ganyan naman ang mga pinoy e ayaw nila na may umaangat na kababayan nila gusto nila hinihila nila ito pababa, oo likas na inggetero at inggetera ang mga pilipino. hirap na rin gumawa ng mga bagong thread ngayon kasi wala ng maisip kung ano ang magandang pwedeng i topic na informative talaga sya Kapag ba ang isang tao ay concern at pinagsasabihan/pinapangaralan, ibig bang sabihin nito ay "crab mentality" o panghihila ng mga kapwa pinoy pababa?
Ang misleading kasi nung iba dito, yung iba kasi puro negative thoughts nalang ang binibigay kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan tapos sasabihing "crab mentality". Kung ang pagiging shitposter or spammer niyo sa forum ay isang malaking fact, wag kayong magalit. Kung iniisip niyo na sobrang galing na ng mga replies niyo or nakakatulong na, nagkakamali kayo dyan.
Kasi matagal na naming napapansin na most of the posters here are just rephrasing the reply of others. Hindi ko maisip kung hindi niyo kayang magbigay ng sariling opinyon sa bawat topic or sadyang tamad nalang at iniisip ang "post counts" for bounties. Kung iniisip niyo na makasarili, mapagmataas ang ibang tao dito dahil prangka sila, hindi sila ang mali. Ang paglalathala ng isang katotohanan ay hindi naging kamalian kundi para ito ay mamulat tayo na hindi pa natin kaya o gumawa ng isang magandang diskusyon sa bawat topic.
Kung tayo mismo marunong tumanggap ng isang "constructive criticism" maiiwasan natin ang pagiging negatibo magisip. Ako, nung Full member palang ako, never akong naiinggit sa mga taong "deserve" umangat. Bakit ka maiinggit sa taong wala namang ginawang masama sayo? Choice mo ding mainggit so sisihin mo sarili mo.
Tsaka sa mga replies na sobra sobra kung makaappreciate ng topic tapos nawalan na ng sariling opinyon. What's the sense of stating a reply if there's no important details in there? Like mema nalang sinasabi mo sa kada-topic na magrereply ka. Higit sa lahat, huwag din tayong hipokrito, yung iba dito hindi pa namumulat pero kung kagustuhan mo talagang umunlad, change! alam mo naman solusyon bakit hindi mo pa simulan.
At hindi ko lang din gusto ang pagiging hipokrito ng iba sapagkat ang daming sinasabi sa mga ganitong topics na kesyo magbago daw, improve daw pero pagdating na sa pagbabago hindi naman magawa sa sarili. Mahirap magpaka-peke, kaya wag niyo ng subukang magpanggap kasi basang basa na ang mga ganyang style. Ang daming pwedeng gawin para umunlad, proven na din yung iba pero katamaran pa rin ang nangingibabaw sa atin. Simpleng informative na contents na hindi pa nababasa ng iba, hirap na gawin, what more pagdating sa mataas na level?
" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."
sa tingin mo ba makakatulong ang ginagawa mong ito para malinis ang local board natin? Wag kang masyadong magmalinis nakita ko ang mga post mo mema poster ka lang. Hindi porket nagpost ka ng ganyan magkakaroon ka ng merits. Kung gusto mo makatulong mismong ikaw gumawa ng quality post.snip
Hindi ko akalain na may ganito kakitid mag-isip. Hindi naman considered as merit farmer ang isang tao kapag nag-post siya ng gusto niyang content right? Hindi naman lahat ng tao nagpopost dahil may kailangan sila pero syempre hindi mawawala yon kaso may part na ginagawa mo ito dahil isa na ito sa passion mo. Lahat naman ng tao dumaan sa shitposting dahil ignorante pa pagdating sa mga forum pero once na nagsimula ka na at namulat ka na sa katotohanan, that's the time na malalaman mong kailangan mong mag-post ng mga ganitong bagay.
If you see this as a trash content kasi sinabi mong "wag kang magmalinis", please check your posts too. Mabilis mag-back fire ang mga salita kaya pakiingat-ingatan.
Also, please use proper quoting. If ever na i-ququote mo yung buong content, it's better to use the reply button instead of quote kasi same lang yon, nakaabala lang ng ibang viewers. thanks!