Kapag airdrops galing sa Facebook red flag na agad sa akin, para sa akin yang FB naging tirahan na mga scammer talaga. Konting palit lang ng account ng mga scammers or gawa lang ng new account sa FB maghahanap na ulit ng mabibiktima sa Facebook. Alam na alam kasi ng mga ito na madami silang makukuhang mga isda(mga walang alam sa airdrops).
Paulit-ulit lang talaga na mangyayari yan, padadalhan lang sila ng picture na amount ng pera at sasabihin na yung ang nakuhang amount at ang susunod na agad ay maniniwala na yung mga nabiktima dahil sa marites ng mga mapagsamantalang tao sa facebook.