Author

Topic: Merit Tips by mk4 (Read 1070 times)

full member
Activity: 1344
Merit: 103
June 27, 2020, 11:07:20 AM
#34
Sa totoo lang may mga pilipino talagang sarili niya lang ang kanyang iniisip , nag iipon ng maraming bitcointalk account para sa limpak-limpak na salapi. Tapos nung nauso ang merit system maraming pinoy na nagbabatuhan ng kanilang merit kahit na wala naman mahahalagang naiambag sa komunidad .

Unfortunately may mga ganun nga talaga. Binigyan na nga ng magandang pagkakataong kumita ng extra dito sa forum, inabuso pa. Ayun na-chainban tuloy ung mga accounts(referring to the polar91[1] fiasco). Di pero ako magtataka kung may natira pang mga account niya dito. Hindi pero ako magtataka kung may natira pa siyang accounts dito at may mga bago pa. May mga hinala ako.


[1] https://bitcointalksearch.org/topic/a-large-farm-of-accounts-cheating-on-sig-campaigns-last-update-04142020-5238497
Mabuti nga at naging mahigpit na tong komunidad at magaganda na ang mga topics na binabato. Marami parin talagang mga multi accounts na di pa nahuhuli. Isang pagkakamali lang ng mga yan siguradong ubos accounts nila. Ako sa tagal na nahinto kailan lang ako ulit bumalik dito dahil sa hirap ng buhay ngayon at halos lahat tayo ay di pa nakakabalik sa mga trabaho. Pinasok ko ulit ang komunidad hindi lang para kumita pati narin may matutunan na bago sa ganitong aspeto. 
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
June 26, 2020, 01:18:39 AM
#33

Counted parin po ba yung account na na banned last year ? Matatawag parin po ba yung multiple account ?  Bago lang po kasi tong account ko na to . Since lock down nag bakasakali akong kumita kahit kakaunti sa hirap ng buhay ngayon pero na banned po yung account ko eh sayang lang po . Naabutan ko po yung jr member na wala pang merit .
Yeah, parang ganoon rin 'yong kalalabasan. Either way, it was yours pa rin kasi.

25. If you get banned (temporarily or permanently) and create a new account to continue posting / sending PMs, it's considered ban evasion. The only exception is creating a thread in Meta about your ban.
Quote
25. Bawal gumawa ng bagong account kung na ban ang main account ninyo. Ban Evasion yun.

Sorry to hear your situation, man. Pero mas better na i-discuss mo 'yong situation mo sa Meta. Instead na lumabag ka sa rules by ban evasion  Sad. Highlighted na sa color yellow 'yong punto ko. And one more thing, just my two cents lang, mas better if titingnan mo 'tong forum na 'to as forum, and not as something na pwede mo pagkakitaan though nandiyaan na 'yan opportunity na 'yan. Believe me, mas malayo mararating/maa-achieve mo if ganoon perspective mo  Wink.

Meta board: https://bitcointalk.org/index.php?board=24.0

Unofficial forum rules and guidlines:
newbie
Activity: 28
Merit: 0
June 25, 2020, 01:48:03 PM
#32
Maraming salamat sir Mk4 sa paalala sa aming mga bago dito sa forum. Sa totoo lang, nalaman ko itong forum na to sa mga kaibigan ko na panay post ng mga project na sa una'y hindi ko alam at akala ko ay spam lamang! Yon pala nasa world of cryptocurrency na pala ang mga kakilala ko at nasabi nila sa akin na gumawa daw ako ng account para makasali sa mga bounty task at airdrop (syempre para kumita ng extra rin gaya nila). Yes, totoo isa siguro ako sa mga tao na nag-aasam na kumita dito sa mundo ng crypto at sa pagsali sa mga bounty campaigns ng mga altcoins na lumalabas kada buwan. Nahinto nga ako gumamit nito kase naboboringan ako at parang ang daming kailangan para tumaas ang rank dito. I didn't realize na seryosohan na pala etong forum sa kanila at talagang kinikilala at forum na ito as a helping and knowledge forum. Mostly ang ganitong post ay masasabi ko na talagang mayroong passion ang sumulat at alam ang kahalagahan ng BITCOIN (cryptocurrency). Siguro nga at tama rin na i should give time myself to learn the process and be knowledgeable enough para makapagshare rin ako sa iba at matuto kasama ang mga tao dito sa forum.

Time na rin siguro to upgrade myself and get to used on this new system. Need talaga ng time and effort dito, lalong lalo na ang determinasyon at passion sa forum na ito para mas umunlad pa ako! Pero ok lang ba yun na magbigay ako ng opinyon ko sa mga topics kahit baguhan pa lang ako kahit na may konti knowledge ako sa topic na iyon? posible ba na may magreport sa akin? Maiba lang, pasensya na ohh at off-topic, ilan kase sa mga kaibigan ko ay totally banned na ang BTT, ngunit wala naman daw silang ginagawang iba or mali.



mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 25, 2020, 11:50:48 AM
#31
Sa totoo lang may mga pilipino talagang sarili niya lang ang kanyang iniisip , nag iipon ng maraming bitcointalk account para sa limpak-limpak na salapi. Tapos nung nauso ang merit system maraming pinoy na nagbabatuhan ng kanilang merit kahit na wala naman mahahalagang naiambag sa komunidad .

Unfortunately may mga ganun nga talaga. Binigyan na nga ng magandang pagkakataong kumita ng extra dito sa forum, inabuso pa. Ayun na-chainban tuloy ung mga accounts(referring to the polar91[1] fiasco). Di pero ako magtataka kung may natira pang mga account niya dito. Hindi pero ako magtataka kung may natira pa siyang accounts dito at may mga bago pa. May mga hinala ako.


[1] https://bitcointalksearch.org/topic/a-large-farm-of-accounts-cheating-on-sig-campaigns-last-update-04142020-5238497
full member
Activity: 1344
Merit: 103
June 24, 2020, 03:10:28 PM
#30
Sa totoo lang may mga pilipino talagang sarili niya lang ang kanyang iniisip , nag iipon ng maraming bitcointalk account para sa limpak-limpak na salapi. Tapos nung nauso ang merit system maraming pinoy na nagbabatuhan ng kanilang merit kahit na wala naman mahahalagang naiambag sa komunidad . Kay mk4 maganda tong tips mo para naman malaman ng mga pinoy ang kahalagahan ng komunidad hindi puro pang aabuso sa mga website na alam nilang makukulimbatan nila ng salapi. Hindi ko na pahahabain magbasa basa lang tayo sa mga threads na magbibigay satin ng kaalaman.
newbie
Activity: 2
Merit: 0
June 24, 2020, 12:25:37 PM
#29
I share ko lang yung kakaunting kwento ko tungkol sa bitcoin . Mayroon akong kaibigan hindi naman totaly na kaibigan . Medyo close lang kami . Pumutok yung  pangalan nya dito sa lugar namin kasi medyo malaki nga daw kinikita nya dito sa forum na to almost 200k every 8 months . Nag tanong ako kung paano . Tinuruan naman nya ako ng bahagya pero hindi parin ako satisfied . Ang sabi nya sakin mag hanap daw ako ng mag hanap ng bounty campaign eto na nga . Naka hanap mga ako ng bounty campaign at sumali ako . Hindi nag tagal na ban account ko kasi hindi ako masyado na inform . Another account nanaman . Hindi parin nag tagal . Hangang sa tinamad na ako at eto nag babalik . Sa loob ng 3 months quarantine nag babasa basa ako ng forum kasi nga naiinganyo talaga akong kumita ng malaki . Pero sa loob loob ko paano ako kikita ng malaki kung hindi ako marunong . Kaya eto ako ngayon basa dito basa doon kung paano maging isang legendary member . Pero kung papalarin naman akong kumita ng malaki salamat . Pero hindi ko gagayahin yung kaibigan ko na napunta lang sa wala yung kinikita nya . Sana ganon din yung ibang kumikita dito sa forum na to . Wag sayangin kung anong binibigay ni god na biyaya .

Maraming salamat sa inyo . Stay safe godbless all
newbie
Activity: 66
Merit: 0
June 20, 2020, 07:02:53 PM
#28
may merit o wala ang mahalaga andito padin tayo sa community na to... minsan lang ako mapadaan dito kasi napapansin ko mema lang talaga yung ibang thread yaan niyo minsan gagawa ako ng topic na tatak at tatambayan yung tipong ano na bang bago? online kaya si ganito? makapagbasa nga ng latest news? basta ganun hintay hintay lang kayo! Wink
sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
June 18, 2020, 08:29:18 AM
#27
Sa totoo lang naninibago ako sa merit2x na yan. Pasensya at kakabalik ko lang dito sa forum
 Masasabi ko namang tama ang mga tips mo kaibigan, lalo na't marami rin ang mga kagaya kong medyo hirap magpataas ng merit. Ang iba kasing mga posts na nakikita ko parang pinilit lang nila para ma boost yung post counts plus may masabi lang(di ko naman nilalahat). Kadalasan din kasi mahirap makipag kumpetensya ng mga topics dahil karamihan ay nailagay na dito sa forum.
When it was first introduced sa forum, nalungkot ako at first syempre hindi pa ko naging hero member before or legendary member kasi pangarap ko talaga yun na rank kahit sino naman siguro pero I realized na hindi yun ang main point ng forum na ito, it was more of the rank that we are getting it was the quality of the forum. I barely remember when it was launched noong 2018 pa yata, marami siguro nakapansin sa atin kung paano nag boom ang crypto that time kaya naman tinake advantage ng iba itong forum para sumali sa mga bounty camps. That time rin naglipana ang mga ban appeals dahil sa hindi constructive na post kumbaga mema posts lang. (sorry taglish )
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
June 16, 2020, 05:12:17 AM
#26
Maganda tong sinimulan mong thread paps, napaka fair and square, at masasagot yung mga tabong ng mga baguhan at isama mo na kaming matatagal na rin, napaka straight forward ng detalye may hugot na pasok sa banga talaga, sa totoo lang ang bitcointalk ay ginawa talaga para pagusapan ang bitcoin at teknolohiyang bigay nito, secondary na lang ang kitaan, di ka dapat magpa rank dahil may kita, dapat ka talagang mag rank na maging taga ka sa panahon sabi nga ng matatanda. Anyway let us support this thread, karapat dapat bigyan ng merit. Ayos to!!
sr. member
Activity: 728
Merit: 266
June 15, 2020, 11:32:30 PM
#25


          Sa totoo lang naninibago ako sa merit2x na yan. Pasensya at kakabalik ko lang dito sa forum
 Masasabi ko namang tama ang mga tips mo kaibigan, lalo na't marami rin ang mga kagaya kong medyo hirap magpataas ng merit. Ang iba kasing mga posts na nakikita ko parang pinilit lang nila para ma boost yung post counts plus may masabi lang(di ko naman nilalahat). Kadalasan din kasi mahirap makipag kumpetensya ng mga topics dahil karamihan ay nailagay na dito sa forum.
newbie
Activity: 46
Merit: 0
June 14, 2020, 02:59:35 AM
#24
maraming salamat sa tip  bilang baguhan siskapin ko na meron matutunan para na din sa sarili ko at sa ikakalawak ng kaalaman ko tungkol sa bitcoin dahil sa ngayon wala pa talaga ako alam sana matuto din ako mag trading yon talaga ang gusto ko matutunan.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
June 01, 2020, 02:26:31 AM
#23
Dati rati napaka active ko dito sa local board natin(ninyo), but after a while I got used to seeing repeated posts mostly none that interests me as the topics or posts were about lifestyle and shit I don't really care about.
So to see this thread, just from the OP that is well-prepared, something that has been thought before posted, I can't help but thank the author for his initiative to improve.

Although medyo nakakabigla lang na hindi pala welcome ang aking pasasalamat, at nadelete ang aking post.



Dahil dyan, nais ko sanang matanong kung bakit nadelete, I'm doing this not only to contest the deletion of my post but to have an idea of what I should not be doing in regards to my post.

My assumptions of what could have been wrong with my post:

-merit would have been enough to show appreciation.
-very short post.
-or just because some people can just do whatever they want?

Salamat po.
I am not sure pero baka siguro dito, kabayan?



You can find it sa pinned post ni Mr.Big, here  Smiley
Or kung hindi man, you can have a quick skim sa Unofficial Forum Rules & Guidelines translated by nc50lc, here. Pinned post na rin pala siya.


Sorry a bit off-topic, don't feel bad kabayan everybody is welcome here naman anyway  Wink
sr. member
Activity: 1764
Merit: 373
<------
June 01, 2020, 01:02:21 AM
#22
Dati rati napaka active ko dito sa local board natin(ninyo), but after a while I got used to seeing repeated posts mostly none that interests me as the topics or posts were about lifestyle and shit I don't really care about.
So to see this thread, just from the OP that is well-prepared, something that has been thought before posted, I can't help but thank the author for his initiative to improve.

Although medyo nakakabigla lang na hindi pala welcome ang aking pasasalamat, at nadelete ang aking post.



Dahil dyan, nais ko sanang matanong kung bakit nadelete, I'm doing this not only to contest the deletion of my post but to have an idea of what I should not be doing in regards to my post.

My assumptions of what could have been wrong with my post:

-merit would have been enough to show appreciation.
-very short post.
-or just because some people can just do whatever they want?

Salamat po.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
May 22, 2020, 11:57:49 AM
#21
Also, mahahalata ng ibang members kapag non-sense ang sinasabi mo kasi karamihan na ng members sa local ay nag-iimprove na hindi katulad dati na pati brand ng cellphone at laptop pinaguusapan dito (isa na rin ako sa mga nag-participate sa discussion na 'yon since wala pala talaga akong idea dati).
Actually ung mga discussions about cellphones at laptops e mejo mga ok pang topics un kahit papaano eh(though mostly off-topic siya). No joke, merong mga topic e ang pinag uusapan kung ano ung inulam nila nung araw na un, kaya rin mejo naghigpit dito thanfully. Nagmukhang cryptotalk ung Pilipinas section nung time na un.
Yes, pero puro suggestion lang naman ng magandang phone and laptop without explaining bakit yun yung napili nila, just stating na maganda at okay kaya di rin oks yung ganong thread dati. Pero buti nalang mas naging active lalo yung moderators to remove those irrelevant at naging makatotohanan ang pag-delete ng mga non-bitcoin topics dito sa local natin. Kung ico-compare nga ang 2017 era which is yung taon na newbie palang ako at yung taon ngayon, sobrang laki ng difference, mas tumaas nga ang quality ng posting dito sa pinas, hindi lang dito kasi halos lahat ng participants ay sobrang nag-improve when it comes to posting dahil siguro sa pagkakaroon ng standard. 
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 22, 2020, 11:09:59 AM
#20
Also, mahahalata ng ibang members kapag non-sense ang sinasabi mo kasi karamihan na ng members sa local ay nag-iimprove na hindi katulad dati na pati brand ng cellphone at laptop pinaguusapan dito (isa na rin ako sa mga nag-participate sa discussion na 'yon since wala pala talaga akong idea dati).

Actually ung mga discussions about cellphones at laptops e mejo mga ok pang topics un kahit papaano eh(though mostly off-topic siya). No joke, merong mga topic e ang pinag uusapan kung ano ung inulam nila nung araw na un, kaya rin mejo naghigpit dito thanfully. Nagmukhang cryptotalk ung Pilipinas section nung time na un.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
May 21, 2020, 06:32:51 PM
#19
Nice tip you got there. This will make things more standard at mas klaro, dadami ang candidate for receiving a merit if ia-apply nila ito. Pero in the end, sa atin pa rin nakadepende if gusto natin bigyan or hindi since may iba't iba tayong preference sa pagbibigay.

If you need to try so hard to earn merits, most likely baka hindi ka qualified to earn merits in the first place. Kung mapapansin niyo, ung mga ibang malalaki ang merit count sa Bitcointalk, parang ang casual lang silang nagpopost pero angdaming nagbabato sakanila ng merits. Bakit? Simply dahil mataas ang kaalaman nila tungkol sa Bitcoin to the point na magaganda lahat ng sagot nila tungkol sa mga topics kahit walang ka effort effort ang pagsagot nila.
Sa totoo lang kung magiging newbie lang ako ulit at alam kong wala pa akong ka-alaman sa mga topic na binabasa ko hindi ko talaga pag-pipilitan ang sarili ko na makisama sa conversation na iyon. Kung ako naging newbie ulit hindi ko susubukan mag-post kaagad at ang una kong gagawin is mag-basa ng mag-basa lalong lalo na ang mga reply, pagka hindi ko naintindihan mga sinasabi nila simpleng Google search lang o di kaya forum search para maunawaan ko yung sinasabi nila. Hindi ko din susubukan gumawa ng sarili kong topic pagka meron ng gumawa nito o similar sa gagawin ko dahil gagawa lang ako ng duplicate topic na parang madalas natin nakikita tulad ng "Bitcoin is the new Gold" o "Bitcoin is a Bubble", madalas na ginagawa ito ng mga newbie na gumawa sila ng sarili nilang topic pagka wala na silang ma-ipost which is a wrong move dahil yung mga topic na ito madalas na nagiging megathread na worthless ang value para sa forum. Tandaan nalang na kaalaman talaga ang susi dito para ma-appreciate ka at maintindihan ng ibang mga miyembro dito, if agree sila sa point mo dun ka mataas ang chance mo magka merit pero don't always expect one.
Same with me, dati kasi nung newbie ako, my only intention is to rank up really fast by making simple posts at pinagsisihan ko yon, mas okay magpa-rank up using the new system na may merits kasi don malalaman na dedicated ka talaga ma-reach yung goal mo. Kaya if ever na may nagtatanong sa akin kung paano ang unang interaction dito sa forum, I suggest na i-explore muna nila before making an act kasi napapaghalataan na gusto agad nila kumita agad dito if nagmamadali sila. Patagal ng patagal, mas narerealize ko na mas okay na may baon ka talagang kaalaman. This is the reason why the forum is created, to spread more information na hindi common and innovative ideas regarding bitcoin, madedefeat ang purpose ng forum if your intention here is the profit only. Also, mahahalata ng ibang members kapag non-sense ang sinasabi mo kasi karamihan na ng members sa local ay nag-iimprove na hindi katulad dati na pati brand ng cellphone at laptop pinaguusapan dito (isa na rin ako sa mga nag-participate sa discussion na 'yon since wala pala talaga akong idea dati).
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 17, 2020, 02:53:33 AM
#18
And yung little knowledge ay hindi naman talaga hindrance kung gusto mo matuto at kumita dito sa forum. Kasi lahat naman tayo ay nagsimula sa wala at kakaunti lang ang alam. Kung bibigyan lang ng oras at passion yung pag-aaral about crypto and blockchain, matututo at matututo ka. Hindi pwedeng dahilan yung wala kang alam.

And to be honest, para sakin hindi naman dapat minamadali ang pag earn ng merits. Kasi kusa namang dumadating yan.

Yeap, very unfortunate. It's the same reason kung bakit wala masyadong negosyanteng pilipino(though of course it applies to almost everyone, not only filipinos), it's mostly because of impatience. Gusto ng karamihan makuha agad ung pera ASAP. Kaya marami saatin ang nabibiktima sa mga "invest xxxx and earn 2x profit weekly" schemes.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
May 17, 2020, 02:02:24 AM
#17
I really agree with you op. And para sakin, it's not even that harsh. It's the reality. And yung little knowledge ay hindi naman talaga hindrance kung gusto mo matuto at kumita dito sa forum. Kasi lahat naman tayo ay nagsimula sa wala at kakaunti lang ang alam. Kung bibigyan lang ng oras at passion yung pag-aaral about crypto and blockchain, matututo at matututo ka. Hindi pwedeng dahilan yung wala kang alam.

And to be honest, para sakin hindi naman dapat minamadali ang pag earn ng merits. Kasi kusa namang dumadating yan. Tulad ng sabi ni op, kung deserve mo, deserve mo. Yung past issue, pwede syang makaapekto sa image ng mga Filipino users dito sa forum, kaya dapat talaga ay matuto na tayo about dito. Kung natutulungan tayo ng forum financially, wag naman natin itong sagarin na tipong nilalabag na natin yung rules para lang sa sarili nating benefit.



hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 15, 2020, 04:50:51 PM
#16
If you need to try so hard to earn merits, most likely baka hindi ka qualified to earn merits in the first place. Kung mapapansin niyo, ung mga ibang malalaki ang merit count sa Bitcointalk, parang ang casual lang silang nagpopost pero angdaming nagbabato sakanila ng merits. Bakit? Simply dahil mataas ang kaalaman nila tungkol sa Bitcoin to the point na magaganda lahat ng sagot nila tungkol sa mga topics kahit walang ka effort effort ang pagsagot nila.

Sa totoo lang kung magiging newbie lang ako ulit at alam kong wala pa akong ka-alaman sa mga topic na binabasa ko hindi ko talaga pag-pipilitan ang sarili ko na makisama sa conversation na iyon. Kung ako naging newbie ulit hindi ko susubukan mag-post kaagad at ang una kong gagawin is mag-basa ng mag-basa lalong lalo na ang mga reply, pagka hindi ko naintindihan mga sinasabi nila simpleng Google search lang o di kaya forum search para maunawaan ko yung sinasabi nila. Hindi ko din susubukan gumawa ng sarili kong topic pagka meron ng gumawa nito o similar sa gagawin ko dahil gagawa lang ako ng duplicate topic na parang madalas natin nakikita tulad ng "Bitcoin is the new Gold" o "Bitcoin is a Bubble", madalas na ginagawa ito ng mga newbie na gumawa sila ng sarili nilang topic pagka wala na silang ma-ipost which is a wrong move dahil yung mga topic na ito madalas na nagiging megathread na worthless ang value para sa forum. Tandaan nalang na kaalaman talaga ang susi dito para ma-appreciate ka at maintindihan ng ibang mga miyembro dito, if agree sila sa point mo dun ka mataas ang chance mo magka merit pero don't always expect one.

