Pages:
Author

Topic: Mga galawan ng mga scammer sa social media - page 3. (Read 1074 times)

sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
October 08, 2020, 02:56:50 PM
#34
Parang basurahan narin ang facebook dahil sa dami ng mga naglipanang scammers at fakenews. Kaya kung hindi ka mag-iingat at madali kang maakit sa mga ganitong modus mabubusog nanaman ang mga scammers. Maigi maging vigilant nalang sa pagamit ng social media kasi kahit e report mo yang mga yan, oras-oras meron na namang mga papalit.
newbie
Activity: 7
Merit: 12
October 08, 2020, 10:44:26 AM
#33
kaya kailangan mag ingat sa mga desisyon.wag padalos dalos pwede ka mag research kung ito ba ay legit o scam.kung itoy di kapani paniwala pwede mo itong ireport apra hindi na maka panlinlang ng kahit na sino.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
October 08, 2020, 10:36:54 AM
#32
Para sa aking opinyon, kaya napakraming pilipino ang naloloko ng mga ganyan ay dahil palagi nating tinitingnan kung magkano ang kikitain natin. Basta nagpost ng too good to be true na negosyo o investment at tulo laway agad tayo, ni hindi na natin maitanong sa sarili natin kung legit ba talaga sila o hindi.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero kahit noong ako ay newbie pa, alam ko na agad na mga scams lang yang mga yan kasi mali mali yung grammar ng post, pangit yung website, at onti ang friends, at kung marami man, puro mga posers naman.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
October 07, 2020, 08:31:17 AM
#31
Meron pa ngang gumagamit ng Photo ng SSS or Philhealth na kunyari meron pang mga taong di nakakaalam,pag click mo eh direkta ka sa site nila na
 nangangako ng income bata mag invest ka lang ethereum based din.

dapat mga ganito report agad eh,at humanap ng mga kakilala at kaibigan na katulong mag report para ma blocked agan mga accounts.

baka kasi isang araw kamag anak na natin ang mabiktima.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 07, 2020, 04:31:46 AM
#30
Halos lahat ng nakikitang kong trending topic mapa news man o entertainment eh merong mga ganitong comment.

Nakakainis makita yung mga ganito kasi obvious naman na scam dahil sa malaking kitaan, pero sa mga taong hindi aware malamang kagatin nila ang offer.

Ingat na lang tayo at ipagbigay alam sa iba na wag magtiwala sa mga lumalabas na investment offer lalo na sa fb para di masayang ang pera.

That's why I encourage reporting them kasi pag binabalewala lang natin kahit alam natin na scam yung post na nakita natin para na din natin tinulungan yung scammer na makapag-promote ng kanyang pagnanakaw. Imagine kung lahat ng may alam o pamilyar sa scam ay nag-report sa post na nakita nila mas maliit yung chance ng scammer na magkaroon ng biktima. Kaya kahit ako ay hindi nagtuturo sa mga scam at kung ano ito dahil mahirap i-explain ay rinireport ko nalang yung post para na din ay makatulong ako sa mga kapwa ko. Aside from that kung medyo vocal ka sa social media ay pwede kang mag-comment ng isang babala kung bakit sa tingin mo ay scam yun at least dito malalaman ng tao na may ganito palang modus na nangyayari.

Makakatulong ang pag report sa mga ganito dahil upang mabura ang account Ng mga scammer na Ito at tsaka mainam din na mag comment na scam Ito upang magbigay babala sa mga newbie na nagkaroon Ng interest dahil sa mga pekeng profit na pinakita Nila bilang pain sa mga baguhan.

Malapit na ang pasko kaya malamang nagsisikap mga scammer ngayon na magkapera.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
October 06, 2020, 04:32:54 PM
#29
Halos lahat ng nakikitang kong trending topic mapa news man o entertainment eh merong mga ganitong comment.

Nakakainis makita yung mga ganito kasi obvious naman na scam dahil sa malaking kitaan, pero sa mga taong hindi aware malamang kagatin nila ang offer.

Ingat na lang tayo at ipagbigay alam sa iba na wag magtiwala sa mga lumalabas na investment offer lalo na sa fb para di masayang ang pera.

