I believe more on hugas kamay sya dito since ginamit nya ang influenced nya sa mga follower nya para maginvest while he was being paid by scammer to do so. May responsibility sya na paalalahanan ang mga follower nya and at the same time suriin mabuti ang project bago nya ipromote.
Maraming ganitong kaso sa US against sa mga artist at influencers dahils sa pagiging involved sa mga scam project gamit ang kanilang influence since hindi naman magiinvest ang mga tao kung hindi dahil sa kanila. Sa pagkakaalam ko ay sobrang daming mga scam project na ang napromote ng taong ito in the past pero patuloy pa dn sya dahil wala naman nagfifilie ng charges sa kanya. Kaya dapat talaga mas lalong humigpit ang batas para sa mga influencer lalo na yung mga nagpro2mote ng scam casino sa mga content nila.
Kaya nga for sure more on hugas kamay to since di na naman nila mahagilap yung taong tinuturo nila kaya rekta gawa paraan agad yan si Marvin Favis para palitawin na inosente sya at na scam rin, Pero for sure kasabwat talaga yan dahil matagal ng gawain ng mga loko-lokong yan.
Kaya dapat talaga ma dawit yan sa kaso lalo na involve talaga ang pangalan nya dyan at platform nya mismo ang ginamit para makapanghikayat ng mga tao na mag invest sa project ng taong yun.
Hindi na ako believe sa mga Crypto vloggers na yan, mula ng ma burnout ako sa DPET na dahil sa pag hype ng mga Crypto vloggers na yan ay naenganyo ako ng bumili ng 200 pesos bawat isang egg na kalaunan naging 3 piso na lang sa kapapaniwala ko sa kanila
. sobrang lalaki ng mga investment ng mga yan halos buong fortune na nila yan yung iba magtatrabaho pa sa ibang bansa.
Lesson learned sa ating lahat ito wag tayong papatol sa mga 10 to 25% profit lalo na sa trading kasi di naman sure at guranteed profit ang trading may talo din dito kasi kung very effective ang mga method nila di na sila mag rerecruit sariling pera na lang nila ang iinvest nila.
Wala din akong bilib sa mga crypto vloggers na yan, biglang litaw lang naman yan sa scene at kadalasan sa kanila ay galing sa networking at ginagamit lang nila ang crypto para makapang lamang ng kapwa. Kaya lesson learn talaga sa mga biktima to na hindi dapat magtiwala kahit na sino lalo na yung mga kagaya ng mga taong yan na walang ibang ginawa kundi mang hype lang sa social media.
Investing "entrepreneur" at "influencer" pero na scam sa typical investment scheme.
Ang malala pa, nagsama pa ng ibang tao dun sa investment scheme imbis na sinolo nalang. Sana bumagsak tong influencer na to para naman matuto ung mga influencer. Pero unfortunately makakalimutan rin lang ng mga tao to after a while.
Kung totoo man na scam sya malaking sampal talaga to sa reputation nya dahil napaka tanga naman nya na investment influencer/adviser kung na scam lang sya sa ganyang mga bagay.