Tama. Mauuna lang lumakas ang mala-cash at mas madali ika nga, pero kung matyaga ka naman sa pagpapalevel, kahit gaano kahirap o kabagal, dadating ka din sa ganung level. Sadyang yun ang lamang mga malakas maglabas ng pera sa laro. Kung magpapadaig ka at panghihinaan ng loob, hindi ka lalakas at mauuna ka talaga tamarin at mag quit nalang.
Laging may advantage talaga mapa anomang laro basta may pera ka. Pero sa case na ito ng classic ragnarok NFT, ibang iba talaga dahil parang mas pinupush mga tao mag deposit at kalimutan ng enjoyin yung laro kasi may outside economy na din tapos may token pa sila at NFT. Well, yun naman talaga ang purpose ng laro kaya madami rin silang players.
Gets ko naman yung point mo, pero gaya nga ng sabi mo yun talaga ang purpose ng laro nila. Ang game ay ginawa bilang F2p pero may certain limit hanggang saan lang ang pwede mo ilakas as F2p player. Dahil may mga items o pang upgrade na mabibili mo lang kung maglalagay ka ng totoong pera. Kaya nagiging palakasan ng gastos para mas lumakas ang mga character.
Ohh , may Mobile version na pala ragnarok ? game to dati ng Office mate ko eh naalala ko addict mag palevel noon kahit habang nasa office kami , Ako naman laro ko noon is Master of the Universe(MU) at ibang E-Games games. kaso nung nagsibagsakan mga servers namin nawalan na kami ng gana kasi malaki laki din ginastos namin sa mga games na yon , at hindi lang basta bastang oras .
kung Play to earn man to eh pwede namang pang patay oras lang pero sana wag ng karerin dahil kahit anon hirap mo mag grind tapos magsasara lang din naman ang server eh manghihinayang ka lang din , ganito naramdaman namin noon kaya never na talaga ako nag engage sa mga games like this
Oo marami na talagang naglipanang mobile game version ng Ragnarok, yung iba P2E daw pero yung iba hindi naman. Pero itong shinare ni OP na Raganrok Landverse ay playable palang as of the moment sa PC, wala pa itong mobile version.
Ang natatandaan ko naman sa Ragnarok ay yung mga classmates ko nung high school na naging adik sa paglalaro at nagagawa pang mag cutting class, sobrang nostalgic lang nito sa kanila. Sa akin naman Gameboy and video games lang hehe
Yes, ito namang bagong Ragnarok Landverse pang pc lang, sinubukan ko siyang laruin pero wala siyang autoplay. Lahat ng galaw dapat nakatutok ka kahit sa pag-grind, kaya itinigil ko kasi hindi kakayanin ng oras. Okay lang tong laro na to kung nakafocus ka sa paglalaro, pero kung may mga iba kang ginagawa, hindi ka uusad basta basta.