Pages:
Author

Topic: Mga Dapat Iwasan At Tandaan Kung Sasali Sa Mga Airdrop - page 3. (Read 641 times)

sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
    Muli na namang pumatok ang airdrop ngayon dahil sa hype ng mga tao na may kumita ng malaki dito. Kaya di maiwasang bumalik sa pag-aairdrop ang mga dating users at sa kabila nito ay mga bagong users din na sasali rito.

Bakit nga ba marami ang sumasali sa airdrop?

  • Malaki ang potential na kikitain kung talagang pagtitiyagaan mo ito. May mga users na naging milyonaryo dahil rito.

Ano kaya ang panganib na dala nito?

  • Dahil sa hype ng mga project na nagpapa-airdrop, ang mga hackers o mga masasamang tao ay aware na dito at gusto nilang samantalahin ang sitwasyon lalong-lalo na sa mga baguhan.

Paano iwasan?

  • Website - suriin ng mabuti kung tama ba talaga ang lahat ng letra sa site bago magpatuloy. Kung may nakita kang ibang letra, ay huwag ng magpatuloy dahil siguradong mahahack ang iyong wallet.
  • WalletConnect - Kung ikaw ay gagamit ng walletconnect, siguradohing i-disconnect ito o i-logout pagkatapos gumamit ng site. May mga site na hindi automatic logout o disconnect ang iyong wallet, kung sakali makumpromiso ang site ay may posibilidad din na mahack ang iyong wallet.
  • Switching interfaces - may mga times na nagsiswitch tayo ng interface kaya need natin i-authorized o i-approved bago magpatuloy ngunit ito pala ay vulnerable o nakitaan ng butas ng mga hackers. Kung sakaling may mga nagpop-up upang i-authorized ang isang bagay na hindi mo naman inaasahan ay huwag mong gawin ito dahil malaki ang posibilidad na isa lamang itong aktibidad ng panghahack.


https://slowmist.medium.com/slowmist-beware-of-walletconnect-phishing-risks-in-web3-wallets-229445fb79f1#
Pages:
Jump to: