Pages:
Author

Topic: Mga POGO posible kayang magamit sa money laundering ? - page 2. (Read 243 times)

legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Posible yan pag hindi regulated pwedeng ang platform ay gamitin sa mga ilegal na gawain at kung papatunayan na ang POGO ay gamit sa money laundering at hacking activity isa ito sa magiging batayan ng gobyerno para wag bigyan ng lisensya at itotally ban na ang mga POGO.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian wala naman naidulot na positibo o economic benefits ang pagbibigay ng license to operate ng POGO, lalong  sumama lang ang imahe ng Pilipinas dahil sa POGO.

Quote
Senator Sherwin Gatchalian, a long-time opponent of POGOs, claimed in March that the “POGO experiment” had failed to provide the economic benefits it had promised and instead “created new avenues for crime and corruption, damaging our country’s reputation among diplomatic allies, foreign investors, potential tourists, and even our own countrymen.”

PAGCOR shuts down POGO, promises similar action against any operators engaging in illegal activities


Kaya kung involved sa money laundering, hacking at scamming ang mga nakuhang wallet at seed phrase malamang mahirap na makapag operate uli ang mga POGO dito.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
Isa na naman POGO sa Pasay City ang ni-raid , ngunit sabi ng mga eksperto sa cryptocurrencies ay hindi madaling makaloko dito. Para sa akin may posibilidad na makapangloko lalo na kung hindi sila legal sa pag-ooperate ng ganitong klaseng pasugalan. Sang ayon ba kayo sa mga sinasabi ng mga eksperto na ito?

Pwede niyo rin dito panoorin sa link sa baba kung tama ba ang pagkakaalam nila sa cryptocurrencies.
https://news.abs-cbn.com/video/news/08/18/23/mga-ebidensiya-sa-pogo-hub-titingnan-kung-gamit-sa-money-laundering
Pages:
Jump to: