.
Tama ka dyan. Pero, wala kasing specific guidelines para sa atin, and sa traders if may tax ba talaga to. Pero, sana to clear things out sana maglabas si BIR ng guidelines regarding trading in exchanges, tutal di na naman mangmang ang Pinas sa mga ganitong uri ng transaction.
The general rule is merong tax lahat ng income maliban na lang kung may batas na walang tax, yan ang nakasaad mismo sa National Internal Revenue Code ng Pilipinas. Ang hindi lang malinaw sa ngayon ay kung anong classification nito.
Kung sa mga mataas ang kita maaari pero kung tayo na maliliit lang ang kinikita gaya ko siguro dapat super liit lang if ever na magkaroon ng tax dito sa Pilipinas. Pero hindi pa ba sapat ang mga tax na binabayaran ng mga company na gumagamit ng bitcoin siguro naman like coins.ph ay may tax or permit silang binabayaran at doon pa lang ay okay na at hindi na sila maghahabol.
Magkaiba ang tax ng Coinsph at yung tax mo bilang crypto trader/investor.
I agree with what @mirakal just said na ang dapat patawan ng tax ay ang mga exchanges or the companies like coins.ph as they are the median on where we get our income from crypto. Getting some tax over every transactions from every individual will really benefit the government that much at yung na gain na tax saan naman nila gagamitin, if ever sa ikabubuti ng crypto industry dito sa Pinas then I have no grudge para dyan.
Hope that the government will give us the specific details how they'll entitled giving tax over crypto.
Magkakaiba ang klase ng tax. Meron ng business tax na pinapataw sa Coinsph. Iba naman ang para sa mga kinikita ng individual traders.
Sa ngayon tax free pa talaga sya even on stock market, so habang tax free pa sya enjoy lang muna naten and wag tayo masyadong mapressure kase ok naman ang government naten wag lang basta basta magtitiwala. Sa coins.ph wala naman tax na binabawas aside from their own fees and rates, and even banks kahit na alam nila na galing ito sa coins.ph wala naman silang binabawas so meaning we are still free from paying taxes.
Where did you get the idea na tax free ang income from stock market trading/investing? It is subject to Capital Gains Tax or Income Tax, or Percentage tax depending on the classification.
The law maybe silent on tax on income from cryptocurrencies but it does not mean na tax-exempt na siya. Kagaya ng sinabi ko sa previous comment,
lahat ng income ay subject sa tax maliban na lang kung merong batas na nagsasabing tax-exempt ito.
Hindi nga masyadong klaro ang binigay na laws ng BIR subalit ayon sa kanilang pamunuan na ang pag tatax sa crypto income ay naka depende sa kung papano kinlasify ng BIR ang iyong bitcoin transaction. Pde itong maging capital tax gains or income tax.
Actually wala pang regulation na nilabas ang BIR. Yung mga nabanggit sa article ay opinyon pa lang ng author sa mga posibleng classification ng bitcoin/crypto.