng BTC napakasayang nun pero syempre di nga alam ang galaw ni Bitcoin dahil duda pa sila sa kakayahan ni BTC na umakyat.

Panigurado yan, siguro nag rant lang siya sa account na yan sa napapansin niyang movement ni Bitcoin kasi nga nag invest din siya or nag hold. Pero matic yan laki din naging profit niyan kasi mag hohold yan for sure dahil nga sa reason na nakaside siya kay Bitcoin xd. Pero possible din na nagbibigay siya ng mga information na ganyan para magkaron ng fud eh kasi nga baka nga manipulation yan. Hirap din kasi alamin kakalabasan ni Bitcoin lalo na starting to rise palang siya before noong 2011. Sarap non kung nakapaghold kana super early that year kasi isang piraso palang milyonaryo kana.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
For sure yung mga naniwala dyan at nagbenta agad dahil nag duda sila kay bitcoin dati ay may malaking pag sisisi lalo na nung nakita nila na lumampas pa dyan ang narating ni bitcoin at chance na nila sana maging milyonaryo ng walang kahirap hirap kung patuloy lang silang naniwala.
Dami nila, pero probably bumalik din sila after some progress ng price ng bitcoin. Worst nun is yung mga nag store lang sila tapus decided to dump those PC including yung BTC na na-mine nila when Bitcoin can be mine by CPU to GPU (then ASIC now).
If mababalik lang yung time dapat by 2013 first year college days sana nalaman ko na Bitcoin kaso late na eh. Haha, Anyways, keep hodling nalang.
Paniguradong yan nga ang nangyari. Madami ang nagsisi ng umangat ang price ng Bitcoin na sa kalaunan ay balak nila na hindi na umulit sa pag-invest, pero dahil unti unting tumataas ang price nito, nag invest pa din sila. Kahit nung mga taong 2016-2018 madami ang sobrang nagsisi at nagpost sa social media ng kung ano anong hamon na kapag naabot ni Bitcoin ang mataas na price, ipapuputol ang daliri kuno. Nung tumaas na ito, nagsisi sila dahil inuna nila na hindi maniwala at magpost sa socmed kesa mag invest.
Pages:
Jump to: