Pages:
Author

Topic: Mga galawan ng mga scammer sa social media - page 4. (Read 1074 times)

sr. member
Activity: 1918
Merit: 370
October 03, 2020, 03:15:39 PM
#14
Laganap talaga ito sa mga social media lalo na sa biggest platform which is facebook sumunod naman sa twitter and then youtube. Meron pa nga akong nakita isang beses advertisement sa youtube which includes Elon Musk tapos may bitcoin address sa baba at may QR code pa lol, i don't know why bakit nakakalusot yon sa youtube para iadvertise nila dahil sobrang halata masyadon na scam yon. Bots ang nagcoconfirm ng advertisement application sa youtube, tama ba?
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
October 03, 2020, 11:13:58 AM
#13
Ang tapang naman pala nila talaga para gamitin pa yung pinaka account nila. Meron din kasing iba na gumagamit ng ibang pangalan at picture, which is ang sama ng dating. In fact, sobrang sama ng dating nun sa gagamitin nilang identity.

By "main account" I meant the account na ginagamit na pangscam talaga. Para dun sa account na yun andun ung mga information tungkol dun sa inaalok nilang scam, tapos mga extra accounts ang gagamitin na pang spam sa mga posts dahil most likely mababan agad ung mga un, while leaving the "main account" at low risk.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
October 03, 2020, 10:42:58 AM
#12
Madalas dalas nga ung ganitong kalokohan, halos lahat ng mga trending posts e may ganitong comment. Nakaisip sila ng paraan para maka spam without risking ung main account mismo.

Always make sure to take the extra 5 seconds to report these posts para mabawasan sana ang maperwisyo.

Ang tapang naman pala nila talaga para gamitin pa yung pinaka account nila. Meron din kasing iba na gumagamit ng ibang pangalan at picture, which is ang sama ng dating. In fact, sobrang sama ng dating nun sa gagamitin nilang identity.

Sana lang mabawasan na o tuluyan nang maubos yung mga biktima ng mga ganitong panloloko, mas magandang bigyan ang sarili ng kaalaman bago pumasok sa mga ganitong tipo ng investments.
jr. member
Activity: 92
Merit: 2
The Future Of Work
October 03, 2020, 09:03:54 AM
#11
May nakikita din akong ganyan na may nag ko-komento sa mga social media tulad ng facebook nakakalungkot mang isipan na may nabibiktima dito lalo na yong mga kapos sa pera at walang trabaho tulad ngayon marami ang nangangailangan ng pera dahilan ng pandemya.
full member
Activity: 658
Merit: 126
October 03, 2020, 08:11:17 AM
#10
Sobrang dami nilang nagco-comment niyan nakakaumay. Sa sobrang daming ganiyang post di ba nila naisip na mas halatang scam yung dating. Magkakatunog na nga sila kapag binabasa, sa sobrang dali ng inaalok nila para yumaman aba dapat madami nang mayaman sa atin no? Nakakalungkot lang na may nabibiktima pa din, iilan nalang siguro. Mas madami naman siguro ang nakakaalam na scam ito sa unang tingin pa lang. Mga nakikita kong ganto halos hindi na pinapansin sa comment section e, unless nag PM yung nakumbinse.

Pero 'yang mga ganyang post ang nakakadagdag sa pangit na pagtingin sa bitcoin 'e.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
October 03, 2020, 05:44:44 AM
#9
Noon pa man ay laganap na ang ganyang klase ng comment sa iba't-ibang social media platforms. Kadalasan ay gumagamit pa sila ng pangalan ng isang sikat na celebrity or politicians para makakuha ng atensyon sa tao. Kung susuriin mong mabuti, halatang hindi kapani-paniwala yung offer nila. Minsan yung iba nag i-include pa ng links, kaya para makaiwas sa pag install ng malware at viruses sa ating device ay mas mabuti na wag itong i-click basta-basta. I-report nalang din natin dahil hindi naman natin masasabi na wala itong mabibiktimang iba lalo na at ang mga tao ngayon ay mabilis magpaniwala sa kung ano ang nakikita nila sa social media.
sr. member
Activity: 1106
Merit: 310
October 03, 2020, 03:05:25 AM
#8
Totoo ito madas mo itong makikita sa facebook, kung saan madaming tao na nagcocomment andun sila imbes na sa topic ang kanilang sasabihin ay magppaste sila ng mga kung anu anu like what you have post, isa itong uri ng marketing strategy kung saan mas madami ang tao mas malaki chance nila na makakuha ng mabbiktima, karaniwan ang mga nasscam ay yung mga kailangan kailangan ng pera , kaya madali silang mapaniwala.
member
Activity: 1120
Merit: 68
October 03, 2020, 02:47:09 AM
#7
Marami talaga tayong makikitang ganyang mga mensahe o post sa iba't ibang social media sites upang mas mapabilis ang pagkalat nito sa iba't ibang tao. Totoo man o hindi pero marami paring mga tao ang nauuto sa mga ganitong post na kahit para saatin ay napaka-obvious na ito ay scam dahil maraming pinoy ang desperadong kumita ng pera at mabili ang mga gusto nila kaya nabibiktima sila nga mga ganitong klaseng scam. kaya always think before you click para maiwasan ang scam sa bawat social media sites.
legendary
Activity: 2436
Merit: 1104
October 03, 2020, 01:57:27 AM
#6
nirereport ko yung mga gantong klaseng post sa mga comment section pag may nakikita ako. ang problema nga lang para wala namang ginagawa ang facebook kasi even after a week nakikita ko pa rin yung mga post na ganto pag napapadpad ulit ako sa comment section na yon.

Madalas dalas nga ung ganitong kalokohan, halos lahat ng mga trending posts e may ganitong comment. Nakaisip sila ng paraan para maka spam without risking ung main account mismo.
true. napaka daming gantong post sa mga sikat na fb page at viral na post. ang nakaklungkot lang ay parang walang ginagawa ang FB para mabawasan yung mga ganyang kalseng posts.
full member
Activity: 686
Merit: 125
October 03, 2020, 12:48:24 AM
#5
Mga salitang mgpapayaman umano at tutulong yun pala galawang gago. Kung yayaman pala di na sana marami ng ang yumaman kaso lang dumami ang na e scam kaya sa mga ganitong stratehiya parang normal na sa atin na mg isip na ito ay scam. Siguro noong unang panahon pwede siguro sila maka scam pero ngayon kasi nglabasan na ang mga gaya nyan mga taong walang modu sa buhay kundi mgscam eh natoto na tayo eh. Marami pa riyan di na lang natin sila pakialaman instead gumawa na lng tayo ng paraan na maging aware lahat ng kababayan natin ukol sa mga modus operandi ng mga scammers na ito na kahit kapwa kabayan ay bibiktimahin. So sad talaga gagamitin pa nila ang cryptocurrency sa kanilang makabagong pag e scam.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
October 03, 2020, 12:16:06 AM
#4
Madalas dalas nga ung ganitong kalokohan, halos lahat ng mga trending posts e may ganitong comment. Nakaisip sila ng paraan para maka spam without risking ung main account mismo.

Always make sure to take the extra 5 seconds to report these posts para mabawasan sana ang maperwisyo.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
October 03, 2020, 12:06:51 AM
#3
Sa pananagalog pa lang mapapansin na, na hindi pinoy ang gumawa, halatang google translate sa kabilang banda ang nakakalungkot dito ay target talaga nilang iscamin ang mga pinoy dahil tinatranslate nila ang kanilang mga post sa ating salita. Isa lamang ang ibig sabihin nito na madami pa talaga ang nabibiktimang pinoy sa mga ganitong klaseng panluluko.
jr. member
Activity: 218
Merit: 1
October 02, 2020, 11:06:38 PM
#2
nagpapalabas sa mga social media ng proyekto ang mga scammers para ma ipromote o mahikayat ang mga investors na mag invest at makalikom ng pera para nakawin isang paraan na dapat nating siyasatin maigi ng sa ganon maiwasan ang mga ganitong klaseng pang iiscam. maraming kumakalat ngayon na project site tungkol sa mga investing kaya lagi tayo mag iingat
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 02, 2020, 08:42:51 AM
#1
Andaming ganitong kumakalat ngayon sa social media yung tipong kahit san ka magpunta eh makikita mo ang ganitong post at sa malamang ay makaka biktima ito ng mga newbies dahil consistent ang posting ng mga loko. At dapat talaga na mag-ingat ang mga baguhan pa sa cryptocurrency sa mga pekeng crypto trader/scammer dahil tiyak magiging biktima sila ng scam pag naniwala sila dito.

Sample pic sa baba ng mga modus nila na kung saan nakaka irita na dahil kung kahit san ka magpunta eh makikita mo ang ganitong posting.



At ito pa.


Kaya ingat tayo at laging magsalik-sik.
Pages:
Jump to: