Sa aking mga obserbasyon at nababasa sa mga project campaign, madami sa kanila magaling lang sa salita.
Magbibigay ng mga anunsiyo na sa ganitong petsa or ganun. Pero kapag nakuha na nila ang kanilang gusto at nakalikom
na ng pera dahil sa tulong ng mga bounty hunters, pagdating sa usaping distribution rewards sa mga sa hunters, madami ng
alibi ang sinasabi, kung hindi padadaanin sa swap at kyc, puro paasa nalang ang sinasabi at yung iba ay lantarang
pagsisinungaling na ang ginagawa, at yung iba para mareceive mo rewards mo kailangan pang magdeposit ka muna, mga kondisyon
na sobrang panlalamang, at kung my KYC naman isang buwan na lumipas hindi kapa naveverify or approve, kagaya ng nabasa ko sa Zloadr apps, at iba pa. Konti nalang sa mga campaign project ang masasabi ko na talagang legit. Kaya ireview nio muna ng maayos ang sasalihan nio
na mabuti. Bago kayo magdesisyon na sumali, Magandang araw.
Kaya ngayon boy-cot na ang mga ICO campaign dahil sa pinaggagawa nila, Nakikita ko rin na halos wala ng nag propromote ng mga campaign ngayon, Usually sa facebook halos araw araw ako nakakakita ng mga post about sa kung ano anong mga project pero ngayon kahit isang post wala na akong makita. Kaya kahit ako di na ako nasali sa mga ico camp dahil sa pagdami ng scam.
Sana ay magkaroon naman sila ng totoong layunin at iwasan na ang pag scam sa mga bounty hunters para naman manumbalik ulit yung dating sigla. Pero alam ko naman na ito ay mahirap iwasan pero umaasa parin ako.