Pages:
Author

Topic: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum. - page 2. (Read 574 times)

member
Activity: 214
Merit: 20
Siguro kailangan natin magsimula sa sarili natin bago sa iba tingnan natin ang mga post natin kung kanya anyaya ats.aka tingnan natin kung nasusunod natin lahat ang alituntunin ng forum para sa akin kasi hindi mahalaga kung ano ang iyong ranggo dito as long as may natutunan ka okay lang para sa akin ang forum naman talaga ay ginawa para may matutunan tayo tungkol sa gusto natin malaman sa blockchain, atsaka alam naman natin na madami talaga ang hindi fluent sa english at nahihirapan sila.

Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  Sad

Tama ka dyan sa paningin nila wala ng ginawang mabuti ang mga Pilipino sinasabihan tayong shitposter kahit yung ibang bansa hindi naman ganun kagaling sa pag eenglish okay lang sa kanila kaya yang badges para sa akin ay wala namang madudulot yan at hindi mababago ang tingin nila sa ating mga Pilipino at ang masama pa nito minamaliit tayo ng ibang lahi pero okay lang yan atlis pinapakita natin ang willingess natin sa ibang bagay sinusubukan natin kahit mahirap at kiankaya natin lahat na sa kabila ng panlalait nila satin nadito pa din tayo at tuloy sa hamon ng buhay.
full member
Activity: 816
Merit: 133
Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  Sad

Oo may mga bagay talaga tayo na hindi natin macocontrol, Tulad ng pagkakakilala sa atin, Masama man o mabuti. Pero hindi ito dahilan para mawalan tayo ng gana, sumabay sa agos o ipagwalang bahala nalang natin ito. Hindi man maganda ang tingin ng iba satin, sana gawin padin ang nararapat. Hindi lang para sa ikakaunlad ng sarili, pati nadin ang lahi natin.

Sa tingin ko lang simulan muna natin sa ating mga sarili ang pagbabago, Kasabay naman nito ang magiging ambag natin sa forum na ito.
full member
Activity: 462
Merit: 100
Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  Sad
newbie
Activity: 24
Merit: 0
Sa panahon ngayon, mahirap na talaga magtiwala pagdating sa online. Noong una nagdududa pa ko pero ng pinakita saken ng kaibigan ko yung tungkol nga dito ay totoo. Kaya yan ang naipasok ko kasi uso yung salitang scam pagdating dito. Mahirap na kasi magtiwala kaya bawasan natin yung mga scammers tsaka tulungan natin yung mga bago. Huwag nating abusuhin yung binibigay na merit, huwag nating ibully yung bagong sali. Sabi nga nila, Kung ayaw mong gawin nila sa iyo, wag mo nang gawin. 😁
newbie
Activity: 139
Merit: 0
Marami ng nakakita tungkol sa mga d magagandang ginagawa ng mga tao, halimbawa na lang yung namimigay ng merits pero inaabuso mo pa din, isa naman yung pagiging scammer, mahirap yan baka maban pa. Simply naman ang solusyon pero bakit mahirap gawin? Nakadepende sa tao kung panong paraan nya ito magagawan ng paraan. Unity po ang kailangan ng mga tao, tulungan po, huwag maging sugapa, tsaka disiplina  na lang po. Sabi nga sa netiquette, iaaply natin yung etiquette natin sa labas kapag nasa technology na kaharap natin. Be aware lang tsaka wag nating gawin sa kanila kung ayaw nating gawin nila sa atin yun.
Totoo yan nabalitaan korin yan sa iba kung kakilala na may mga pagkakataon na mamigay sila nang merits sa mga kakilala para mapataas ang mga ranks nila,,,ganyan ba dapat ang gawin? Di ba dapat sa mga may malalaking position lang awtomatiko sila magbibigay nang merits kapag karapat dapat talaga! Hindi sakung sinuman basta mas may pabor sa kanila paano na ang iba na naghihirap para magkaroon kahit isang merit lang,,isa itong pagkakamali at abuso talaga,pasensiya na po sanay maging tapat.
member
Activity: 448
Merit: 60
imagine me
>.<

May nabasa ako nito na translation na po sa tagalog pero hindi yata ito napapansin kung anu nga ba ang silbi nito maganda nmn ang pagkakagawa nya ng kanyang trans madali lng nmn intindihin po sa katunayan ito ang kanyang gawa https://bitcointalksearch.org/topic/m.43789565 akala kasi ng iba ay pag deleted lamang ng isang threads tulad ng nabasa ko sa comment sa kanyang threads

kailangan talaga natin mabasa ito ng maigi lalo na sa ating mga mamayan dito sa forum.


