Sinong ayaw ng komportableng Mansyon?
Sinong ayaw ng Magarang sasakyan?
Sinong ayaw ng tuloy-tuloy na pasok ng Pera ?
Sa aking pagbabalik sa forum, dala ko ang ilang kapakipakinabang na impormasyon na maaring makatulong sa ating komunidad patungo sa matagumpay at masaganang kinabukasan.
Sa dulo ng artikulo na ito ay magkakaroon tayo ng basic knowledge sa kung paano natin masisiguro ang ating kinabukasan o kung papano natin maisasalba ang sarili sa paraang hindi tayo gaanong maapektuhan kung sakaling danasin natin ulit ang isang finacial crisis.
• MindsetWag kang magreklamo. Ayon kay Jack Ma ang bawat reklamo ay isang oportunidad at kung sakaling malulutas natin ang reklamo ng iba o problema maaari itong maging pera.
Walang madaling bagay, ang buhay ng tao ay walang saysay kung ang lahat ay madali lang makuha. Sanayin ang sariling magkaroon ng matatag na mentalidad sa kabila ng mga problema dahil lagi tayong makakaranas ng sitwasyong hindi pabor sa atin. Sa kabilang banda, ang importante ay kung paano natin ito titingnan.
Lahat ay patungkol sa mindset, laging maging positibo kahit anong mangyare.
• SkillBilang isang indibidwal nararapat na magsanay tayo ng kakayahang kaya tayong buhayin. Maari itong pumatungkol sa iyong mga napagaralan, mga talento, mga interes o mga personal na karanasan. Buoin ang kakayahang ito habang tinatahak mo ang iyong career path o habang pumapasok sa corporate world para magkaroon ka ng pundasyon na magagamit mo para kumita.
Take note na ang diploma ay hindi kailangan para maging matagumpay, ang kailangan natin ay isang mentor.
• BusinessAng eskwelahan ay isang negosyo at ginawa para makagawa ng mga empleyado at kung gusto nating yumaman wag tayong manatiling empleyado gumawa tayo ng negosyo. Bilang isang empleyado kahit gaano mo sipagan, ang yayaman pa din ay boss mo. Sabihin na natin na promote ka, oo lalaki ang sahod mo pero ang yayaman pa din ay boss mo.
Siguro sinasabi niyo na hindi kayo mga negosyante pero ang totoo lahat ay matututunan kung gusto mo talaga na gawin ito.
• InvestmentHindi natin kayang magtrabaho habambuhay, kailangan ng katawan nating magpahinga. Maganda ito kung nagawa mo na ang iyong negosyo dahil tuloy-tuloy na ang pasok ng pera mo kahit na di ka nagtatrabaho.
Inaanyayahan ko ang lahat na aralin ang topic na ito at magkaroon ng research patungkol sa stock investing. Napakaraming makikita online na nagtuturo kung paano ito simulan. Ang maganda dito ay kung mapipili natin ang tamang stock na sakto sa karakter natin at pangangailangan magkakaroon tayo ng isa pang stream ng income na lalaban satin kahit di tayo nagtatrabo o kung magkaroon ulit ng finacial crisis.
Ang pagkakaroon ng tamang mindset at skill ang dapat na mahasa muna bago pasukin ang pagnenegosyo at investment para magkaroon tayo ng matibay na pundasyon. Bukod dito, ang goal natin ay para magbigay ang ating negosyo ng passive income na kung saan hindi na natin kailangan magbigay ng extra effort para makagawa ito ng pera although kailangan natin ito sa umpisa.
p.s. Muli ito ay basic at general na impormasyon lamang tungkol sa kung Paano yumaman. Ang detalyadong pagtalakay ay maaasahan sa susunod kung nakuha nito ang interes niyo.
p.s.s. Hindi ito plagiarized at ginawa ko base sa sariling research. Inaasahan ko na nagbigay ito sa ng value sa community at ang ilang merit ay lubos kong pasasalamatan.
Search Marvin Germo sa Youtube para sa stock investing marami tayo makukuha sa kanya.
English Translation:
https://bitcointalksearch.org/topic/millionnaire-mind-how-to-be-rich-5219771