That's why I encourage reporting them kasi pag binabalewala lang natin kahit alam natin na scam yung post na nakita natin para na din natin tinulungan yung scammer na makapag-promote ng kanyang pagnanakaw. Imagine kung lahat ng may alam o pamilyar sa scam ay nag-report sa post na nakita nila mas maliit yung chance ng scammer na magkaroon ng biktima. Kaya kahit ako ay hindi nagtuturo sa mga scam at kung ano ito dahil mahirap i-explain ay rinireport ko nalang yung post para na din ay makatulong ako sa mga kapwa ko. Aside from that kung medyo vocal ka sa social media ay pwede kang mag-comment ng isang babala kung bakit sa tingin mo ay scam yun at least dito malalaman ng tao na may ganito palang modus na nangyayari.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
October 05, 2020, 07:31:14 PM
#28
Kung susuriin natin mabuti madali lang naman malaman kung scam o hindi ang mga iniindorso nila . Karamihan sa mga scam ay nagpapakita ng double o mas higit pa na kikitain sa ilang araw lamang. Madalas na mabiktima ng mga ganito ay yung mga baguhan at mga mahihilig sumugal sa mga panandaliang investment na kung saan ay mabilis nilang makukuha agad ang kanilang kita.

Nasa atin na rin ang desisyon kung papatulan ba natin ang mga panghihikayat nila, mag-isip muna ng ilang beses at mas mabuti na suriin bago pasukin. Ingat na lang tayo kabayan sa mga desisyon na ating gagawin.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
October 05, 2020, 03:33:45 PM
#27
Halos lahat ng nakikitang kong trending topic mapa news man o entertainment eh merong mga ganitong comment.

Nakakainis makita yung mga ganito kasi obvious naman na scam dahil sa malaking kitaan, pero sa mga taong hindi aware malamang kagatin nila ang offer.

Ingat na lang tayo at ipagbigay alam sa iba na wag magtiwala sa mga lumalabas na investment offer lalo na sa fb para di masayang ang pera.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 05, 2020, 06:40:49 AM
#26
Kapag malaki ang kikitain agad2, mag isip-isip kna. Malamang nang-aakit lang yan para makapanloko. Buti ako kahit papano hnd agad2 naniniwala, hanggang airdrop lang ako, nakakakuha naman ako ng free money dun. Tyambahan man atleast libre.
Ganun naman talaga kumbaga to good to be true, pero kahit ganun marami parin ang naloloko at nasisilaw sa ganun kalaking kitaan. Lalo na ngayon pandemic marami ang mga taong nag hahanap ng pagkakakitaan at dumadami din scammers, dahil sasamantalahin nila yung kahinaan ng mga tao ngayon kaya nga kung may makikita tayong ganyan mas maganda mag comment at abisuhan ang mga makakakita para hindi na sila makapang loko pa.

Kasi naman pakitaan ka ba naman ng mga kinita nila sa investment na inooffer e tiyak mahuhumaling talaga ung mga newbie, lalo na ngayon na may pandemya na tiyak maraming tao ang gustong kumita dahil nagsara ang kanilang pinagtatrabahoan habang naka lockdown e tiyak sila yung madaling mahuli sa mga ganitong gawain kaya ingat-ingat nalang talaga.


Kaya nga mostly mga kilala ko (kapamilya mostly, classmates) talagang ina-advice ko na always be vigilant sa mga ganitong schemes sa social media mahirap na either maghirap ka o mahirapan ka. Advice ko always if nagtatanong sila about crypto and how to earn them, I really advice them na it isn't earned that easily kung ma-earn mo man it will take you some aeons to grasp that desirable earning but still not worth it  I think because too much time being done or either by some service online na which I really recommend to them.

Oo tol, yun talaga ang dapat gawin lalo na pag nakikita natin silang nag How sa mga post na yan e dapat talaga na abisuhan at ipaintindi kung ano ang talagang layunin ng post na yan upang mailayo ang kakilala o kapamilya natin sa mga talamak na scam gaya nyan.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
October 05, 2020, 04:30:34 AM
#25
Ganito rin noong mga 2017 sobrang daming nagsusulputang pati mga pyramiding na galing daw sa pag trade yung 500 mo maging x7 ganun within a week (can't remember that much pero sa umpisa lang yung paniguradong balik ng pera mo pag nagtagal goodbye). Right now I have that trauma sa mga PM na yan sa social media kasi either that leads you sa possible scam or sa mga invite options, ikaw na nga nga risk ng pera mo ikaw rin kakayod para kumita ka at if wala ka ma invite or mostly do the works it will take you weeks/months para makuha mo ulit yung ni-risk na pera.

Kaya nga mostly mga kilala ko (kapamilya mostly, classmates) talagang ina-advice ko na always be vigilant sa mga ganitong schemes sa social media mahirap na either maghirap ka o mahirapan ka. Advice ko always if nagtatanong sila about crypto and how to earn them, I really advice them na it isn't earned that easily kung ma-earn mo man it will take you some aeons to grasp that desirable earning but still not worth it  I think because too much time being done or either by some service online na which I really recommend to them.
jr. member
Activity: 56
Merit: 1
October 04, 2020, 08:18:58 PM
#24
Kapag malaki ang kikitain agad2, mag isip-isip kna. Malamang nang-aakit lang yan para makapanloko. Buti ako kahit papano hnd agad2 naniniwala, hanggang airdrop lang ako, nakakakuha naman ako ng free money dun. Tyambahan man atleast libre.
Ganun naman talaga kumbaga to good to be true, pero kahit ganun marami parin ang naloloko at nasisilaw sa ganun kalaking kitaan. Lalo na ngayon pandemic marami ang mga taong nag hahanap ng pagkakakitaan at dumadami din scammers, dahil sasamantalahin nila yung kahinaan ng mga tao ngayon kaya nga kung may makikita tayong ganyan mas maganda mag comment at abisuhan ang mga makakakita para hindi na sila makapang loko pa.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
October 04, 2020, 09:05:44 AM
#23
Meron pa silang ibang way para mang scam.

Una, magpopost sila ng fake income kuno nila, mga nabili at naipundar. Mga napayout.
Pangalawa, kapag nagpm ka ng how. Kukulitin ka nila via pm showing offs their fake proofs din. Papangakuan ng malaking returns.

Huwag sana tayo magpapadala at magpaloko, madami silang way para makapanghikayat. Be vigilant at stay away sa mga ganitong tricks.
newbie
Activity: 191
Merit: 0
October 04, 2020, 08:49:47 AM
#22
Kapag malaki ang kikitain agad2, mag isip-isip kna. Malamang nang-aakit lang yan para makapanloko. Buti ako kahit papano hnd agad2 naniniwala, hanggang airdrop lang ako, nakakakuha naman ako ng free money dun. Tyambahan man atleast libre.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 04, 2020, 08:48:38 AM
#21
Alam natin na marami sa mga scammer ngayon ay target ay newbie dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga ito.
Nakakalungkot isipin itong mga ganitong pangyayari dahil mga ang naiiscam sa mga ganito kaya dapat natin tulungan ang mga newbie upang wakasan na ang ganitong uri ng pangloloko na hindi makatao.
Ever since naman target talaga ng mga scammer yung mga newbie, ang tanging hadlang lang sa mga potential na biktima is maraming informed na tao ang tumutulong para mas marami pa ang may alam. Ang malungkot lang is marami ang ignorante kasi malaking pera yung pinapangako nung mga scammer. Para sa mga newbie naman, kung may nakita kayo na ganyan, wag niyo ng pansinin dahil walang pera dyan. Madali lang sila maidentify, if yung post is generic na English or Tagalog about success story chances ay scam sila.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
October 04, 2020, 08:31:10 AM
#20
Alam natin na marami sa mga scammer ngayon ay target ay newbie dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga ito.
Nakakalungkot isipin itong mga ganitong pangyayari dahil mga ang naiiscam sa mga ganito kaya dapat natin tulungan ang mga newbie upang wakasan na ang ganitong uri ng pangloloko na hindi makatao.
full member
Activity: 519
Merit: 101
October 04, 2020, 07:32:31 AM
#19
Dahil sa mas madami na ang oras ng mga tao sa social media ngayon, mas dumami na din ang mga scammer sa social media at oo isa sa ginagamit nilang pang-iiscam ay ang cryptocurrency. Madalas ang mga linya ng mga scammer sa kanilang post ay "Gusto mo bang kumita ng pera?", "Extra income ba ang hanap mo?", "Gusto mo bang kumita ng pera kahit nasa bahay ka lang ?". At dahil napakahirap nga kumita ngayon pati na madaming nawalan ng trabaho dahil sa pandemic, madaming talagang nagiging interesado dito.
May ibang ginagawang networking ang cryptocurrency na kapag nakapag"Invite" ay may makukuhang kumisyon. May mga kung ano anong website din na pupuntahan or apps na kailangang idownload.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 04, 2020, 06:32:48 AM
#18
<...>
Madalas dalas nga ung ganitong kalokohan, halos lahat ng mga trending posts e may ganitong comment. Nakaisip sila ng paraan para maka spam without risking ung main account mismo.
true. napaka daming gantong post sa mga sikat na fb page at viral na post. ang nakaklungkot lang ay parang walang ginagawa ang FB para mabawasan yung mga ganyang kalseng posts.
Totoo yan. Ang dami ko ding naeencounter na ganyang bagay. Actually, hindi lang sa trending and viral posts eh. Kahit sa simpleng post lang sa isang page or group, may mga ganyang comments.

