Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:
1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)
mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..
Kabayan, hindi lang bounty hunting, airdrops o investment ang pwedeng maging trabaho sa crypto. Napakalawak ng mundo ng crypto pwede kang maging community manager o telegram moderator na nagbabayad ng fiat o tokens na pwede mong gawing full time. Pwede kang maging social media manager, bounty manager,developer at marami pang iba na pwedeng gawing full time na trabaho.
Sang ayon ako sa iyong response kabayan na talagang napakalawak ang mundo ng crypto ang kailangan lang natin ay ma discover ito at madiscover natin ang ating kakayanan tungkol dito sa mga trabaho na pwede natin pasukan sa mundo ng crypto ako man ay isa sa mga naghahangad na maging full time crypto earner sa pamamagitan ng pag te trading, maging bounty manager at iba pa pero ang problema sa ngayon ay hindi pa kakayanin ng aking oras kaya hindi ko na muna ito magawa.
Sa #4 nalang tungkol sa mga benefits pwede naman tayo mag personal na maglagay sa health insurance, sss at iba pang maaring magbigay benepesyo galing sa perang maiipon natin sa crypto currency.
Sa #3 naman malaki ang maitutulong ng crypto currency especially sa mga bounty manager kasi ang magiging experienced mo sa bagay na ito ay ang pagiging focus, pag handle ng tao, marketing, pag organized ng mga bagay at marami pang iba at nakikita ko ito sa mga kakilala kong pinoy na bounty manager ngayon at nakakabilib ang kanilang mga ginagawa and I believed na applicable ito sa mundo ng employment.
Sang ayon naman ako sa #1 na dahilan kasi sa panahon ngayon sobrang dami naman talaga ang scam projects which is masama sa part nating mga nagsusumikap na i promote ang kanilang project di talaga natin maiiwasan kaya ang solusyon dito at mag hanap or mag background check sa mga project na sasalihan para di masayang ang panahon at effort na e gugol natin.
Yung tungkol sa #2 na dahilan, lahat ng bagay ay risky sa mundong ito kahit na sa pagtawid pa lang natin sa kalsada ay nag ri risk na tayo ng buhay natin kahit saan man tayo magpunta ay meron risk at lalong lalo na sa ganitong industriya ang investment ay talagang risky but we have the control this risk at para maiwasan or mabawasan man lang ay dapat natin e master muna ang mga bagay bagay kung papasok tayo sa ganitong investment para konting risk ang makukuha natin.
Ang alam ko mas maganda mag take ng risk sa mga ganito pero dapat mag experienced muna sa maliit na halaga dahil kahit na matalo ka man ay may experienced ka makukuha bago sumabak sa malakihang investment.