Ganito din yung feeling sa ibang laro. Tumatanda na kasi tayo tapos may kanya kanya na ring buhay, kaya mapalad tayo na makakapaglaro pa rin tapos may kanya kanya na ring karera sa buhay. Nag start na ako maglaro at naeenjoy ko yung palevel pero di ako makapaglaro ng maayos dahil alam niyo kapag may responsibilidad, hindi makapagfocus. Ang napansin ko lang ang daming tao at kahit saan nagpapalevel, sabagay kasi halos lahat kakasimula palang kaya normal at sana ma-maintain yung ganyang dami ng tao hanggang sa tumagal kaso parang malabo.
-snip
I feel you man, di ka nag iisa dyan sa mga responsibilidad na yan. Yung tipong andami mo pang gustong gawin, habulin at pag aralan pero di mo na magawa dahil meron na tayong priorities. Ganun talaga ang buhay, buti na lang at na-enjoy ko naman ang kabataan ko kahit papano to the fullest noon. hehe
Siguro karamihan sa atin dito yan ang masasabi na na enjoy natin ang kabataan natin at wala tayong panghihinayang kasi nasa kalagitnaan tayo ng technology innovation magmula sa mga larong pang NES hanggang sa online games, mobile games tapos ngayon naman yung mga classic games nilalagyan nila ng crypto integration pati NFT (kahit almost dead market na).
Anyway, currently checking this game kasi interested din ako sa mga ganito, ang nalaro ko rati ay yung Ragnarok Labyrinth NFT (mobile) hanggang sa naboring na akong laruin. Nakakapaglaro pa rin naman ako ng ibang mga games at baka maisingit ko pa ito.
May mga bad reviews na nga lang ako nababasa sa Facebook. Pay 2 Win nga ang sabi ng iba ang larong ito, archer daw ang character nya pero knife ang gamit nito, kelangan pa daw mag spend ng 1 dollar ba yun o zeny para lang magkaroon ng normal archer. hehe
Lalaruin ko muna ito for fun lang at kung maganda bang ipagpatuloy...
Oo nga pay to win siya, dami kong nakitang may mga in-game items sila na dapat ilo-load mo lang para makuha. Kung magga-grind ka naman sa laro, malabong makuha unless bilihan ng zeny o palitan ng mga mahahalagang items. Nagpapalevel lang ako solo at dami kong kasabayang nakikita na may mga items na agad na bili/load nila. Normal lang naman though kasi nga kailangan din naman kumita ng larong ito. Pero enjoy lang ako sa palevel. Sa akin archer din naman at pulubi lang din ako pero hindi ako gagastos o magloload kasi para sa pag eenjoy ko lang ito laruin at kung kumita man, okay din pero baka sa zeny selling nalang at payaman nalang sa pagha-hunt. Mukhang lalaki ang economy ng laro pero sa mga gusto lumakas agad, enjoyin niyo lang palevel at yung hirap sa pag grind.
Saka natin pag aralan yung tungkol sa economy nila at conversion sa crypto na pinost naman nila sa FB page nila.