Hindi na sya prominent na scam na sya nakakaagtaka na di nya ito na forsee kasi pag ikaw isang kang famous vlogger ng Crypto alam mo ang mga kalakaran dito unfortunately nalusutan sya nito, pwede pa nga sya sisihin ng mga nag invest kasi platform nya at pangalan ang ginamit, kaya mahirap mah tiwala sa mga vlogger sa Crypto magaling sila mag hype ng mga project, na kalimitan nagiging scam o shitcoin.
Matagal na akong tumigil sa panonod sa kanila iba rin yung sarili mong analysis kaysa maniwala sa hype ng mga influencers.
Prominent lang sya sa mga taong walang alam sa mga gawain nya. Pero yung veterans na sa mundo ng crypto ay alam na mga galawan nya at puro hype lang naman alam nyan walang resibo na nilalabas. Kaya dapat talaga managot sya dyan at di pwedeng hindi dahil sa kanya kaya nagka interest ang mga taong yan na mag invest since nag tiwala sila dahil vlogger at partner nya yung nagpapatakbo nyan.
Naka deal ko itong si Marvin Favis dati sa mga crypto projects na gustong magpa promote sa Philippines market. Sobrang dali nyang mag accept ng mga crypto project deals as long na may bayad. Mabuti nlng talaga at mga legit project yung na deal ko sa kanya dati pero napansin ko na sobrang dami nya pinopromote na halos wala na syang pake kung scam or hindi basta may bayad sya.
Hindi din biro ang rate ng promotion nya kaya hindi na ako magugulat kung bakit sobrang laki ng money involved sa issue na ito. Ayoko syang ijudge since professional naman sya ka deal para imeet yung end goal sa side nya. Napansin ko lng talaga na careless sya pagdating sa mga kinukuha nyang project para I promote kaya maaari rin na may fault sya pero definitely hindi sya part ng scammer. Naging tool lng sya siguro ng mga scammer kagaya ng nangyari kay Yexel.
Ayun lang, kung careless sya kumilos at mag decide sa mga ganyan bagay, hindi nya deserve matawag na prominent crypto trader. Well, vinisit ko nga ang profile niya at kapansin pansin na wala manlang any proof ng kinita niya, more likely puro pang hihikayat lng ang ginagawa niya sa mga viewers, so hindi ko din sure kung totoo bang trader sya o baka naman mamaya ay paid ads lang ang ginagawa niya since malawak ang connections niya gawa ng mga social media platforms niya.
- Paid by ads lang talaga siya sa aking pagkakaalam mate, ikaw na nga mismo nagsabi wala naman siyang proof na naipakita simula pa nuon na talagang meron siyang kinikita na malaki sa trading, more on assessment at speculation nya na walang kwenta na pinaniwalaan naman ng karamihan ng viewers nya.
Kung kaya sa ngyaring yan talaga ay siya din ang sumira at nagpabagsak sa sarili sa totoo lang, sa social media siya nakilala at naging successful at hindi naman talaga sa Bitcoin na sinasabi nya, kaya for sure sa social media din siya babagsak ang career nya din sa huli.
Sila sila lang din nag lolokohan dyan at self proclaim prominent kuno na wala namang pipakita. Puro galawang networking lang talaga ang mga yan at kanya kanyang hype sa social media kaya sumikat. Kaya napatunayan talaga sa pangyayaring yan wala talaga syang kredibilidad at tanging panghuhugas kamay nalang ang magagawa nya para maka eskapo sa krimen na ginawa ng mga kasamahan nya.