Pages:
Author

Topic: Mga risks ng paghawak ng stablecoins(USDT,TUSD, etc) - page 2. (Read 440 times)

mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
~
In the end, mas safe talaga na PHP/USD ang hawakan natin.
Ibig mo ba sabihin yung physical cash na? Kung sa bangko kasi, the same din na pwede i-freeze.

Sure pwede parin talagang ma-freeze, pero far more regulated ang banks kaya less likely na may kalokohang magaganap. Hindi mo rin magiging problema(or mas unlikely) sa banks ung issues ng ibang stablecoins gaya ng USDT na baka insolvent pala sila(gaya ng nangyari dati), and some other things.

https://www.kalzumeus.com/2019/10/28/tether-and-bitfinex/
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Nabasa ko ito sa original thread mo. It also reminded me of the erc-20 tokens na nakita ko dati kung saan may kakayahan din yung developer na i-lock yung mga tokens.

I neither hold nor trade stable coins pero I know some na nagtatago sa kagaya ng USDT kapag bumubulusok ang bitcoin at altcoins na hindi alam na pwede din pala ma-lock assets nila. This is timely na din kasi ganun nga direksyon ng merkado ngayon.


~
In the end, mas safe talaga na PHP/USD ang hawakan natin.
Ibig mo ba sabihin yung physical cash na? Kung sa bangko kasi, the same din na pwede i-freeze.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
Mejo mahaba-habang pagbabasa siguro ito para sa marami, pero importante to.



Common na kaalaman siguro ito, pero tingin ko marami pa dito ang may hindi alam neto. Karamihan ng mga stablecoins ay pwedeng i-freeze sa wallet natin. Oo, kahit sa wallet mo na control mo ung private keys mo. At oo, kahit sa hardware wallet mo, pwede paring ma freeze ung funds mo.

Quote
Asset freeze
In order to remain compliant with regulators, many stablecoin issuers have introduced blacklists so that they can freeze the stablecoins held at specific addresses. This ability is also particular useful in the case of hacks, but it means that the trust we must place in the issuer to not act maliciously is that much greater.

Link to article

Kahit hindi pa ata masyadong nangyayari ung ganito, hindi impossibleng mangyari ito sa ilan sa atin. Kumbaga, ang tanong lang e kung kelan ito pwedeng mangyari.


Table from this Medium article

Increased regulations

Hindi makakapagtaka kung mas magiging strikto ang mga gobyerno sometime sa future. Paano kung bigla nilang frineeze lahat ng funds ng mga tao tapos nagrequire silang magsubmit tayo ng KYC/AML information para ma-unfreeze ang funds natin? Baka malabong mangyari siguro ito sa Pilipinas, pero wag nating kakalimutan na sa US tumatakbo ang karamihan ng stablecoins na meron tayo ngayon kaya sobrang possible to sa tingin ko.

Single Collateral DAI(SAI) and Multi-Collateral DAI(DAI)

Pwera ang USDT sa Liquid network(na halos wala pang gumagamit), ang DAI/SAI lang ang merong available saatin ngayon na unfreezable. Siguro ito ang best choice natin ngayon, pero itong project na ito ay hindi pa 100% na pulido. Sa dalawang taon na tumatakbo itong project na ito, mejo consistent naman na malapit lapit sa $1 ung value neto, pero nangyari na minsan na tumaas ung value nitong stablecoin na ito sa $1.06 at bumaba ng as low as $0.95. Obviously, ayaw natin ng ganyang price movements dahil stablecoin ang pinag uusapan natin dito.


Final thoughts

Hindi ko sinasabing wag kayo maghawak ng stablecoins, pero kelangan lang nating malaman ung risks na kinukuha natin pag naghahawak tayo ng stablecoins para hindi tayo magulat pag may mangyaring hindi maganda. Paalala lang, while baka ung mga "semi-decentralized" stablecoins ang mas safe na hawakan, remember na may mga bagay na pwedeng mangyari gaya ng "black swan events" na pwedeng magpa drop o magpataas ng value ng "semi-decentralized" stablecoins gaya ng DAI/SAI.

In the end, mas safe talaga na PHP/USD ang hawakan natin.
Pages:
Jump to: