Oo, tama ka diyan may mga iilang projects pa naman ang matitino.. pero ang mas masaklap lang ay kung makapag KYC ka sa mga projetcs na hindi nagbibigay. aanhin nila yung info natin? may halong pag dududa ako sa mga ganyan ngayon ehh.. nakaka alarma ang mga ganyang modus ngayon. mukhang hindi na talaga safe sumali ng mga bounties at kung saan gagamitin yung identity ng users. maging wise nalang talaga tsaka mabusisi sa pag sali para iwas nadin sa bawas oras at sakripisyo ng mga ID's natin. sana gawin din ito ng ibang users para di na mas dadami ang nang-bibiktima at nabibiktima.
Talagang napaka delikado nung na submit ko na kyc sa mga nag daang projects na sinalihan, at duda ako dun na posibleng gagamitin ang mga impormasyon na iyon sa panloloko ng ibang tao. Hindi na makatarungan ang kanilang ginagawa sa mga hunters lalo na yung mga tuso na manager na nag dadala ng campaigns. Sana sa hinaharap ay ma solusyonan ang mga ganitong problema at di na makapang loko pa ang mga ito, sakit lang isipin na walang saysay iyong pinagpaguran ng matagal.
yaan nga ang pinaka nakakainis pagkatapos mong pagtrabahuhan ang isang project bigla sila mag hihingi ng KYC . minsan nakaka ilang talaga mag pasa ng KYC dahil baka nga magamit ito sa mga ndi tamang paraan. pero ganyan talaga ang buhay ng isang bounyt hunter konting tyagaan lang naman.