Most of the time, hindi ko na lang pinapansin but lately narealize ko na, sa part ko, di ko sila binibigyan ng attention but what if ibang tao ang pumansin non? Di sila pa ang nabiktima. That's why just like you guys, nirereport ko na lang din para walang maperwisyo. That's the least I could do to help other people.

And always bear in mind na lang din ang walang kamatayang kasabihan na, "Think before you click." Smiley

Stay safe, mga kabayan.


Dami pa naman inquiry lalo na yung mga walang alam sa crypto tiyak may mga nabiktima na mga scammer na yan dahil paulit-ulit nila yang ginagawa at makikita talaga natin kahit saan. At tsaka madalas nakatambay mga yan sa ABS-CBN page,GMA at iba pang malalaking pages. Kaya pag may nakita kayong ganito e dapat e report nalang talaga para ma ban ang account ng nag post nyan.

Dapat mag ingat ang mga newbie sa ganito dahil madami pa namang curious lalo na pag trading na ang pinag uusapan.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
October 04, 2020, 12:08:57 AM
#17
<...>
Madalas dalas nga ung ganitong kalokohan, halos lahat ng mga trending posts e may ganitong comment. Nakaisip sila ng paraan para maka spam without risking ung main account mismo.
true. napaka daming gantong post sa mga sikat na fb page at viral na post. ang nakaklungkot lang ay parang walang ginagawa ang FB para mabawasan yung mga ganyang kalseng posts.
Totoo yan. Ang dami ko ding naeencounter na ganyang bagay. Actually, hindi lang sa trending and viral posts eh. Kahit sa simpleng post lang sa isang page or group, may mga ganyang comments.

Most of the time, hindi ko na lang pinapansin but lately narealize ko na, sa part ko, di ko sila binibigyan ng attention but what if ibang tao ang pumansin non? Di sila pa ang nabiktima. That's why just like you guys, nirereport ko na lang din para walang maperwisyo. That's the least I could do to help other people.

And always bear in mind na lang din ang walang kamatayang kasabihan na, "Think before you click." Smiley

Stay safe, mga kabayan.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
October 03, 2020, 06:16:02 PM
#16
I don't always see this kinds of posts in my news feed and if I do palagi ko silang nire-report para mabawasan yung pag-kalat nila if na-delete na ng Facebook yung mga post na ito. Sa tingin ko kaya malainis or bihira ako makakita ng mga ganitong klaseng post is dahil pili lang ang mga Facebook friends ko hanggang sa kakilala ko lang talaga at hindi ako basta-basta nag-aaccept ng friend request, at madalas din ako naglilinis ng friends list ko kung hindi na ito active or di na ginagamit ng may-ari. Bukod dun never ako sumali sa mga Facebook groups tungkol sa pagkita ng pera aside sa mga Stock market related groups, sumali na ako minsan sa isang crypto related groups at kung hindi hyip ang prinopromote nila is puno ng shilling ang nangyayari. Iwasan din mag-like at mag-follow ng mga pages na bago lang at hindi niyo pa kilala kasi ang mga Facebook Page na ito ay may pag-kakataon na i-edit or palitan nila yung pangalan at mag-bago yung content, kadalasan ginagawa nila ito para lang magpa-dami ng mga likes para sa tunay nilang page. Simple lang naman ang ginagawa ko para hindi ko makita yung mga ganitong klaseng post at gumagana naman sya.
hero member
Activity: 2170
Merit: 530
October 03, 2020, 06:06:09 PM
#15
Laganap talaga ito sa social media mas lalo ang facebook. Dahil maraming gumagamit nito at madami din nagpapaniwala sa ganitong scheme. Sa sobrang dami ng ganito yung mga kakilala ko halos laging tinatanong sakin kung legit ba daw ang mga ganito. Sa paulit ulit na tanong nila minsan naiirita narin ako buti nalang may mga gumagawa ng post nagtuturo kung paano malaman kung scam ba ang mga nakikita sa facebook, simula nung shinare ko yun nabawasan na yung mga nagtatanong. Sa totoo lang ang daling malaman kung scam ba ang inaalok nila dahil nanghihingi sila ng malaking pera at malaki ang balik nito dun palang alam na dapat nila. Pero siguro dahil sa hirap ng buhay madami parin ang kumakagat sa ganito mas lalo mga nasa ibang bansang mga pilipino na nagtatrabaho dun. Sila ang pinakamadaling mapainvest sa ganito, pansin ko halos sila din nag iinvest sa mga malalaking scam sa pilipinas. Sana mabawasan ito, sa panahon pa naman natin hirap kitain na ng pera.
Pages:
Jump to: