Sa ngayon madami ng paraan ang mga hackers para mag nakaw. Tulad sa gcash. Pero palagay ko sa yung sa gcash hack is sa may ari talaga ng gcash ang problema. Diba maraming online gambling ngayon at gamit lang gcash pwede ka na tumaya. Isa rin itong paraan para makuha ng hacker yung gcash account mo. Kapag wala ka masyadong alam sa internet security at kung saan2x ka lang naglalapag ng gcash mo eh malaking posibilidad na ma hack ka. Last 3 years ago ata nakapag try ako sa isang online casino. After ng registration magcacash in ka para makalaro ka sa game. Ang nakapagtataka lang eh parang ang daling manalo. Nag cash in ako 50 tapos wala pang 10 minutes almost 12k na pera ko. Tinry ko eh cash out ayun nang hingi ng otp at pin ng gcash para ma process daw yung withdrawal mo. Kung walang ka alam2x yung may ari ng gcash malamang binigay na niya yun. Buti na lang aware ako that time at binigay ko random numbers at pin. At nag success pa. Antayin lang daw yung pera within 24 hours.
Totoo yang nabanggit mo na yan, before kasi sinubukan ko rin magsugal via online, isa sa mga link ng influencers dito sa bansa natin. Nagsign-up ako tapos nung magtatop-up sana ako ng 200 mula sa gcash ko, hinihingi yung pin ng gcash ko, nung nabasa ko yun napamura ako at sa aking isipan nasabi ko scammer itong mga ungas nato.
Hindi ko na tinuloy yung pagtop-up ko ng 200 pesos, dahil aware ako na yung ibang mga casino walang ganung sistema na hinihingi yung pin or otp sa totoo lang at real talk. Ito yung bagay na hindi alam ng karamihan na hindi nila matanggap sa kanilang sarili na hindi daw nila yung ginawa pero sa katotohanan ay totoo naman na ginawa nila kaya sila nakompromiso sa kanilang account sa gcash.
Saka yung latest updates news dyan ngayon ay totoong yung mga link na natuklasang phishing ay nakitaan nila batay sa imbestigasyon ay halos karamihan ay galing sa mga online casino at dahil dun yung mga influencers ngayon na nageendorse ng mga gambling online ay iniimbestigahan narin ng ahensya ng gobyerno sa aking pagkakaalam.
Isa rin ako sa muntik nang magcash-in sa isang nahahype na casino site noon. Dahil nga masyadong matunog ito at sa curiosity na rin, sinubukan kong magcash-in at itry kung totoo bang kumikita talaga ng malaki ang mga influencers na napapanood kong nagpopromote nito pero nagulat ako nung hinihingi mismo ng site yung Gcash pin bago ka makapagdeposit. Natakot din ako at di ko na tinuloy ang pagdedeposit dito. Napakaraming scamming strategies na ngayon at sa kabila ng maraming paalala ay marami pa rin ang mga kababayan nating nabibiktima nito. Karamihan sa kanila ay hindi na rin nabibigyan ng justice yung pagkawala ng pera nila.
Pagdating naman sa mga charging outlets sa mall, nabalita nga rin na marami ang nabiktima ng hacking na ito. Sadyang patalino na nga ng patalino ang mga scammers at lahat talaga ng paraan para makanakaw ng pera ay ginagawa nila.
Sana nga ay hindi na maextend pa ulit ang simcard registration para naman kahit paano ay mabawasan na ang mga nangsscam through sms at sa kahit ano pang platforms. Habang humuhusay ang mga scammers dapat mas maging maingat din tayo at mas maging matalino dahil ang sakit din talaga sa pakiramdam na mawala na lang basta basta yung mga perang pinaghirapan natin.