Sa panahong gaya nito eh tinitingnan ko nalang ang Brighter side ng sitwasyon instead na malungkot at ma frustrate sa market movements.
mas pinipili ko nalang aralin now kung alin ang bagong currency or idadagdag ko sa holdings ko kasi wala din naman akong kailangan abangan na pagbebenta kasi matatagalan pa ang holdings ko kaya instead na pagbenta eh pagbili ang isipin natin.
Hindi pa ako ganon kagaling kumilatis ng mga bagong cryptocurrency kaya nag iistick muna ako sa mga top-performing coins, nakuha mo yung point kabayan na mas mainam ngayon na bumili ng mga cryptocurreny kesa magbenta. Alam naman natin marami ang nalugi dahil sa biglaang pagbagsak ng presyo ng bitcoin pero kung tutuusin maganda itong hudyat para makabili pa ng madaming bitcoin.
ganyan naman ang safer investing dito sa Crypto,sa Top currencies ka nalang mag rely dahil isang sablay mo lang sa pagpili ng risky altcoins eh malaki laking kawalan at matagal tagal na hintayan bago ka makabawi ulit.
Mukhang totoo nga na bearish market na ngayon at siguro magtatagal pa ito dahil sa mga factors na sinabi ni OP tulad ng COVID19 na patuloy pa ring nakaka apekto sa iba't-ibang bansa. Hindi ko na tuloy maisip kung ano magiging sitwasyong ng market ngayon na papalit na ang halving dahil base sa mga nakita ko maari daw itong maging hudyat sa pagtaas ng presyo ng bitcoin.
Halving is much awaited pero malalaman natin kung talagang magdudulot ito ng profit sa ating mga holders or sisirain ng Corona ang magandang inaasahan natin,though mahaba naman ang epekto ng Halving like 2017 na talagang pumalo na ang epekto nung nag Bermonths na pero nung simula eh halos walang magandang pag galaw.
Kumusta naman mga portfolio niyo? Dapat no need to panic talaga. I hope nakapag profit kayo sa pag SHORT ng market.
Medyo mapula-pula ang portfolio ko ngayon, at naka off na yung notification ng mga app na ganito dahil masakit makita na kada oras makikita mo yung presyo ng bitcoin ay pababa ng pababa.
I feel you guys dahil ganyan din ako,inalis ko na muna sa bookmark ko mga exchange na ginagamit kong silipan ng presyo at hindi ako nagbubukas ng coins.ph account ko para di ko din makita ung parte ng holdings ko na nasa wallet hahaha.