Wala talaga sa pinagaralan ang kapalaran ng isang tao, kung pursigido ka matupad mga pangarap mo, I’m sure matutupad mo yun at makakamit mo. Don’t focus too much on your destination make it just your inspiration and focus on the process and kung paano mo maachieve yang goal mo. Mahirap maging millionaryo pero kapag andun kana sa level na yun mas mahirap mag stay as a millionaire. Maging masipag, at maging madiskarte sa buhay and syempre live within your means lang wag maging magastos sa mga hinde mahahalagang bagay.
Being a successful one in the future isn't based on what degree you have but what skills you have.
Lagi kong sinasabi ito di lang sa forum pero sa telegram channel natin pero ang mga schools ang biggest scams sa ngaun (mas malaki pa sa mga MLM companies na alam mo at sa Bitconnect). Guro ang Mother ko pero di ko masabi sa kanya ito dahil sa respeto na rin sa kanila pero nasa isip ko, ang eskwela ay isang scam.
Paano? Karamihan sa mga eskwelahan ngaun ay hindi nagtuturo ng financial literacy kaya marami ang di alam hawakan ang pera, nasscam at nananatiling mahirap.
Ang pagiging milyonaryo ay nakabase sa kung paano mo hawakan ang pera mo. Kahit may monthly income kang 500,000 if ang monthly expenses mo naman ay 500,000, ito ay magiging useless.
Nasa kung paano mo hawakan ang pera at paanong paraan mo ito mapapalago. Kahit malaki ang pera mo kung di mo alam palaguin ito ay useless rin.