Yun may pinoy version na. Salamat at may pinoy na nagkaroon ng time na i-translate ito. Salamat din sayo sa pagbigay mo ng info, di ko napansin agad ito dahil bihira na akong bumisita sa sarili nating section.

EDIT:
Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. Wink

Sa totoo lang mga kababayan, medyo naumay ako sa kakareport sa mga spam bots na yun, kaya sa ngayon iba na lang ni-rereport ko. Mga naliligaw na lang na topic sa bitcoin discussion at economics section ang laman ng report history ko. Baka sabihin kasi ng moderator na sipsip ako. Cheesy
full member
Activity: 228
Merit: 101
Honestly, tayong mga pinoy yata yungmay mga ugaling ang hirap pasunurin unlike other ethnicities. Nagrereklamo tayo na ganito ganyan pero tayo mismo yung gumagawa. Hindi natin mababago tong forum na to ng basta basta, kelangan nating magkaisa na napakaimposible kasi yung iba ang titigas ng ulo, don kasi sila nagsstick sa salitang "pwede na".
full member
Activity: 680
Merit: 173
Giggity
Buti naman may aware din na kapwa ko pinoy sa mga ganyang reporting marami na rin kasing mga spammer na pinoy lalo na sa Altcoin board natin dito sa philippines board pare-parehas pa yung mga post nila at repetitive lang kaya kailangan tayo din ang maglinis sa kalat ng mga kababayan natin tsaka hindi narin masama kasi ang pagrereport ngayon ay magkakaroon ng parang insentives yung badge na tinutukoy mo kaya sana iwasan na natin kasi maraming maghahabol dun sa badge na yun at baka mareport ka pa.
jr. member
Activity: 322
Merit: 2
Hindi ko pa naranasan na mag report, pero ngayong nabasa ko to, ngayon ko mas nabigyang pansin na dapat ngang tulong tulong tayo sa paglilinis ng forum. Hindi lang pala basta makapag ambag ka sa forum, kundi maging sa pananatili ng kalinisan. Hindi gaanong na pigilan ng merit system ang mga shitposter, pero sa ganitong paraan, sa tingin ko mas malaki ang impact neto sa mga post ng bawat member sa forum na ito.
full member
Activity: 448
Merit: 110
Ginagawa ko din to minsan pero di ako strict na pag one line post report agad, I make sure ung mga nirereport ko totally wala talagang sense ung sinasabi. This is a good way to clean out forum, kahit na di sila na baban atleast na babawasan ung post nila na might conflict their post count during stake giving day. Kaya pag may nakita kayong non sense shit reply wag kayo matakot mag report kasi wala masama mag report.
hero member
Activity: 952
Merit: 515
Mainam na din po to para lahat tayo ay obligadong matuto para sa atin din naman ang lahat ng bagay na to eh para sa ikagaganda ng forum at para na din sa mga tao na umunlad sa pamamagitan ng pagbabasa ng maayos sa forum, dapat lang po na maging mahusay tayo sa ganitong kalakaran dahil magiging pang habang buhay na natin to.
copper member
Activity: 448
Merit: 110


Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit.


May nabasa ako nito na translation na po sa tagalog pero hindi yata ito napapansin kung anu nga ba ang silbi nito maganda nmn ang pagkakagawa nya ng kanyang trans madali lng nmn intindihin po sa katunayan ito ang kanyang gawa https://bitcointalksearch.org/topic/m.43789565 akala kasi ng iba ay pag deleted lamang ng isang threads tulad ng nabasa ko sa comment sa kanyang threads

kailangan talaga natin mabasa ito ng maigi lalo na sa ating mga mamayan dito sa forum.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Little_Mouse Campaign Management | OrangeFren.com
If you want to contribute thru reporting, go to the link in my personal text. The thread made by iasenko is for spambusters. They are reporting threads who in the Announcement Section. Just visit it.
newbie
Activity: 90
Merit: 0
Ganito nalang siguro gawin natin, marami nadin akong nakita kaya lang ini-ignore ko lang. Kahit papano kung gagawin natin to may maitutulong nadin tayo sa ikakalinis ng bitcointalk kahit walang merit ito nalang yung pang bawi natin sa mga bad record natin dito.
full member
Activity: 359
Merit: 102
we're Radio, online!
marameng salamat po sa inpormasyong ito at sa malinis na adhikain upang mapaganda po ang ating forum!
gayun din sa pag guide sa amin kung papaanu ang gagawin!
madalas din po kasi ako makakita ng ganyan..at nagkaroon po ako ng halimbawa para ndi ko magawa
ang mga gayong bagay na ginagawa ng iba!
makakaasa po kayo sa aming pakikiisa at supporta upang malinis ang forum na ito!
newbie
Activity: 39
Merit: 0
marami na ang nag lalabasan ngayon na mga bagong paraan upang malinis ang furom na ito. kailangan tayong mga Pinoy bigyan natin ng halaga itong furom at mag tulongan tayo na linisin ang bakas ng pagbibintang. Higit sa lahat ingatan natin na hindi ma ulit na mabahiran ulit ng mantsa itong furom na ito.
newbie
Activity: 24
Merit: 0
Marami ng nakakita tungkol sa mga d magagandang ginagawa ng mga tao, halimbawa na lang yung namimigay ng merits pero inaabuso mo pa din, isa naman yung pagiging scammer, mahirap yan baka maban pa. Simply naman ang solusyon pero bakit mahirap gawin? Nakadepende sa tao kung panong paraan nya ito magagawan ng paraan. Unity po ang kailangan ng mga tao, tulungan po, huwag maging sugapa, tsaka disiplina  na lang po. Sabi nga sa netiquette, iaaply natin yung etiquette natin sa labas kapag nasa technology na kaharap natin. Be aware lang tsaka wag nating gawin sa kanila kung ayaw nating gawin nila sa atin yun.
member
Activity: 448
Merit: 60
imagine me
May mga ilan na sa atin ang nakabalita patungkol sa mga di magagandang katangian ng mga pinoy sa forum. Hindi ko magawang ipagtanggol (who am I to defend us all?) tayong lahat dahil totoo at may mga ebidensya sila. Nariyan yung shitposter, bounty abuser, at merit abuser na nasobrahan ng init sa katawan.

Kahit bounty hunter ka na english carabao (meron po talaga na english carabao na nilampasan na ako sa rank pero madami ang nai-ambag), may paraan pa para masabi naman natin na may ambag din tayo dito sa forum.

Paano?

Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa report badges? May napupusuang report badge image si theymos at isa sa mga iyon ay gawa ng pinoy! Pakiusap, wag na po nating i-flood ang topic na iyon.

Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. Wink



Quick tip nalang sa pagreport mga kabayan kung paano ang magreport:

Paalala ko lang na maraming pwedeng i-report, at ang susunod ay isa lamang halimbawa.

Kapag may nakita kayong walang kwentang post, tulad ng "to the moon", "nice project", "your project looks cool, I will invest" or gaya nito:
I-click nyo lang ang "Report to moderator" at ilagay kung ano ang nilabag ng poster na iyon. Sa poster na ito, ilagay nyo sa "Enter comment" box ay - "Spam/Low value post. Does not add anything to the discussion." o di kaya ay "Unsubstantial post". Madalas ko gamitin ang huling salita, pero tignan nyo na lang kung nadelete na ng moderator iyon bukas o mamaya.

Kapag naka- 100+ reports na pala kayo ay makikita nyo na yung "good, bad, unhandled" na reports ninyo. At kapag nasa 300+ na reports ninyo, may access na kayo sa report history ninyo.


Eto nga pala report history ko kung may curious sa inyo:


Meron akong 3 bad reports at naalala ko pa yun, kaso wala sya sa listahan - lumitaw na sa listahan ko at nadagdagan na bad reports ko.

Sa mga nagbabalak na maging spam buster ng pinas, wag nyo na po asahan na tataas ang rank natin, bibigyan lang tayo ng badges. Pero kung masasabi nila na mga basura tayo sa forum, atleast mayroon tayong report badges, at maari na nating sabihin na -

" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."
Pages:
Jump to: