Pages:
Author

Topic: Mag-ingat sa bagong paraan ng mga hacker at Scammer - page 3. (Read 483 times)

legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Nakakatakot talaga ang basta basta na lang magtiwal sa mga services na may posibility na maaccess ang ating mga information.  Kaya hangga't maari ay iwansa natin ang magcharge kung saan saan.  Mas maganda ngang bumili na lang ng mga power banks, hindi naman siya makain sa espayo dahil maliit lang namang ito at pwedeng pwedeng ilagay sa bulsa or sa bag kahit na maliit lang ito.

Mas mabuti na rin ang nag-iingat kesa ipagwalang bahala ang ganitong klase ng panghahack.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Sobrang daming way para ma hack tayo and yes I agree with public charging and public wifi, this is why hinde ren ako gumagamit ng mga ganito, though I think mas safe naman si iOs when it comes to this one pero para sure naren, better na wag na gamitin. Laking tulong sana ng mga charging port sa public places, pero dahil hinde naman ok ang security dito sa pinas kaya nakakatakoy ren gumamit nito.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Basta ang golden rule, huwag co-connect sa mga free at public wifi. Pati sa airport, hangga't maaari huwag na huwag gagamit ng ganun sa facility na mag-charge or kumonect sa kanilang WiFi.
Itong juice jacking, parang lately ko lang din siya nalaman. Dito na magsisilbi yung mga powerbanks natin na kapag lagi kang on the go at madalas ka malowbat sa kalsada, magbaon ka nalang ng powerbank at bumili. Mahirap na mahack sa ganyan lalo na kapag may mga crypto wallets ka sa phone mo at important files or messages.
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
1. Huwag basta-basta magchacharge sa mga hinuhulugan ng coins kung halimbawa man na nalowbat ka. Dahil meron tinatawag na paraan ng
   isang hacker na " Juice Jacking" na parang ang dating ay yung inaakala mong nagchacharge kalang ay yung pala hindi alam ng user na
   kinokopya o ninanakaw na pala ang data na meron ka sa iyong mobile phone. Mas maganda na magdala kana lang ng powerbank kesa yung
   yung ganitong paraan.

Napanood ko ito sa balita dati. Hindi ko lang matandaan kung global or local pero naaalala ko na nagtry yung reporter na icharge yung cellphone nyo dun sa setup ng ganitong juice jacking charge station at literal na kayang nakawin yung files ng phone dahil isa lng kasi ang charging at data port ng mga cp ngayon. Sobrang nakakatakot ito dahil madalas na ginagamit ang mga charging area kapag emergency lowbat kaya maraming gumagamit nito sa public.

Dapat magkaroon ng audit ang government para sa mga owner na pwede lng magtayo nito dahil proven na risky talaga ito sa publiko. Sa pagkakaalam ko ay pati mga bank details ay kayang nakawin king may mga online banking account na naka login sa cp. sobrang terror ng hacking method na ito dahil silent killer lang.
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
Hindi ba merong mga hinuhulugan ng coins sa mga convenient store kagaya ng 711 recharging mobile na hindi kita yung pinagsusuksukan nito ang nakausli lang ay yung pinaka connector nito para magkasya sa cellphone mo? Ito marahil yung Juice jacking na sinasabi na paraan ng hacker or scammer, dahil kuryente lang ang dumadaloy at walang humaharang.

Medyo delikado nga ito, at prone na mahack nga talaga ang mobile phone mo ng hindi namamalayan, pwedeng pagkatapos mong magcharge ay nakompromiso na ang mobile device mo ng hindi namamalayan.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
Dahil sa extension na binigay para sa Simcard registration ay nagkaroon parin ng pagkakataon ang mga opportunista na makapasok para nakawin ang mga importanteng files ng isang mobile users.

1. Huwag basta-basta magchacharge sa mga hinuhulugan ng coins kung halimbawa man na nalowbat ka. Dahil meron tinatawag na paraan ng
   isang hacker na " Juice Jacking" na parang ang dating ay yung inaakala mong nagchacharge kalang ay yung pala hindi alam ng user na
   kinokopya o ninanakaw na pala ang data na meron ka sa iyong mobile phone. Mas maganda na magdala kana lang ng powerbank kesa yung
   yung ganitong paraan.

2. Huwag karin basta-basta magkokonek ng data sa public free wifi dahil prone ito sa hacking or viruses.

3. Ito madalas ng paulit-ulit na sinasabi na huwag din basta-basta magkiclick ng mga link na pinoporward sayo sa FB or sa Messenger kahit pa
   ito ay pinadala sayo ng kamag-anak mo dahil posibleng ito ay phishing site.

Ilan lamang ito na dapat iwasan ng mga taong hindi pa aware sa paraan ng mga scammers at hackers, good luck at
magandang araw Wink
Pages:
Jump to: