Wala talaga napupuntahan ang mga tax satin dito sa Pilipinas dahil karamihan ay sa bulsa lamang ng ahsensya napupunta kaya naman hindi natin ramdam kung saan nga ba napupunta ang mga ito .
Bigyan mo ako ng proof kabayan na walang napupuntahan ang tax sa Pilipinas. Kung wala, walang pinagkaiba to sa mga taong nagrerely sa gobyerno para guminhawa ang buhay.
Oo may kurapsyon at di mawawala yan. Lahat ng bansa may korapsyon. Pero para sabihin walang napupuntahan ang tax, mali iyon.
Mas maingay pa nga iyong mga di nagbabayad ng tax kaysa mayayaman. May narinig ba kayo na nagreklamo mga business tycoon sa Pilipinas na walang napupuntahan ang tax kahit milyon milyon binabayad nilang tax? Magbanat ng buto para may mapakain sa pamilya. Di sagot ng tax ang kakainin natin araw araw.
...mag susuffer yung mga maliliit na income.
I suggest pag-aralan mo iyong tax regarding sa maliliit ang income at business.
Regarding sa freelance, di ka rin magkakaroon ng tax kung di ka naman lalampas sa certain tier. Saka syempre aba naman ideclare mo iyong malaking kita mo sa crypto. Lowkey ka lang at kaunting diskarte.
pangatlo ay wala kang benefits na makukuha unless mag voluntary ka sa Philhealth, SSS etc.
Aba'y ang swerte pala ng mga freelancers kung may makukuha benefit sa SSS ng di nagvovoluntary. Nagbabayad kami ng tamang contribution tapos makikinabang mga di nagbabayad? lol.
Pero bottom line, di naman magkaka tax ang Bitcoin wag kayo mag-alala. Ang may tax iyong mga local exchanges. Kaya no wonder, lugi tayo sa rates lalo sa coins.ph. Sa atin pinapasa.