Pages:
Author

Topic: March 9 2020, ang Simula ng Bearish Season - page 2. (Read 294 times)

sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Nagulat ako sa sobrang pagbaba ng btc sa merkado netong nakaraang araw. Hindi maikakaila na sobrang affected ang market dahil sa big movement ng plus token na yan. Well, we've seen the worst bear before. Last year ay naranasan natin ang $3,000 price ng bitcoin pero hindi naman tayo nabahala dahil alam namin natin na hindi naman forever ang bearish moment ng market.
 
 Maaaring nagreready ang market para sa huge pump ma darating, iwasan natin ang mag panic mga kabayan. Madalas ang mga baguhan sa crypto trading ay napapasama sa agos ng trend na nagiging dahilan ng pagkatalo.
full member
Activity: 386
Merit: 104
IDENA.IO - Proof-Of-Person Blockchain
Magandang kaalaman ang ibinahagi mo Casdinyard. Tama ka maaring tuluyang bumaba ang BTC dahil sa mga nangyayari sa buong mundo sa kasalukuyan. Pero dahil konti lang ang bitcoins ko, nakikita ko rin itong magandang opportunity para maka-kalap pa ng mas maraming bitcoins.

Pero iniisip ko, hindi kaya ito ay perfect storm para mas lalo pang bumaba ang halaga ng bitcoin papunta sa mas mababa pa sa 3k usd? Since sinusuppress ng competisyon ng bitcoin -- ang fiat currency -- ang bitcoin at crypto in general sa pamamagitan ng pagpprint ng pera at manipulahin ang presyo ng bitcoin para ibagsak pa ito ng ibagsak. Since kaya naman nilang magprint ng magprint ng pera. Katulad na lang ng ginawa nila sa gold at silver, na nasuppress na ng husto ang pag-angat.

Saka, ito rin ay maaring patunay na ang bitcoin ay hindi natin maaring maituring na Safe Haven ng iyong pera. Dahil sumabay rin ang crypto sa pagbaba ng stocks sa pandaigdigang merkado.
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, hindi man kaaya aya itong topic ko, marahil kapupulutan parin sana ito ng aral para tayo'y mas maging matatag sa bitcoin at sa cryptocurrencies.

Ayon sa artikulong ito, marahil hindi maganda ang magiging performance ng bitcoin sa mga susunod na buwan dahil narin sa maraming factors gaya ng COVID-19, at sa pagkakawala ng mahigit kumulang 13000 Bitcoin batay sa topic na ito ng PLUS token Ponzi.

Pero kung pag babatayan natin, marahil mga fundamental analysis ang mga ito na isa sa mga factors ng market price change ng crypto.

Ayon sa dailyfx.com, maraming patterns ang nagpapahiwatig ng pag enter ng bearish season sa mga panahong ito gamit ang technical/market analysis ng graph ng bitcoin.

April 2 - March 9, 2020

December 1 - March 9, 2020

Parehas na hindi na break ng bitcoin ang 50 day moving average test na nagpapahiwatig ng patuloy na pag baba ng bitcoin. Maraming signal din ang nag sasabing downtrend ang bitcoin sa hindi nito pag break ng resistance para patuloy pang umangat.

Quote
On the other hand, any failure in closing below the low end of the zone signals bears reluctance. This could lead some of them to exit the market causing a rally towards the high end of the zone. Further close above that level could push the price even higher towards $9.579. Nevertheless, the weekly resistance level underscored on the chart should be kept in focus.


Sa katotohanan, wala naman tayong dapat na ipangamba kung ano ang kondisyon ng market ngayon. Kung marami man tayong hinohold na bitcoin, hindi pa tayo talo dahil hanggat nasatin pa ang mga ito, mananatiling may alas tayo sa hinaharap. Ang bear season or bear market ay maiging mag silbing daan para sa atin upang makapag invest ng mas maraming bitcoin at huwag gaanong isipin ang pagkatalo bagkus as itake itong oportunidad. Natatandaan ko, last year, ang price ng bitcoin ay bumaba sa 3000 dollars. tumataas ito sa madaling panahon at ganyan ka volatile ang bitcoin. Hanggat alam nating may rason para tayo ay mag invest, pag patuloy lang natin ito, lalo pa't malapit na ang bitcoin halving kung saan siguradong mag kakaroon ng scarcity sa bitcoin na nakukuha ng mga miners na magiging sanhi sa pagtaas ng presyo ng bitcoin sa matagal na panahon. Siguradong magkakaroon parin tayo ng kita kaya kinakailangan lamang natin na maniwala sa Bitcoin at i take ang bear season na ito bilang isang challenge sa ating pasensya.
Pages:
Jump to: