Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:
1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)
mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..
Kabayan, hindi lang bounty hunting, airdrops o investment ang pwedeng maging trabaho sa crypto. Napakalawak ng mundo ng crypto pwede kang maging community manager o telegram moderator na nagbabayad ng fiat o tokens na pwede mong gawing full time. Pwede kang maging social media manager, bounty manager,developer at marami pang iba na pwedeng gawing full time na trabaho.
Sapul mo brad. +1 merit
Masyadong broad ang ecosystem ng cryptocurrencies para sabihin na hindi worth gawing full time ito dahil lang sa hindi stable income ang investing at bounties. Maraming ibat ibang puwedeng posisyon sa trabaho besides investing at bounties. Take note na ang ibang cryptocurrency projects ay may sarili ring building, organization, mga empleyado, etc. Meaning, meron rin silang accountant, lawyers, programmers, public relations department, at iba pa, gaya lamang ng ibang mga typical na kompanya sa Pilipinas(e.g. Jollibee, PLDT, etc).