Posible yan pag hindi regulated pwedeng ang platform ay gamitin sa mga ilegal na gawain at kung papatunayan na ang POGO ay gamit sa money laundering at hacking activity isa ito sa magiging batayan ng gobyerno para wag bigyan ng lisensya at itotally ban na ang mga POGO.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian wala naman naidulot na positibo o economic benefits ang pagbibigay ng license to operate ng POGO, lalong sumama lang ang imahe ng Pilipinas dahil sa POGO.
Senator Sherwin Gatchalian, a long-time opponent of POGOs, claimed in March that the “POGO experiment” had failed to provide the economic benefits it had promised and instead “created new avenues for crime and corruption, damaging our country’s reputation among diplomatic allies, foreign investors, potential tourists, and even our own countrymen.”
PAGCOR shuts down POGO, promises similar action against any operators engaging in illegal activitiesKaya kung involved sa money laundering, hacking at scamming ang mga nakuhang wallet at seed phrase malamang mahirap na makapag operate uli ang mga POGO dito.
Sikat talaga ang bansa natin na bagsakan ng mga ilegal na POGO na halos may-ari ay mga dayuhan . Siguradong may malalaking pangalan ang involve dito na nagbibigay proteksyon sa mga iilan na hindi mahuli huli tapos ang masama pa ay ginagamit para makaloko ng kapwa. Talagang iba rin itong Pagcor lahat gagawin para lang makabahagi ng kita sa mga POGO. Kapag wala kang basbas siguradong sarado ka. Hindi sa sinasabi kong kurap sila ang sa akin lang ay nasa kanila ang batas kaya dapat magbigay ka.
Isa na naman POGO sa Pasay City ang ni-raid , ngunit sabi ng mga eksperto sa cryptocurrencies ay hindi madaling makaloko dito. Para sa akin may posibilidad na makapangloko lalo na kung hindi sila legal sa pag-ooperate ng ganitong klaseng pasugalan. Sang ayon ba kayo sa mga sinasabi ng mga eksperto na ito?
Oo naman siyempre, posible talaga na makapangloko ang mga nag-ooperate ng mga pasugalan. Alam naman natin na ang pasugalan ay marami sa mga tao na gumagamit nyan ay may bisyo. Ang pasugalan kasi is a risky way of earning money, wala kasing kasiguradohan kung i-aasa mo ang buhay mo sa pagsusugal. Sa madaling salita, kung mayroong chances ang mga pasugalan na manloko, ay malaking posibilidad na i-take advantage nila ito. Well, hindi ko naman nilalahat.
Tama ka , magpapatikim ng panalo pero sa pag-ulit mo siguradong ubos ka. Isa sa mga paraan nila ito para makapangloko , meron naman na kasabwat na kunyari nakapanalo para may maakit na mga parokyano. Sang-ayon ako diyan hindi lahat pero halos karamihan.