Anyway, eto na ang iilang tips:
~snip

Katulad ng sinabi ko sa tingin ko dapat kasama sa mga rules dito pandagdag is yung mga megathread. Merits sa megathread are almost non-existent unang una sa lahat is madaming merit source if not most hindi bumibisita o nakikisali sa megathread. Pangalawa yung mga topic na ito ay common kaya nakakagawa ng mga generic answers/post kaya yung magiging mga post mo kung hindi pa na na-sagot ay may kaparehas ka. At para sa mga newbie wala kang matututunan sa mga megathread na ito kasi puro mga post na walang sense ang makikita mo dito. I would also recommend avoiding megathreads in general para ma-save niyo oras ninyo.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
May 15, 2020, 01:35:22 AM
#15
3. Make your posts in-depth, but not unnecessarily long.
(With all due respect, op. Maybe you meant "not necessarily". I just noticed a bit of redundancy there. Peace.)

In this case both "not unnecessarily long" and "not necessarily long" are actually viable.


Oh. I see. I'm not a grammar expert as well. It's just that I am not used to seeing sentences using such that's why I noticed it. And to my surprise, using "not unnecessarily long" or "not necessarily long" are both grammatically correct. (I checked using gingersoftware.com)


My apologies. I guess I just have to know when to use them. Anyways, thanks op. May natutunan ako today. Cheesy
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 15, 2020, 12:20:23 AM
#14
3. Make your posts in-depth, but not unnecessarily long.
(With all due respect, op. Maybe you meant "not necessarily". I just noticed a bit of redundancy there. Peace.)

In this case both "not unnecessarily long" and "not necessarily long" are actually viable.

And since I'm in no way an English/grammar expert, I did a bit of research nalang to confirm if I'm right/wrong and it looks like my statement was fine. If I misunderstood what you're trying to say feel free to correct me.

Two formal books that used the same statements. Click on the screenshots to view the link.

legendary
Activity: 2562
Merit: 1177
Telegram: @julerz12
May 14, 2020, 10:30:12 PM
#13
You can also add these to the list.

  • Read and Understand.
    Karamihan sa mga shitposts, nanggagaling sa mga posters na nagpopost agad-agad without even reading the entirety of the topic/thread.
    People need to understand na may mga users dito sa forum na sadyang iba ang nilalagay sa topic title sa kung ano ang topic mismo ng thread.
    Most shitposters kasi, topic title lang binabasa; ang resulta, redundant post, or napaka-off topic na reply. 
    Kaya if you want a high possibility of gaining merits, make sure to read and understand the topic you're responding to first.
  • Reply only on topics that interests you.
    There's nothing wrong with learning more, pero kung nagsisimula ka pa 'lang, it's best to post and reply only on topic na kung saan ay may interest ka, sa topic na knowledgeable kana.
    This may be a "Bitcoin" forum but there's a ton of other topics in this forum that tackles different niche and interests. Search around.  Wink
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
May 14, 2020, 09:41:22 PM
#12
I have read other posts na din regarding merits and how to earn such pero I think iba pa din talaga kapag galing sa kapwa Pinoy. Primarily because mas madaling maunawaan yung mensahe na nais iparating.

This is really helpful and if you don't mind guys, I'll just add some of my thoughts. Smiley


1. Know little to nothing about Bitcoin? Go do some research first. . . .
Kung tingin mong kailangan mo maging expert sa Bitcoin para kumita ng merits, nope. You only need to know enough.
I remember the first time I joined this forum, I was clueless. I knew nothing, not even a single fact, about bitcoin. So I did my research. As op have said, the basics. Dun lang muna ako sa kaya kong maintindihan. Step-by-step kumbaga. Kasi, along the way naman, madadagdagan ang mga matutunan mo through your interaction with other forum members.


2. Add your sources. . . Though syempre, piliin niyo rin ung sources niyo. Wag ung kung ano anong random website lang.
Another important fact! Sources make your post more reliable and believable. Aside from that, kung di naman sa utak mo originally nanggaling yung idea, might as well recognize the author or the website para naman di tayo maakusahan ng plagiarism. Also, learn how to paraphrase. Don't depend solely on copy-paste.


3. Make your posts in-depth, but not unnecessarily long.
(With all due respect, op. Maybe you meant "not necessarily". I just noticed a bit of redundancy there. Peace.)

In other words, brevity. It's not always about being lengthy. It's about the content. Remove the unnecessary and irrelevant statements and just highlight your main point.


4. Expound.
Give reasons why your point is sound. But also make sure that it is logical so that the reader can follow your train of thought. And don't forget #3.

5. Be more "organic".
Yes, parang nakikipag usap lang. After all, we're here to communicate and express, and not to impress.


I also want to share what I've read sa isang post dito sa forum (forgive me if I cannot remember who said it but feel free to remind me guys so I can give credit where credit is due). He said, "if you want to earn merits, don't think about merits." Point is, focus on yourself, on how you post. Improve. Learn more so you can share more. Once you do that, everything will follow. Even merits. So, kalma lang. Smiley


Again, such a helpful topic kabayan!
Stay safe everyone — sa Covid at sa bagyo.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
May 14, 2020, 11:18:03 AM
#11
Totoo lang gusto ko yung 2 sentences lang.

Pero dahil hindi ako ganon kagaling sa English ay humahaba para lang mapaintindi ko yung opinion ko.
Oops, pang 3rd sentence na, tama na yan.  Grin

Salamat sa tips kabayan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 13, 2020, 09:30:01 AM
#10
~
  • Against ako sa pagbibigay ng merits sa kapwa pilipino solely dahil lang sa pilipino ang isang tao. Let's keep nationaility and race out of the equation. Your post deserves merits? You receive merits. Your post doesn't deserve merits? You don't receive merits. Simple as that. Hindi porke kabayan tayo e dadayain na natin ung systema.
Sa tingin ko naman may mga hindi nagbibigay ng merits dito dahil lang gawang Pinoy pero maganda na din na mabasa ito ng mga madalas magreklamong kulang daw sa suporta dito sa lokal.

Most likely not, pero minention ko to dahil dun sa isang reply na nakita ko a few months ago(if I remember correctly). Something something about a banned/accused pinoy member, and ung reply is something like "bakit mo nilalaglag ung kabayan natin?" or something like that. Gusto ko sana hanapin pero mahirap ng kalkalin.  Cheesy
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 13, 2020, 08:47:42 AM
#9
~
  • Against ako sa pagbibigay ng merits sa kapwa pilipino solely dahil lang sa pilipino ang isang tao. Let's keep nationaility and race out of the equation. Your post deserves merits? You receive merits. Your post doesn't deserve merits? You don't receive merits. Simple as that. Hindi porke kabayan tayo e dadayain na natin ung systema.
Sa tingin ko naman may mga hindi nagbibigay ng merits dito dahil lang gawang Pinoy pero maganda na din na mabasa ito ng mga madalas magreklamong kulang daw sa suporta dito sa lokal.

2. Add your sources. As much as possible pag may sinasabi ka sa isang thread or reply, add your sources kung maaari. Having sources simply gives your post more validity. Though syempre, piliin niyo rin ung sources niyo. Wag ung kung ano anong random website lang.
Para iwas din sa ban for plagiarizing. May naalala akong user na nasabihan din ng ganito dati, buti mabait yung local mod natin at hindi pa siya na-ban. Paalala lang din na huwag lang mag-post ng kung ano-ano (yung tipong hindi mo naman naintindihan) tapos lagay lang ng source....then submit topic sa mga merit giveaways.



Allow me to add one more, Be consistent sa pag-post. Huwag yung tipong mag-post ng isa tapos lalayas na, ito madalas gawain ng mga typical spammers. At least build some kind of reputation dito para makilala ka by continuously engaging in quality discussions.
 
full member
Activity: 574
Merit: 125
May 13, 2020, 07:08:50 AM
#8
Maraming salamat sa impormasyon kabayan, bago palang ako sa forum na ito at gawa ng pagbabasa sa mga iilang thread nalaman ko na mayroon palang board para sa Local kaya naman natutuwa ako dahil ang buong akala ko halos mga international people lang yung mga kasali dito pero nang makita ko ito nagulat ako na napakarami palang pilipino dito.

Gusto ko lang I-generalize yung tips mo kabayan, para makakuha tayo ng merit kailangan natin makapag ambag ng magandang impormasyon dito, kailangan yung impormasyon na kapag nabasa mo ay masasabi mong may laman talaga at binigyan ng effort sa pag gawa ng thread, kailangan natin ng malawak na kaalaman sa bitcoin o kaya naman sa crypto world ng sa ganun makagawa rin tayo ng maganda at maayos na thread.
member
Activity: 127
Merit: 28
May 13, 2020, 06:51:10 AM
#7
Salamat sa advise kabayan, madami akong pagkakamali sa mga nagawa kong thread kamakailanmayroon doong plagiarism, pinapahaba lang pero di naman ganun ka useful yung thought at minsan mema mema lang, pero nang mabasa ko ito nalinawan ako sa aking pagkakamali at gusto ko na baguhin yung paraan ng pag gawa ko ng thread dahil hindi talaga useful yung mga yun lol.

Narito ang mga ilang kadahilanan kung bakit hindi maayos ang nagagawang thread:
1. Hindi gaanong maalam tungkol sa bitcoin o kaya crypto world. May mga alam sila unti pero hindi sapat iyon para makapag share ng magandang impormasyon o kaya naman may nakits silang impormasyon pero hindi nila mapaliwanag ng maayos dahil di sila gaanong maalam tungkol dito.
2. Kagustuhang makakuha agad ng merit kaya panay gawa ng mga thread ng hindi pinagiisipan (sorry sa term pero I am one of that).
3. Tinatamad, isa ito sa dahilan din para sakin pero kung sakaling iisipin natin kung gaano ka worth it ang kaalaman na malalaman natin, at ang result ng kasipagan natin sa pag gawa ng mamagandang impormasyon paniguradong di tayo tatamarin.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
May 13, 2020, 06:49:51 AM
#6
Thanks for the effort making this tips for all of us, this is for all the rank in bitcointalk, even myself, I am a Hero Member already but I am not earning a lot of merits, TBH, I am always impress with your posts, maybe if I have more time to spend, I'll be able to be more constructive posters like you.

I hope this will be put as a sticky thread.  Grin
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 13, 2020, 04:47:24 AM
#5
makakuha ng merit dahil sa totoo lang hindi naman talaga madali makakuha, but as per your guide kung gagawin lang naman talaga nila ang best nila and ippriority ang learning kaysa sa earning hindi malabo na mabilis lang silang makakaproduced ng merit to rank up.
Yep. It's not super easy, but it ain't hard either.

  • Don't make generic post/replies - like if may nag ask what bitcoin is then sasabihin mo it is a cryptocurrency and such.
But 1 day, I followed some techniques and strategies to make your post attractive (thanks for the thread made by cabalism and finalshot about tips on making a quality post). Marami din akong realization kung papaano umatake ng panlasa ang mga good quality poster dito. And from that, I gradually realize how to attack the eye of the audience.
While having your own "style" is not really 100% necessary, dahil most of all ang importante in the end is ung content, yes, having your own sort of "style" of saying things might help significantly. Kumbaga sa mundo ng libro, gaano man ka-informative at ka-ganda ng knowledge ni binibigay ng libro mo, pero kung pangit ang pagka-sulat, it won't gain as much traction.

Kudos to mk4,
One of the brilliant members in btt.
Thanks and I appreciate it, but you're giving me too much credit lol. Tongue
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
May 13, 2020, 04:04:42 AM
#4
Quote from: mk4

Snip...


Thank you for sharing some tips sir! You are a good model for Filipino users in this community.

Actually, hindi na mahigpit talaga ang merit system para sa mga baguhan. As I have seen sa mga merit source and other legendaries, binibigyan talaga nila ng merit yung mga quality post even if you are a newbie or a higher rank.

Masasabi ko din na sadyang mahirap din talaga gumawa ng isang quality post. Minsan, kailangan mo talagang gumawa ng thread para lang mapansin ang idea na gusto mong ibahagi. Kailangan mo din talaga ng research, understanding and time to share quality post in this forum.

Yes, hindi naman talaga assurance ang pagpopost ng napakahahaba para mabigyan ng merit. Ang members kasi ay nakafocus sa tinatawag na content over porma.

In my own case, I did a lot of post, I don't think think that some of them are irrelevant or unuseful even to the newbies. I have shared what I've learned in trading, tips and so far. Pero wala, yung akala ko na malalim kasi sakin, basic na lang sa iba.

But 1 day, I followed some techniques and strategies to make your post attractive (thanks for the thread made by cabalism and finalshot about tips on making a quality post). Marami din akong realization kung papaano umatake ng panlasa ang mga good quality poster dito. And from that, I gradually realize how to attack the eye of the audience.

Proudly to say kahit na in small amount, I got 40 merits when I came back since April, 2020. Yes, that is only a small amount of merit compared to others. But, you will be satisfied when you will receive merits because of your post. I am also glad that merit system for me works out. And I am glad to say that I captured the eye of cyrus and suchmoon from one of my post.

Yes, para sa iba maliit na bagay yung achievement ko sa ngayon. But I am eager to continue posting and be a senseful member of this forum. Kahit na mahirap, kakayanin basta tyaga at determinasyon lang.

One tip also I can say, given na kasi sa taas yung iba:

Impression:

Gaya ng sinabi ko, we should have our own style to attack a certain topic. We have to realize that everybody who are posting or making a thread has higher IQ. But once you caught their eye probably, that will be a win-win situation for you. We have also need to take our reputation in this forum because some of the users are watching us. And if they see you that you are a quality poster, they wouldn't hesitate to send you the right numbers you deserve for.

Dumugo ilong ko. Haha.

Kudos to mk4,
One of the brilliant members in btt.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
May 13, 2020, 03:12:38 AM
#3
Your post deserves merits? You receive merits. Your post doesn't deserve merits? You don't receive merits. Simple as that.
Sayang kabayan out of gas na'ko para magbigay. Bigyan sana kita lol  Grin. Kiddin' aside, thanks for taking care of us pa rin to grow up with this simple thread.

Anyway, may mga harsh truths man, take it as inspiration. If you think you're probably not qualified, try to learn the ropes muna. Think long term and don't rush in.
You are really good poster and we can really observed that as you are part of one of the popular Signature campaign and we all know na good poster lang ang natatanggap diyan.

Additional rin siguro 'yong best representative per board, and 'yong capable of gathering users na ma-engage sa thread na gagawin niya?. Dunno but I think incentives 'yon? May nabasa lang ako na case sa removal ni iansenko ba 'yon? Though he's a good poster. Here's the link. Am not totally certain ah, peace Grin.

Going back, may gusto rin ako idagdag. I may not be in the place to say this and medyo ironic kung sasabihin ko 'cause I am still on the process pa rin naman of growing up here. But whatever, I wanna say this either way.

  • Don't make generic post/replies - like if may nag ask what bitcoin is then sasabihin mo it is a cryptocurrency and such.

'Di pa naman name-mention 'to right? Or baka may na misinterpret ako from the list above. Ayon lang siguro napansin ko sa karamihan sa users and even I myself. I am not trying to say na mag-stand out over the others (kasi natural na mangyayari 'yon). Put some difference lang and standing out among the others would naturally come.

One last thing to add na rin. Hindi 'to necessarily need para maka-earn ng merit but an advice lang para tumagal ka rito. Have fun lang while staying. Don't ever let the bad feeling of not receiving any merits spoil the fun. That's it!

Stay safe rin kabayan!
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
May 13, 2020, 01:47:20 AM
#2
Anyway, may mga harsh truths man, take it as inspiration. If you think you're probably not qualified, try to learn the ropes muna. Think long term and don't rush in.
You are really good poster and we can really observed that as you are part of one of the popular Signature campaign and we all know na good poster lang ang natatanggap diyan.


The list you make is concise and direct to the point. Marami ang nahihirapan sa mga Pilipino, makakuha ng merit dahil sa totoo lang hindi naman talaga madali makakuha, but as per your guide kung gagawin lang naman talaga nila ang best nila and ippriority ang learning kaysa sa earning hindi malabo na mabilis lang silang makakaproduced ng merit to rank up.

Ive started as hunter upon joining here, and I realized na mas malawak pala talaga ang forum outside sa simpleng airdrop and bounty. So I try to make up sa mga hindi ko alam, like pag attach ng mga image, codes, and etc.

Habang kumikita ng extra sa Bitcointalk, try to start other online(or offline) businesses rin para naman ma-diversify ang income natin at hindi tayo umaasa sa iisang industriya at iisang website.
I agree with this, Dont spread your eggs on one basket ika nga. Take it as bonus na lang yung earning dito aside sa employment or business na we have IRL.


Anyway nice suggestion and thanks for this, sana tumataktak to sa maraming low rank na pilipino and maging inspiration ang mga katulad mo na user dito.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 13, 2020, 01:00:54 AM
#1
Una sa lahat, I want to make some things clear:

  • I'm against account farming. Kung nagpapalago ka ng multiple accounts para makasali sa maraming campaigns(bato bato sa langit), deseve mong ma-ban dito sa forum.
  • Against ako sa pag-gamit ng Bitcointalk solely para kumita lang ng pera. Keep the earnings secondary, and keep the passion for Bitcoin first. Look at the potential earnings only as an extra bonus.
  • Against ako sa pagbibigay ng merits sa kapwa pilipino solely dahil lang sa pilipino ang isang tao. Let's keep nationaility and race out of the equation. Your post deserves merits? You receive merits. Your post doesn't deserve merits? You don't receive merits. Simple as that. Hindi porke kabayan tayo e dadayain na natin ung systema.
  • Walang isang tamang paraan para magpalago ng account sa Bitcointalk. Ito ay opinyon ko lamang.
  • Pasensya na kung taglish ako lagi. *lol*

So, bakit ko ginawa tong topic na ito?

  • Para matulungan ang ating kababayan. Knowing na it's safe to assume na marami saatin ang walang trabaho ngayon dahil sa pandemic.
  • Para sanang maalis sa utak ng mga tao na spammer ang ilan sa mga pilipino dahil dun sa recent controversy concerning Polar91.
  • To overall increase ung reputation ng mga pilipino.
  • Boring sa bahay at kailangan ko na magpagupit dahil nagmumukha na akong wolverine.

Anyway, eto na ang iilang tips:

1. Know little to nothing about Bitcoin? Go do some research first. In the first place, nasa Bitcointalk forum ka. Kung wala kang masyadong alam tungkol sa Bitcoin, bakit mo sinusubukang kumita ng pera agad agad? Parang isang high school graduate na walang working experience na gusto agad maging CEO ng isang malaking kumpanya. (over-exaggerated, but you get the point)

Kung tingin mong kailangan mo maging expert sa Bitcoin para kumita ng merits, nope. You only need to know enough. Kung tutuusin ung basics lang sapat na eh. If you're not even willing to learn the basics, probably go try earning money in some other places instead.

2. Add your sources. As much as possible pag may sinasabi ka sa isang thread or reply, add your sources kung maaari. Having sources simply gives your post more validity. Though syempre, piliin niyo rin ung sources niyo. Wag ung kung ano anong random website lang.

3. Make your posts in-depth, but not unnecessarily long. Pag madalas kang magbasa basa sa forums, halatang halata ung mga ibang post na pasadyang pinahaba lang ung post para magmukhang mas "constructive". Trust me, nahahalata ng karamihan iyon. Kung sapat na ung 2 sentences na sagot, then keep it at 2 sentences! It's the content that matters in the first place, hindi ung length.

4. Expound. May nagtatanong kung anong magandang wallet gamitin? Sagutin niyo ng maayos and give your reasons kung bakit un ang suggestion niyo. Wag ung susuggest niyo lang ung Electrum tapos sasabihin niyo lang "not your keys not your bitcoin". Add more details. But then again, wag ung pasadyang pinahaba lang ung post.

5. Be more "organic". Based on my experience, mas maganda ang feedback sa posts pag ang writing style mo e ung parang nakikipag usap lang sa tao, compared dun sa posts na nagmumukhang kinopy-paste sa isang article(kahit na hindi). Take note, walang masama sa pagiging masyadong technical at formal sa pag gawa ng topics at replies. Again, opinyon ko lamang.

"Quick" final thoughts.

If you need to try so hard to earn merits, most likely baka hindi ka qualified to earn merits in the first place. Kung mapapansin niyo, ung mga ibang malalaki ang merit count sa Bitcointalk, parang ang casual lang silang nagpopost pero angdaming nagbabato sakanila ng merits. Bakit? Simply dahil mataas ang kaalaman nila tungkol sa Bitcoin to the point na magaganda lahat ng sagot nila tungkol sa mga topics kahit walang ka effort effort ang pagsagot nila.

Second, please don't make Bitcointalk your main source of income. Maganda man ang opportunities dito knowing na nasa isang mahirap na bansa tayo, take note na masyado tayong nakasalalay sa Bitcoin at sa Bitcointalk. Though wag naman sana, some time in the future, possibleng bumagsak ang presyo ng bitcoin, at possible rin na mamatay someday ang Bitcointalk. Pag nangyari un, paano na? Ang experience mo lang e magpost sa forums at sumama sa bounties?

Anyway, may mga harsh truths man, take it as inspiration. If you think you're probably not qualified, try to learn the ropes muna. Think long term and don't rush in.

Habang kumikita ng extra sa Bitcointalk, try to start other online(or offline) businesses rin para naman ma-diversify ang income natin at hindi tayo umaasa sa iisang industriya at iisang website.

Lastly, best of luck sa lahat, and keep safe mga kabayan 🇵🇭.
Jump to: